Alam kong magiging magkaklase kami ni Zoey. Sinabihan na ako ni Daddy na may pinapaaral si Tita Ava na pamangkin sa school. Nalaman lang namin na may kapatid kami sa labas at yun nga si Ate Sophia yun 2 years ago lang. Patago ang relasyon nila Dad at Tita Ava hanggang nabuo si Ate Sophia. Pero matagal nang natapos ang relasyon ni Dad at Tita Ava ng nag asawa si Tita Ava. Napatawad na rin ni Mommy si Daddy. At first, hindi namin matanggap ni Kuya Zach. Ganon na lang ang galit namin kay Daddy. Pero noong natanggap na rin ni Mommy ang mga pangyayari. Medyo maluwag na rin naming tinanggap. Yun nga lang medyo may tago akong galit sa mga mahihirap. Estudyante si Tita Ava noong nagkaroon sila ng relasyon ni Dad. Tinulungan ni Dad na magtapos si Tita Ava ng pag aaral at nakatapos siya at successful na rin sa trabaho. Galit lang ako na kung bakit kailangan bang magkaganyan ang pamilya namin? Kaya noong nalaman ko na pinapaaral ni Tita Ava ang pamangkin niya sa school, parang bumalik ang masakit na alaala. Namuo ang galit ko kay Zoey kahit di ko pa siya nakikita.
Nagulat ako ng may pumasok na babae on our first day of school.Napakaganda ng mukha, maamo. Noong nalaman ko na si Zoey pala siya nawala ang paghanga ko at napalitan ng galit. Napag isip isip ko na hindi ko siya maaring maging kaibigan. Magiging katulad din siya ni Tita niya.
Pero kahit na anong pilit kong huwag humanga kay Zoey, di ko magawa. Nagagandahan ako sa kanya, ang mga ngiti niyang nakaka bighani at mahinhin na aura.I feel sorry for saying those things to her yeaterday. Kaya kailangan kong mag isip ng paraan para makapag sorry ako. Ngunit pagdating ko ng classroom katabi na naman niya si Joel.
"Good morning." sabi ko. Pero di man lang siya tumingin. tahimik siyang may binabasa sa notebook.
"May nakaupo ba dito?" Tanong ko. Sabay turo sa chair na katabi ni Zoey.
"Walang may nakaupo diyan." Sabi ni Joel.Hindi pa rin ako tinitingnan ni Zoey. Alam kong galit siya. Tahimik lang siyang nagbabasa ng notebook niya.
"Napakatahimik mo naman Zoey. OK ka lang ba?" Dinig ko na tanong ni Joel sa kanya.
"OK lang ako Joel. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. kulang ng tulog." Sagot niya.
"O sige. hindi na kita iistorbohin." sabi naman ni Joel.
Mabuti pa si Joel parang ang dali lang niyang kausapin si Zoey. Pag naka tiyempo ako. Mag sorry ako sa kanya. Buong araw di ako kinakausap ni Zoey. Akam kong galit siya sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Hanggang sa naging uwian na. As usual hindi siya tumatayo hanggang di nakaalis ang mga estudyante sa room.
"Zoey, sabay na tayong umuwi. halika na." Sabi ni Joel.
"Mauna ka na Joel. Susunod na ako." Narinig kong sagot niya.
Nang natiyempuhan kong kami na lang dalawa. Nagkaroon ako ng pagkakataon.
"Zoey, sorry pala sa nasabi ko kahapon." Sabi ko."Wala yun..." Sagot naman niya. Pero kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Sige, mauna na ako." Paalam niya.
At dali dali nang umalis. Sana tuluyan niya akong mapatawad. ang ganda pa rin ng mukha niya kahit nalungkot.
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomantizmSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...