Matthew's POV 🌺🌵🍁
Zoey's appointment with the modelling agency is today. Instead na sumabay siya kay Glenda, gusto ko ako ang mag drive sa kanya. Anyway, late morning na ang start ng first class ko. I wanted to support her with whatever she do.
"Thank you Matt for bringing me to work. Naabala ka pa tuloy." Sabi niya sa akin.
"You know basta ikaw. Lahat gagawin ko." Gusto kong maramdaman ni Zoey kung gaano ko siya kamahal. Marami akong pagkukulang at naging kasalanan sa kanya. Ang mga panloloko ko sa kanya na hindi ko pa naaayos. Ang mga pananakit ko sa damdamin niya. In the end, ako pala ang mag sa suffer. Hindi ko kaya na mawala si Zoey. Kaya hirap akong itama ang mga pagkakamali ko. Hindi ko alam kong paanong aminin na hindi totoo ang kasal namin without her leaving me.
I love her more than anything. Gusto ko lang maging masaya si Zoey. "Sweetie, saan mo ba gustong pumunta mamaya. I'll treat you for a date." Sabi kong nakatingin sa kanya ng dumating kami sa parking lot ng studio.
"Ang makasama ka Matthew, yun lang ang importante sa akin. I appreciate your time and attention. Thanks for dropping me off." Sabi niya sa akin na nagpasaya sa puso ko. Napakabait ni Zoey. Eto ang babae na gusto kong maging Nanay ng mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Binuksan ko ang pintuan at inalalayan siyang bumaba ng sasakyan. "Ihatid na kita sa loob." Sabi kong sabay hawak sa kamay niya pagkatapos kong isara ang pintuan ng sasakyan.
"Matthew OK na ako. Baka ma late ka sa school. Don't you worry about me. I'll call you later. Please..." Sabi niya.
"Alright sweetheart. I'll see you later." Sabi kong nagpaalam pero hindi pa rin tinatanggal ang mata kay Zoey hanggang makapasok siya sa loob ng building. I can't take my eyes off of her. Ang saya lang sa pakiramdam na finally I found my great love.
I called our house contractor and interior designer kung pwedeng i rush ang bahay. Gusto ko nang dalhin si Zoey sa sarili naming bahay. My business is good and money just kept coming in. Kung tutuusin pwede na akong hindi magtapos ng pag aaral. Pero mas mainam nang may natapos. May diploma akong maipagmamalaki. Pag nagkataon ako, kakausapin ko si Zoey kung gusto niya ring magbalik sa school. Kung ano ang gusto niya, I'm here to support her. I will do everything to make her happy.
Mabuti at for sure na na matapos ang house in two weeks. Lahat ng ginagawa ko ngayon para lang sa ikakasaya ni Zoey. Lahat hindi na importante. Si Zoey lang ang gusto kong makasama habang buhay. I picked her up from the modelling studio. She looked more stunning.
Ang ganda niya para siyang anghel. Napapako na tuloy ang mata ko sa kanya. "I'm taking you out for dinner. You are so beautiful Zoey." Sabi kong namamangha sa ganda niya.
She turned her head and stared back at me. "Thank you. I thank you for everything." Sabi niyang parang nahihiya.
I brought Zoey to one of the most expensive restaurant in Makati. I am so consumed with her presence, with her beauty. "Hi Matthew! Nice to see you around here." Gulat akong napalingon sa boses.
Si Lilly pala of all places. Bakit palagi ko na lang nakikita ang babae na to. "Hi Lilly. Nice to see you here." Sabi ko inorder to make the situation comfortable. Alam kong she's still jealous of Zoey.
Lilly just blurted out. "Thanks Matt for a wonderful lunch earlier. You remain the same." Sabi niyang walang pakialam kay Zoey.
Nakita ko ang sakit at galit sa mga mata ni Zoey. Lumapit pa si Lilly sa akin at inilapit ang katawan sabay haplos sa chest ko. "We can still do the things that we enjoyed doing before Matt. I promise you, I will make you happy." Sabi niyang walang pakialam.
I hold Lilly's hand that's in my chest. "Stop it Lilly." Sabi kong tinanggal ang mga kamay niya.
Hindi na napigilan ni Zoey ang galit. Mahina pero madiin siyang nagsalita. "Huwag mong akitin ang asawa ko sa harap ko." Pagbabanta niya. "Hindi ka niyan papatulan. Mahiya ka sa sarili mo." Galit na ang boses ni Zoey.
"Asawa?! Talaga lang ha! Sinong siraulong papatol sayo na mahirap ka pa sa daga. You loser, stupid woman. Na verify mo ba kung totoo ngang pinakasalan ka niyan? Sabihin ko sayo ang mga mayayaman, hindi pumapatol sa isang dukhang katulad mo!" Sabi ni Lilly na galit na galit.
Bigla akong natakot sa mga pinagsasabi ni Lilly. I need to stop her baka kung ano ano pa ang lumalabas sa bibig nito. I think this woman is crossing the line. "Tumigil ka na Lilly. Walang patutunguhan ang pag uusap sa ito. Respetuhin mo ang asawa ko." Sabi ko kay Lilly.
"Matthew sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? Pini feed mo lang ang ilusyon ng babaeng yan. At ikaw Zoey, huwag kang tatanga tanga." Sabi ni Lilly at padabog na umalis.
Nakita kong galit ang mga mata ni Zoey. "Matthew, hindi ko alam na nagkikita pa rin pala kayo ng babaeng yan." Sabi niyang puno ng pagseselos.
"Zoey, sweetie. It's not what you think. Kasama kami nila Carter at Art na nag lunch. Nagselos naman itong asawa ko." Sabi kong pang aamo sa kanya.
Nakita kong tumulo ang mga luha niya na nakayuko. "Natural lang mag selos ako. Ano naman ang laban ng isang babaeng katulad ko?" Sabi niyang pinapahiran ang luha.
"Marami kang laban. Maraming bagay na meron ka at wala ang ibang babae. You are perfect, ikaw lang ang nag mamay ari ng puso ko. I love you." Sabi kong hinahawakan ang mga kamay niya.
"I can't afford to lose you Matt. I love you so much." Sabi ni Zoey na nakatingin sa aking mga mata.
Oh how I love this woman. Lahat na lang ng mga gestures niya, napapahanga ako sa kanya. I promise myself na mamahalin ko siya magpakailan man. I will always be here for her until the end.
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...