Chapter 23 Doomed

13.1K 269 4
                                    

Matthew's POV 😭😠😥

Naiwan akong mag isa sa bedroom ko, tulala at hindi ko alam kong anong gagawin ko. Ganito pala ang feeling na mawalan ng pinakaimportanteng tao sa buhay. Feeling ko this is serious, hindi ko pa nakitang magalit si Zoey ng ganon. Sa dinami dami ng sakit na naibigay ko, ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit. Alam kong kasalanan ko. Naduwag akong sabihin kay Zoey at aminin ang totoo. Ngayon na nangyayari ang pinangangambahan ko. Hindi ko alam kong paano ko i deal ang mga pangyayari. Paano ko mapaamo si Zoey. Kailangan kong gumawa ng paraan. Gagawin ko lahat para kay Zoey.

Hindi pa nakakain ang mahal ko. Pumunta ako sa guest room upang katukin si Zoey. Huminga muna ako ng malalim bago katukin ang pinto. "Sweetie, please open the door. Bumaba ka na at kakain tayo." Sabi kong malungkot ang boses.

Hindi niya binuksan ang pinto. "Go away Matthew! Ayaw na kitang makita. Gusto kong mapag isa." Sabi niya sa basag na boses. I know she's crying. I hurt her feelings. Ano ba ang dapat kong gawin?

I regret everything I did. "Zoey, isa lang ang maipapangako ko. Mahal kita at minahal kita ng totoo. Patawarin mo na ako please." I'm pleading with Zoey at gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako.

"If I were you. You better stop. what you did is unforgivable. Get out of my life Matthew." Dinig kong sabi niya na galit.

I think I need to give her time and space. "I fully understand you Sweetie. I'll ask Aling Martha to bring you food. Always remember that I love you." Sabi kong umalis na sa pintuan.

Sinabihan ko si Aling Martha na dalhan ng pagkain si Zoey. Kung pwede na ibigay niya ang mga gusto nito at bantayan. To make sure na kumain ng mabuti. I talk to Mang Carlos na bantayan si Zoey. Ihatid sundo niya ito at bantayan ng mabuti.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Itago ko ba ang pangyayari kay Mom o sasabihin ko? I know problema namin ni Zoey ito, pero kahit papano my Mom was involved. I need my parents help. I better call her. "Mom, nalaman na ni Zoey ang lahat. Narinig niya ang pag uusap natin kanina. She's so upset Mom. I don't know what to do. Is Dad there?" Sabi ko kay Mom.

Narinig kong nag buntung hininga si Mommy sa kabilang linya. "Your Dad's here. Sorry to hear this son. Zoey has the right to be upset. Just give her time and be more patient with her." Sabi ni Mommy na malungkot ang boses.

"I am more patient Mom. I know I hurt her deeply. Can I talk to Dad please?" Sabi ko kay Mommy.

"Hey Matt. I fully hear your conversation with your Mom. She told me the whole story bago ka pa tumawag. What you need to do is to give Zoey time to heal. Then woo her back." Sabi ni Dad.

"Thanks Dad. Love you and Mom." Paalam ko.

I send Zoey a text message that night. Message: Sweetie, in case you don't know. I love you so much. Please forgive me.

Wala akong may natanggap na text kay Zoey. Pero tama nga si Mommy. I need to be patient. Sa laki ng kasalanan ko sa kanya. I need to give her time and space. Ang takot ko lang sa ngayon ay baka iwanan ako ni Zoey. Hindi ko kaya. Walang may nagmahal at nag sakripisyo sa akin ng ganito kundi si Zoey lang. Alam kong mapapatawad niya rin ako.

It's 12 midnight and I can't sleep. Mabuti pang bumaba at makainom ng tubig. Nagulat ako na nakabukas ang ilaw sa kitchen. Nakita ko si Zoey na naka pink na nightgown, manipis, above the knee. Ang ganda niya. Para siyang diyosa, nakalugay ang mahabang buhok. Tinitingnan ko lang siya ng tahimik. Ang ganda ganda niya, maputi at hapit ng gown ang dibdib niya. Ilang beses ko na ring nahawakan at nalasahan ang mga iyon pero hindi ako magsasawa. Ang ganda niyang tingnan.

Ngunit naramdaman niyang may tao at tumingin siya sa banda ko. "Good morning!" Sabi kong nakatingin sa malungkot niyang mata.

Tinakpan ng kamay niya ang mga dibdib niya at nag umpisang maglakad paalis sa kitchen. Dali dali kong nai block ang sarili ko sa daanan niya at bigla siyang niyapos. "I'm sorry. Please kahit ano gawin mo. Sigawan mo ako, sampalin mo ako. Kung yan ang makakatulong sayo sa mga sakit na naidulot ko." Sabi ko sa kanya habang hinahalikan siya sa noo.

Tiningnan niya ako sa mata at nagsalita. "Please, just let me go." Nakikita ko na namang parang tutulo ang luha niya. I loosen the hug and I just let her go. I can't afford to see her cry. This is too much.

Marriage for Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon