/14/ Bangungot

29.2K 1.8K 210
                                    


 Kabanata 14: Bangungot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 14:
Bangungot


MAGMULA nang umuwi sa kanilang bahay ang kanyang ama ay hindi na muli pang nakatulog nang mahimbing si Jaakko. Nagigising siya eksaktong alas tres ng madaling araw sa hindi malaman na dahilan. Sa tuwing magigising siya'y tagaktak ang kanyang pawis at may namamahay na kakaibang takot sa kanyang dibdib.

Pamilyar kasi ang pakiramdam sa kanya. Isang lumang memorya mula sa kanyang pagkabata noong minsang magising siya sa kalagitnaan ng gabi ay nakarinig siya ng mga kakaibang tinig, sinundan niya iyon hanggang sa nakita ang isang kasindak-sindak na senaryo.

Matagal nang binaon ni Jaakko ang alaalang 'yon sapagkat para sa kanya ay isa lamang iyong masamang panaginip. Subalit heto at tila naulit ang kahapon. Bigla siyang nagising, pagkatapos ay napilitan siyang bumangon. Gininaw siya kaya nagpasya siyang tumayo para patayin ang aircon.

Babalik na sana si Jaakko sa kanyang kama nang bigla siyang makarinig ng mga boses mula sa labas. Napalunok siya dahil naalala niya bigla ang masamang panaginip. Sa 'di malaman na dahilan ay lumabas siya ng silid at hinanap ang pinanggagalingan ng mga tinig.

Maingat na naglakad si Jaakko sa madilim at mahabang pasilyo. Palakas nang palakas ang mga tinig habang papalapit siya sa opisina ng kanyang ama. Hanggang sa huminto siya sa harapan nito, may kaba man sa kanyang dibdib ay pinihit niya pa rin ang seradura ng pinto, dahan-dahang binuksan ng kaunti sapat na para makasilip siya.

Tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing liwanag sa loob, nakita niya sa may gitna ng silid naka-palibot ang limang tao na naka-itim na balabal. Sabay-sabay itong nagsasalita na tila umuusal ng isang mahika.

"Panginoong Sitan kami ay nagpulong upang ikaw ay tawagin. Panginoong Sitan kami ay nagpulong upang ikaw ay tawagin. Panginoong Sitan kami ay nagpulong upang ikaw ay tawagin..."

Matapos ang paulit-ulit nitong pag-himig at orasyon ay may itim na usok ang lumitaw mula sa kawalan. Isang kahindik-hindik na tinig ang kanyang narinig.

"Hanggang kailan niyo ako paghihintayin?" sambit ng itim na usok, wala itong porma subalit makikita ang tila dalawang pulang ilaw na nagsisilbi nitong mata. "Nasaan na ang huling binukot?!" lumakas lalo ang pagtibok ng kanyang puso, alam ni Jaakko na hindi galing sa mundong 'to ang nangyayari.

"Mahal na Sitan, ipagpaumanhin mo ang kabagalan," nagsalita ang isang lalaking tinig na pamilyar sa kanya.

"Bagobo, matapos kitang bigyan ng kapangyarihan ng pagiging imortal, ito ang ibabalik mo sa akin?! Ilang daang taon ka nang nagpapakasasa sa mundo ng mga mortal!" parang batang maiiyak si Jaakko dahil sa tila kumukulog na boses.

"Patawad, mahal na Sitan, alam kong utang ko sa iyo ang kapangyarihang ito subalit hinihiling ko ang kaunti pang panahon para mahanap ang huling binukot."

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon