/5/ Ang Sinumpang Prinsipe

38K 2.1K 189
                                    


Kabanata 5:Ang Sinumpang Prinsipe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5:
Ang Sinumpang Prinsipe


HINDI na bago ang traffic sa lungsod ng Maynila. Subalit nagkaroon ng aberya kung kaya't isang oras at kalahati ng halos hindi umuusad ang mga sasakyan sa may Quiapo. Kakagaling lamang ni Rahinel mula sa Diliman, pabalik siya ngayon sa Intramuros subalit naabutan siya ng disgrasya.

Kalmado lamang siyang naghihintay habang nakadantay ang kanyang braso sa manibela.

'Ilang daang taon na ang lumipas subalit wala pa ring pagbabago ang mabagal na sistema,' sa loob-loob ni Rahinel habang nakatingin sa kalsada.

Tirik na tirik ang sikat ng araw, kitang-kita niya ang makapal na usok ng mga sasakyan sa labas at ang samu't saring polusyon. Napatingin siya sa kanyang kaliwa at nakita ang isang matandang babae na nangangatok sa kotseng nasa tabi niya.

Matapos hindi mapansin ay bumaling ang matandang babae sa kanya at kumatok ito sa kanyang bintana sabay lahad ng palad.

Napahinga nang malalim si Rahinel, alam niyang hindi dapat pinapawili ang mga tao na mamalimos pero hindi niya maiwasang maawa.

Binuksan niya ang kanyang bintana at inabutan niya ng singkwenta pesos ang matanda. Hindi naman ito sobrang gusgusin, subalit makikita ang kakaiba nitong aura.

"Salamat, hijo, pagpalain ka ng diyos," nagagalak nitong sabi.

Itataas na niya ang bintana nang kanyang sasakyan nang magsalita ulit ang matanda.

"Pwede ko bang tignan ang iyong palad?" tanong nito. "Huhulaan kita, hijo, bilang pasasalamat."

Isang manghuhula sa Quiapo, iyon ang naisip na Rahinel. Hindi niya ibig itaboy ang matanda kung kaya't hinayaan na lamang niya ang sarili na ibigay ang kanyang kaliwanag kamay. Wala pa ring bakas ng pag-usad ng trapiko.

"Hmm..." tiningnan nang maigi ng matanda ang kanyang palad. "Mayroon kang hinahanap..."

Walang balak makinig si Rahinel sa kung ano mang sasabihin nito subalit napukaw na ng matandang babae ang kanyang atensyon.

"Mayroon kang hinahanap... sobrang tagal mo nang hinahanap," sabi ng matanda habang patuloy nitong binabasa ang mga guhit sa kanyang palad. "Subalit... sinumpa ka! Sinumpa ka... dalawang beses... ang una'y... hindi ko mawari... pangalawa... sinumpa ka... na hindi mo makikita ang iyong hinahanap."

Nagsalubong ang kanilang mga titig , nanlilisik ang mga mata ng matanda animo'y nasapian ng kung anong elemento. Naramdaman ni Rahinel na umuusad na ang mga sasakyan kaya dali-dali niyang binawi ang kanyang kamay, at muli siyang nagmaneho palayo sa kinaroroonan nito.

Napapikit siya saglit. Hindi niya maiwasang magbalik alaala.

Huli na noong dumating sila sa gingharian ni Datu Kagirim, kitang kita nila ang delubyong pinagdaanan nito. Sinira ni Datu Bagobo ang lahat ng sinasakupan nito, maging mga bata, babae, at matatanda ay hindi pinatawad.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon