Chapter 1 Zoey POV

30.3K 448 8
                                    

Ang aga kong nagising. Tumulong pa ako sa Nanay at Tatay ko sa pananahi. Yun ang ikinabubuhay namin. Kung walang may mag patahi, walang kakainin. May order ang baranggay ng mga skirt para sa mga kabataang sasayaw sa baranggay fiesta. Kung ang ibang bata ay sa labas nag eenjoy. Ako naman, busy sa aming kabuhayan. Kung hindi, hindi ko maaabot ang aming mga pangarap. Sadyang pinahalagahan ko ang aking pag aaral. Yun ang palaging sinasabi ng Nanay at Tatay ko. Pag aaral o edukasyon ang makapag ahon sa amin sa kahirapan. Kahit noong bata pa ako, tinuruan na ako ng Nanay kong manahi siguro mga 10 years old ako nag start. Ngayon na high school na ako, nakakatulong na ako sa kanila. Pinagluluto ko sila, pinag hahanda ng pagkain at tumutulong sa lahat ng gawaing bahay. Maganda ang pagpapalaki ng magulang ko sa akin.

"Kami na dito anak. Konti na lang naman ang natitirang kailangang tahiin. Kaya na namin to ng Tatay mo." Sabi ng Nanay Melba.

"Zoey gumayak ka na at first day of school mo. Dapat excited ka. Hindi lahat may chance na makapag aral ng private school." Remind sa akin ng Tatay Dan ko.

Medyo kabado din ako na pumunta ng school ngayon. Hindi kaya ma out of place ako doon dahil private school yun? Di bale na. Hindi naman siguro ako ma out of place dahil binigyan ako ng cousin ko na si Sophia ng mga pinaglumaan niya na uniform. Hindi naman lumang tingnan. Maganda pa nga dahil makapal ang tela. Pasalamat din ako kay Tita Ava kapatid ng Tatay, Mom ni Sophia na kahit papano, nag volunteer na siya ang magbabayad ng tuition ko. Allowance na lang ang kailangan namin ng parents ko. Para makatipid, plano kong lakarin papuntang school. Para ang baon ko, yun ang pang meryenda ko. Ngunit hindi ko na anticipate ang oras at distance. Late na akong nakarating sa school at hinihingal pa. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin.

"Good morning Mam. Pasensiya na po." Sabi ko sa teacher ko na nahihiya. May nakita akong vacant seat sa tabi ng isang gwapong lalaki. Pero ni tapon ng tingin, hindi ako tiningnan. Ano ba yan, baka galit at tinabihan ko pa. Sabi ko sa sarili ko. Hayaan mo bukas, di ako tatabi sa kanya. Agahan ko pa, para makahanap ako ng sarili kong upuan at di na ako mapatabi sa kanya. Pero tinitingnan ko etong lalaki sa tabi ko. Napaka gwapo niya, matangkad at matipuno ang katawan. Kakaiba ang aura niya. Pero tiningnan ko pa ang iba kong kaklase na mga babae at mga lalaki, mga mukha silang lahat mayaman. Naisip ko tuloy kung nababagay ba ako dito. Obviously hindi, hindi nga ako matingnan ng katabi ko. Hindi na rin ako tumingin sa kanya. Baka mamaya magalit pa sa akin. At last sabi ng teacher break time na. Busog pa naman ako, dito na lang ako sa loob ng classroom. Nabigla ako sa lalaki na nasa harap ko.

"Hi! Ako pala si Carter Lopez." While extending his hand. "And you are?"

"Zoey Andrade." Sagot ko na naiilang. Yumuko na lang ako para di na mag tanong pa ng kung ano ano.
Nararamdaman din siguro ni Carter na naiilang ako. Bumaling siya sa katabi ko na nagliligpit ng gamit sa bag.

"Matthew punta tayo ng cafeteria. Eto pala si Zoey. Zoey si Matthew Santander magkaklase na kami dito mula kinder. Sabay ka na samin Zoey." Hindi man lang ako pinansin. Napaka ungentleman ng lalaking ito.

"Huwag mo nang isama yan. Halika na Carter." Sabi ni Matthew.

"Ok lang ako dito Carter." Sabi ko.

"Ako na lang kasama mo dito. Tinatamad kasi akong kumain. Ako nga pala si Art." Sabi nong Art. Tinapunan ako ng galit na tingin ni Matthew. Bakit galit kung makatingin yun? Halata ba niya na di ako nababagay dito? Bahala siya. Hindi ko na lang siya papansinin.

"I'm Zoey." I introduced myself to Art. Buti pa si Carter at Art mabait sa akin.

"Most of us are former classmates since elementary kaya we knew each other here. Hayaan mo papakilala kita sa iba pa nating classmates. Wait a second. Excuse me sandali." Sabi ni Art na may hinahabol. Nakita kong sinundan niya ang isang babae na mukhang kaklase namin kanina. Habang tinitingnan ko si Art papalayo may napansin ako. Hindi lang pala ako mag isa sa room. Nakita ko ang isa naming kaklaseng lalaki na nag iisa sa dulo ng room. Kausapin ko kaya. Mukhang bago din siya sa school na ito. Pero parang nahihiya ako. Hayaan mo na.

"Hi!" Bati niya. Tumingin ako sa kanya.

"Hello." sagot ko.

"Bago ka rin dito sa school na to? by the way I'm Joel Artemio." Sabi ni Joel. Maamo ang kanyang mukha at friendly siya.

"Oo. I'm new here sa public school ako nag elementary. I'm Zoey. Ikaw saan ka nag elementary?" Tanong ko.

"Sa public din. Naka full scholarship ako kaya nakapag aral dito."
nakangiting sabi niya.
Kung full scholarship siya ibig sabihin valedectorian siya ng elementary.

"Valedectorian ka siguro kaya naka full scholarship ka." Sabi ko.

"Noong elementary yun." Sabi niyang pahalakhak. Magaang kausap si Joel.

"Joel, pwedeng diyan na ako sayo tumabi?" Taning ko sa kanya.

"Oo ba. Hindi naman sakin to." Sagot niya.

Tumabi na ako sa kanya at baka galit si Matthew at doon ako sa tabi niya kanina naupo. Mas mainam na na umalis ako. Baka matapobre pa yun at ayaw akong katabi.
Samantala nakita kong may babaeng hila hila si Art. Yun yung babae na hinahabol niya kanina. "Zoey si Kristine Sy pala. Kaklase din natin."

"Hi Kristine. Nice to meet you. Si Joel pala kaklase din natin." Pakilala ko kay Kristine at Art.

Habang nagkukwentuhan sila dumating sila Carter at Matthew. Pa deretso na naupo si Matthew sa sarili niyang upuan. Si Carter nakisali na kila Art, Joel at Kristine. Nong tumingin aki doon sa dating inuupuan ko, hindi ko pa pala naligpit ang mga gamit ko sa upuan at ang bag ko. Dali dali akong pumunta sa mga gamit ko para iligpit. Pero kitang kita ki na naman ang supladong mukha ni Matthew na nakatitig sa akin.

"Kunin ko lang ang gamit ko." Sabi ko.

"Obviously. I don't care." Pa suplado niyang sagot.

Buti na lang nakaalis ako sa tabi ng suplado na yun. Akala mo kung sino. Sino nga ba siya?

Marriage for Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon