/58/ Mga Pangitain at Panaginip

14.6K 1.3K 922
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kabanata 58:
Mga
Pangitain
at
Panaginip


ILANG araw nang dinadalaw ng kakaibang panaginip si Rahinel subalit pilit niya 'yong isinasantabi. Sa bawat panaginip ay palaging naroon si Arki sa hindi malaman na dahilan. Ang nakapagtataka'y tila pinapanood niya sa kanyang isip ang mga nangyari sa kanila simula noong simulan nila ang paglalakbay na 'to, ang kaibahan ay nakikita niya ang kakaibang aura ng liwanag na bumabalot kay Arki—isang kapangyarihan na hindi niya maipaliwanag.

Naalimpungatan siya nang marinig ang boses ng matandang monghe, naramdaman niya ang bahagyang paggewang ng kanyang hinihigaan, napagtanto niyang nakasakay nga pala sila ngayon sa isang magarang bangka. Katulad ng bangka ni Bantugan na nasakyan nila noon ay may tinataglay ang bangka ni Master Yogi, hindi raw iyon nakikita ng iba maliban sa kanila.

"Oh, gising na pala ang prinsipe." Narinig niya ang boses ni Arki at hindi niya malaman kung may halo ba ng panunukso 'yon dahil nakatulugan niya ang pagkukwento ni Master Yogi tungkol sa Srivijaya.

"Arki..." mahinang tawag niya rito. 'Bakit palaging ikaw ang laman ng aking panaginip?' tanong niya sa kanyang isipan.

Umikot ang mga mata ni Arki at pumanewang. "Bakit mo naman tinulugan 'yung impormasyong sinasabi sa'tin," sabi nito sabay abot ng kamay.

Wala sa loob na tinanggap niya ang kamay nito at buong lakas siyang hinila ni Arki para bumangon, nanlalata ang katawan niya kaya hinayaan niyang bumagsak ang katawan niya rito. Tinulak siya kaagad ni Arki.

"Hoy, okay ka lang?" tanong ni Arki na may halong pag-aalala at inis. Pumitik-pitik si Arki sa harapan ng mukha niya.

"Huh? Ano ulit meron sa Srivijjaya?" lutang niyang tanong.

"Mukhang gutom ka," sabi ni Arki at inabutan siya ng inihaw na isda. "Kumain ka nga muna para magkalaman 'yang utak mo."

'Napakatalas talaga ng dila nito.' Sa isip-isip niya nang tanggapin ang pagkain.

"Uulitin ko ba from the top 'yung kwento?" kakamut-kamot sa ulo na tanong ni Master Yogi.

"Paumanhin kung nakatulog ako," sabi niya at napahinga na lang nang malalim si Arki.

Muling nagsalaysay si Master Yogi tungkol sa Srivijaya. Unang pinaliwanag ni Master Yogi ang mundong ito nahahati sa tatlo: Una, ang Kahilwayan, kung saan ang kaharian ng langit ng mga diyos ng Srivijaya. Ikalawa, ang Kamariitan, narito sila ngayon sa lupa ng mga mortal. Ikatlo ang Kasakitan, kung nasaan ang Sulad o mundo ng mga patay na pinamamahalaan ni Magwayen.

Nahahati naman sa tatlo ang Kamariitan ng Srivijaya, ang tatlong isla na Pas'yim, Madhi, at Por'ob. Nabanggit din ni Arki kay Master Yogi na hinulog sila sa langit kaya sila napadpad sa lupa. At ipinagtaka nila ang sagot nito.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon