/53/ Ang Kasunduan kay Magwayen

15.3K 1.2K 1.2K
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kabanata 53: 
Ang Kasunduan
Kay Magwayen


MAHIGIT dalawampung libong talampakan ang kanilang kasalukuyang binabaybay. 

Sa isang iglap ay namalayan na lamang nila Arki na hinulog sila mula sa kataas-taasang langit at ngayon ay pare-parehas bumubulusok ang kanilang mga sarili paibaba sa lupa.

Napaos na sila sa pagtili at pagsigaw nang mapagtantong sa loob ng ilang minuto ay magkakandalasug-lasog ang kanilang mga buto kapag hindi sila gumawa ng paraan.

"Leo! Nasaan 'yung bayong?!" muling sigaw ni Arki sa kasama habang binabalanse ang kanyang sarili upang hindi magpaikut-ikot sa ere.

Samantala si Leo ay kanina pa umiikut-ikot sa ere sapagkat hindi nito mabalanse ang sarili.

"Ahhhhh! Arkiiii! Tuloooong! Ahhhhh!" walang ibang maisigaw si Leo kundi tulong.

"Nasa bayong si Mari!" sigaw ni Roni sabay turo sa bayong na nauuna sa pagbulusok paibaba.

Kumilos si Rahinel upang mas maabutan ang bayong subalit tila sinasadya ng hangin na mas lumayo 'yon.

"Mygaaaaad! Mamamatay na tayoooooo!" siga ni Jazis. "Ayokong mamatay ng virgiiiiin!"

Sa pagkakataong ito ay sinubukan naman ni Vivienne at Roni na habulin ang bayong. Pero sa huli'y nagkabungguan sa ere sina Vivienne, Roni, at Rahinel dahilan para magkalayu-layo sila lalo.

Napapikit saglit si Arki. 'Diyos ko po, bakit ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Parang kanina lang ay okay na okay ang lahat... Inalay naman namin 'yung ginto sa mga gwardiya pero bakit nila kami tinapon sa ere?'

Muling dumilat si Arki at naisip na hindi iyon ang tamang oras para humanap ng mga kasagutan kahit na alam niyang may mali sa mga nangyari.

Dalawang minuto ang natitira bago sila tuluyang sumalpok sa lupa. Alam ni Arki ang kanyang dapat na gawin.

'Mahal kong mga diyosa... Maaari ninyo ba kaming tulungan? Anitung Tabu... diyosa ng hangin at ulan... Dinggin mo naman ang aking panalangin.' Seryosong dasal ni Arki nang muling pumikit.

Lumipas ang isang minuto bago mapagtanto ni Arki na gumaan ang kanyang pakiramdam. Dumilat siya at nakita ang mistikal na hangin na bumabalot sa kanyang katawan.

Hinanap ng kanyang paningin ang mga kasama at nakita ang mga 'yon sa ibaba niya. Naging madali na lang sa kanya na kontrolin ang katawan para maabot ang bayong at saka inilabas si Mari.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Huling Binukot (The Last Princess)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon