Raised on her grandmother's mythic tales, brave teenager Arki is stunned when those very monsters come to life and kidnap her best friend Yumi. To rescue Yumi, Arki and her friends venture into the mystical world of Ibayo. Alongside her is Rahinel...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ANG NAKARAAN:
Samantala'y nang magising si Yumi ay unti-unting naging malinaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Salamat sa mahikang gamot ni Master Yogi ay hindi tumalab ang pagbura ng mga alaala kay Yumi. Kaagad niyang hinanap si Leo upang tulungan sa pagkakataong ito si Arki.
Kabanata 73: Sa Lalong Madaling Panahon
MAY isang babae sa kanyang panaginip ang paulit-ulit niyang nakikita. Hindi maipaliwanag ni Karl kung bakit pero kakaiba ang kanyang kutob doon, pakiramdam niya'y winawasak ang kanyang puso sa hindi siguradong alaala na napawalay siya sa misteryosang babae.
"Si Rahinel?" tanong niya sa kanilang kasambahay noong umagang 'yon subalit wala siyang natanggap na sagot.
Kahit na hindi sigurado'y naghanda siya papasok sa eskwelahang pansamantala niyang tinuturuan. Lubhang takang-taka siya kung bakit nanakit ang kanyang katawan at may mga peklat siyang nakita. Mas lalong nanaig ang mga katanungan, naalala niya ang kanilang misyon ni Rahinel subalit ang tanging huling naalala niya'y naging guro siya sa St. Rose High School
"Good morning, Sir Karl!" Nilagpasan lamang ni Karl ang mga estudyanteng nakasalubong. Nanatiling nakapako sa sahig ang kanyang tingin habang nagmamadali sa paglalakad.
Huminto siya sa isang klasrum at sumilip doon subalit nabigo siyang makita si Rahinel.
"Rah, where are you?" bulong na tanong niya sa sarili habang nililibot ang bawat sulok ng campus.
Alam niyang may nangyari, base sa nakita niya sa kanyang katawan at base sa kanyang kutob at mga panaginip noong nagdaang gabi.
"Mr. Ocampo, umpisa na ng klase, bakit nandito ka? You're supposed to be in your class." hindi niya namalayan na nakasalubong niya ang principal ng eskwelahan.
"A-Ah... P-Pasensiya na po, masama kasi ang pakiradam ko..." nagdahilan siya upang makaalis. Nabigo siyang hanapin si Rahinel at sa sobrang daming gumugulo sa kanyang isipan ay nagpasya siyang umuwi sa kanilang bahay.
Sa loob ng sasakyan ay napasubsob si Karl sa kanyang manibela. Pilit na hinahalukay sa kanyang memorya ang mga naaalala niyang naging pag-uusap nila ni Rahinel.
'Si Mayumi Garcia.' Inangat niya ang kanyang ulo nang maalala ang mga katagang 'yon ni Rahinel, inaakala nito na si Yumi ang hinahanap nila.
Subalit may sumisigaw na maliit na boses sa kanyang kalooban na hindi si Yumi ang huling binukot. Alam ni Karl ang totoo subalit hindi niya matukoy kung ano.
"I need to try," sabi niya sa sarili sabay ibis ng sasakyan. 'Kailangan kong makausap si Yumi.'