/72/ Ang Unang Maharlika

10.3K 1K 283
                                    

ANG NAKARAAN:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG NAKARAAN:

Nakaharap na rin ni Arki ang apat na pinuno ng mga elemento subalit nagulat ang mga ito sa naging kundisyon niya na tatalunin niya si Sitan kapalit ang pagpapalaya nila sa mga aliping mortal sa Hilusung. At bago pa makumbinsi si Makiling ay biglang umabala ang supremo ng mga Maharlika at siyang bise-presidente ng Pilipinas, si Benjamin Aquinas, dinakip nito si Arki patungong Kampo Uno.


Kabanata 72:
Ang
Unang
Maharlika



SA isang kisapmata'y nag-iba ang kinaroroonan ni Arki. Nang bitawan siya ni Benjamin Aquinas ay kaagad siyang sumalampak sa malamig na sahig. Madilim ang paligid na kinaroroonan nila kung ikukumpara sa pinanggalingan niyang makulay na palasyo.

"Ani—" subalit bago pa niya matawag ang mga diyosa'y biglang kusang tumayo ang kanyang katawan at nagdikit ang kanyang mga kamay sa likuran. Nakita niya ang pagkumpas ng kamay ni Benjamin Aquinas at nakita ang mahikang sinulid sa kamay nito na nakatali sa kanya.

"Please, don't try to struggle, it'll make it worst." Hindi niya ito pinakinggan at sinubukan niyang kumawala pero mas humigpit ang mga mahikang sinulid sa kanyang katawan. Nahulog sa sahig ang kanyang arnis at gumulong 'yon sa direksyon ng supremo.

"B-Bakit mo po ako kinidnap?" galit niyang tanong dito. Hindi na inalintana ni Arki kung bise-presidente pa ng Pilipinas ang kanyang kaharap at nawala na ang kanyang pagkagulat. "Kampon ka ni Sitan!"

Pumitik si Benjamin Aquinas at biglang umilaw ang mga sulo na nakasabit sa silid. Lumitaw ang mga magagarang aparato at karamihan doon ay mga babasagin, tila nasa isang laboratoryo sila.

"Alam kong maraming tanong sa iyong isip, but what you said is not true, I'm not Sitan's follower," kalmadong sagot nito sa kanya.

"Kung gano'n po pakawalan n'yo ko rito, kailangan ko ng basbas nila para magwakas na ang kasamaan ni Sitan!" pakiusap niya, hindi pa rin makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Hilusung would appreciate your help but I do not believe in prophecies just like what they told in myths. I am the one who will end Sitan." Walang bakas ng kahit anong pagdududa ang itsura ni Benjamin Aquinas. Inayos nito ang salamin bago muling tumayo at lumapit sa kanya. "Do you know why?"

Hindi sumagot si Arki, mas lalong hindi niya nagustuhan ang presensiya nito, punum-puno ng kaarogantehan at pangmamata ang pagtingin nito sa kanya. Masama niya lang tiningnan ang taong kaharap.

"I am a direct descendant of Bathala," buong pagmamalaking sabi nito. "My great-grandfather, the first Maharlika, is Bathala's son. Hindi mo ba narinig sa iyong lola Barbara ang kwentong iyon?"

"Paano mo nalaman ang lola ko—"

"Oh, well, hindi naman tayo nagmamadali, how about a little story time?" Bumalik ito sa kaninang trono at muling umupo roon. "Once upon a time, Bathala created Ibayo to save some mortals from the western conquerors, he made this place in order for mortals and gods and other elementals to co-exist in peace."

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon