Zoey's POV
🌸🌼🌺 Please vote and comments. Plus few chapters left. 🌺🍀🌼🌿🍁
Finally we are here in one of Palawan's Island. Ang ganda ng resort dito, malinis, tahimik, maraming puno ang nakapalibot sa buong island. Exclusive ang resort kaya kami lang ang guest at puro mga resort staff lang ang mga tao. Isang villa ang okupado namin. Magkasama sila Mr. and Mrs. Santander sa 1st floor bedroom. Kami naman ni Matthew in a separate bedroom sa second floor. Hindi ko pinapansin si Matthew the whole time. The way he protected Lilly when she hurled hurtful words against me kept playing in my mind.
She is the same Lilly that I have known in high school. Matapang, bully at palaban. For goodness sake, siya pa ang prinotektahan ni Matthew. Niyakap pa siya nito ng akmang susugurin ako ni Lilly. Andaming pangyayari ng araw na yon na nagpaselos sa akin lalo pa ng makita ko silang dalawa na masaya doon sa garden pagkatapos ng insidente. Samantalang ako naging miserable. Doon din si Matthew natulog kasama ni Lilly sa guestroom. Nagseselos ako dahil feeling ko, mas pinili pa niya si Lilly over me. Shit Matthew, why it can't be me? You always took me for granted. Parang mababaliw na ako.
Medyo gabi na rin ng dumating kami dito sa Palawan kaya mamayang kaunti dinner time na. Napapansin ko lang na parang okay naman na si Mrs. Santander. Parang physically wala namang problema sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung bakit kailangan pa nila akong isama dito. Ang mga mayayaman talaga, wala lang sigurong mapaglagyan ng pera kaya hindi na naiisip ang gastos. Since this is free, I might as well enjoy this chance. Medyo masinop ako sa pera at ako na lang mag isa sa buhay kung tutuusin. Kailangan kong mag ipon para sa sarili ko. Sa magiging pamilya ko. Dati gustong gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral. Parang nawalan na ako ng gana at iniisip ko na lang na ibuhos ang atensiyon at mga pangarap na hindi ko naabot sa mga magiging anak ko. Nasa ganon akong pag iisip ng may kumatok sa aking pintuan. Biglang nahinto ako sa aking pag iisip.
"Ready? Let's go!" Masayang yaya sa akin ni Matthew.
Nakita ko na nandoon na sa dining area ang mag asawa. Nakasunod lang ako sa likod ni Matthew. He pulled up a chair for me to sit. "Thanks." Ang maikling sabi ko. Andaming seafood na nakahain. Special ang welcome dinner na nakahanda ngayong gabi. Maya't maya nahuhuli ko si Matthew na sumusulyap sa akin.
"Matthew, it's good to stroll at the beach at night." Sabi ni Mrs. Santander.
"The weather's really good. You can take along Zoey at ng maenjoy ninyo ang buong island." Sabad naman ni Mr. Santander.
"Don't worry Mom, Dad. We will!" Sabi ni Matthew sabay sulyap sa akin.
Pagkatapos naming kumain niyaya na ako ni Matthew na maglakad sa beach. I don't want to start a conversation with him. I'm still fuming mad at him.
We walked side by side sa beach. Napakatahimik namin pati na ang lugar. Ang tanging maririnig ko ay alon, hangin at kanta ng mga ibon. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Matthew. "Hindi ako sanay na tahimik ka. Alam kong nagtatampo ka." Sabi niya sa akin.
Nagbuntung hininga ako. Nag iisip kung sasabihin ko ba ang mga hinanakit ko sa kanya. "I'm fine. You don't have to worry." Sabi kong itinago ang mga sama ng loob sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "I know it when something's bothering you. Naging ganyan ka lang naman simula ng pumunta si Lilly sa bahay." Sabi niyang tinititigan ako sa mga mata. "Say it! I think this is why we struggle in this relationship. We don't say what we want and feel. Ako din nagselos kay Aldrin."
Biglang naalala ko na naman ang mga ginawa ni Matthew. The way he embraced and protected Lilly. "Alright! Hanggang ngayon si Lilly pa rin ang gusto mo kaya mo siya prinotektahan. Don't fool me Matthew. Bakit kailangan mong matulog kasama siya sa guestroom? Idadawit mo pa si Aldrin. We are just friends!" I want the reality to be shoved into Matthew's face. I don't care. He never cared less. Why would I?
Bigla niya akong niyakap para pakalmahin ako. Pero nagpupumiglas ako sa mga yakap niya. "Let me go! Don't you ever touch me again!" Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang mga yakap. Napahagulgol na lang ako sa mga bisig niya.
"I won't let you go. Calm down sweetie. Are you jealous of Lilly? Kaya ako natulog sa guestroom in a couch para maihatid na si Lilly pagkagising nito. Walang may nangyari." Sabi niyang mahinahon.
The nerve of him. He's calm while I'm miserable. I fiercely get away from his embrace and stormed away from him. I heard him yelling. "The embrace was not to protect Lilly. I did it it to protect you from Lilly. It is still you all along!" Sigaw niya.
I don't want to be manipulated by Matthew anymore. Never again! Kailangan kung maglagay ng distansiya in between us as much as possible. Importanteng makapag isip ako ng matino pag wala siya sa tabi ko. Nawawala ako sa sariling katinuan pag nandiyan siya. Para akong baliw na walang may naiisip kundi si Matthew lang. Kahit anong deny ko, he's the center of my universe.
I received a text from him. MATTHEW: Hope you feel better by now. We will talk tomorrow. Goodnight sweetie!
ME: Just leave me alone!
Ayun. My message is clear. Hope he won't bother me anymore.
Laking gulat ko when he texted me back. MATTHEW: Whatever happens, I'm gonna win you back. I love you as always.
🌹🌼🍀 Please vote and make comments. Few more chapters left. 🌸🍀🌼🍄🌺🍃🌻💐🌳
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...