🌐🍀🌵Please vote and make comments para ma inspire naman akong magsulat. Thanks.🐾🐞🐝
Zoey's POV
Bakit ba na hindi mawala wala si Matthew sa isipan ko. Parang everytime na magkikita kami. Nandoon palagi ang urge na makapiling namin ang isat isa. Si Matthew lang ang lalaking ayaw mawala sa isipan ko.
Marami na rin akong napatunayan sa modeling world. Ngayon ko lang na reliazed na kailangan ko ng magkaroon ng sariling pamilya. Hay, na missed ko na naman ang parents ko. Ano ba yan? Hindi maganda ding mapag isa at kung ano ano na ang naiisip ko.
I am in my deep thoughts ng mag ring ang cell phone ko. Walang naka registered na name. Lintek baka mamaya si Matthew ito. "Hello..." Boses ng babae sa kabilang linya.
"Hi! This is Zoey speaking. Who's on the other line please?" Tanong ko. Kung sino man itong tumatawag sa akin.
"Zoey good evening, si Mrs. Santander ito." Pakikala ni Mrs. Santander.
Naging maayos ang pag uusap namin the last time. "Hello po. Kamusta po kayo?" Bati ko naman sa kanya.
"Ok na ng kaunti. Kalalabas lang namin ng hospital. Na stroke kasi ako. Wala namang residual or weakness. Kailangan ko lang magpahinga." Sabi niya sa kabilang linya.
"Sorry po sa nangyari sa inyo. Ano po ba ang maitutulong ko? OK lang po ba na mag bisita ako diyan ngayon?" Sagot ko naman.
"Sige punta ka dito ngayon. Hindi ba malayo ka dito? Gusto mo papasundo kita sa driver?" Tanong niya sa akin.
"Naku hindi na po. Malapit lang ako sa inyo." Sagot ko at sabay end ng call.
Naligo ako sandali at nag drive na papunta sa bahay ng mga Santander. Tahimik ang bahay nila ng pumasok ako. Na miss ako ni Ate Ana at ni Aling Martha. Bakit nandito si Aling Martha? Malamang nandito din si Matthew. Naaalala ko na naman ang time na dito ako nakatira. Na akala ko mag asawa kaming totoo ni Matthew.
Dinala nila ako sa loob ng bedroom ni Mrs. Santander. Nakahiga siya sa bed. Habang si Matthew nakaupo sa tabi niya. Sinusubuan siya ng pagkain.
Tinapunan ako ni Matthew ng tingin. "Mom, bakit nandito si Zoey? Babalik din kaagad si Dad para alagaan kayo. Bumili lang siya ng gamot." Tanong niyang pagalit. Ang gwapo pa rin niya kahit galit siya.
Tumukhim muna si Mrs. Santander. "Tinawagan ko siya at binalita ko nga ang nangyari sa akin. Pull up a chair Zoey." Sabi ni Mrs. Santander. Binaba sandali ni Matthew ang pagkain na hawak hawak niya at binigay sa akin ang upuan, sabay kuha ng isa pang upuan para sa kanya.
"Kamusta naman po kayo? Mabuti at tumawag po kayo. Wala din naman akong may ginagawa sa apartment ko." Sabi ko sa kanya.
"Eto ok na. Kailangan lang ng may makakasama habang nagpaparecover ako. Gusto ko sana ikaw ang mag aalaga sa akin Zoey." Parang paglalambing niya.
Napatingin ako kay Matthew na parang hindi maipinta ang mukha. "Ganon po ba? Sige po. Alam mo since napasok ako sa modeling na ito hindi pa po ako nakakapagpahinga. Pwede ko po kayong alagaan. Yun nga ang plano ko magpahinga. Mabuti at may pagkakaabalahan ako." Sagot ko. "Pero bukas na po ako babalik dito. Magpapaalam lang po ako sa boss ko." Dugtong ko na sagot.
"Aalis na po ako at gabi na. Matulog po kayo ng maaga. I'll see you tomorrow." Paalam ko na hindi tinapunan ng tingin si Matthew.
"Magpahatid ka kay Mang Carlos at iwan mo na lang ang kotse mo dito." Sabi ni Mrs. Santander.
Tumingin si Matthew sa akin. "Ako ang maghahatid sa kanya Mom." Sabi ni Matthew.
Tapos na ring kumain si Mrs. Santander at sinundan ko si Matthew dala dala ang maduming plato sa kusina. "Matthew, hindi mo ako kailangang ihatid. Kaya ko ang sarili ko!" Sabi ko sa likod niya.
Nakita ko siyang naghugas ng kamay. Biglang hinawakan ang braso ko. "Pag sinabi kong ihahatid kita. Sumunod ka!" Sabi niyang pagalit.
"Alam mo napaka walanghiya mo talaga! Kung hindi sa Mommy mo. Ayaw na kitang makita pa." Sagot ko sa kanya. I will not let Matthew control me. I have moved on without him.
Nauna na siyang lumakad at sinundan ko siya. Hindi man lang ako hinintay ng bwisit. Nakasakay kami ngayon sa loob ng sasakyan at halos walang may unang gustong magsalita. Sinabi ko sa kanya ang address ng apartment. Yun lang ang sasabihin ko. Pagkababa ko ng sasakyan na to, hindi na kita kakausapin pa Matthew. Tahimik siyang nag drive papunta sa apartment ko. Nang dumaan kami sa stoplight "Hindi ko pala natanong kung nakakain ka na. Pwede pa tayong dumaan ng restaurant." Offer niya.
Bakit concern naman ito kung nakakain na ba ako o hindi. "Huwag mo akong intindihin. I'm okay." Sagot ko sa kanya na naka ismid.
Binuksan niya ang sasakyan at dali dali na akong bumaba. "Salamat sabi ko." Akala ko umalis na siya. Narinig kong ni lock niya ang door ng sasakyan. Sinusundan niya pala ako.
"Bakit ka pa sumunod? Umalis ka na." Sabi kong may tono ng pagalit at hinanakit.
"I would like to make sure that you are ok here." Sabi niyang pinalibot ang paningin sa buong apartment.
"O, bakit wala dito ang walanghiya mong boyfriend." Sabi niyang may bahid ng pang iinsulto ang boses.
"Hindi walanghiya si Aldrin." Sabi ko sa kanya. "You may go now. Maaga pa ako bukas sa trabaho para makapagpaalam ng pormal." Sabi ko sa kanya ng seryoso.
Natahimik siya sandali at tila nag iisip sa susunod na sasabihin. "Dito na lang ako para masamahan kita tomorrow." sabi niya.
Hindi siya puwede dito at masikip ang apartment ko. Ano na namang laro ang sumasagi sa isipan nito. "I'm ok Matthew. You don't have to. I'll call Mang Carlos tomorrow." Sabi ko sa kanya.
Napaisip siya. "Okay I will leave but can you give me your phone number so I can check on you? Hindi ako aalis dito pag hindi mo binigay ang phone number mo." Pangungulit pa niya.
"Alam mo ang kulit mo. It's getting late. Delikado na sayo sa daan. Sige na nga at ng makatulog na rin ako ng maaga." Sabay bigay ng phone number ko sa kanya.
"Bye, enjoy mo ang pagtulog ng maaga. Ako ang susundo at maghahatid sayo tomorrow." Sabi niyang nakangiti.
Ang gwapo niya pag nakangiti. Hay sana ganyan lang ang aura mo palagi Matthew.
🐠🐸🐶 Please vote and make comments. Thanks.🐾⭐️🐢
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...