Chapter 31 Requests

12.4K 260 0
                                    

Matthew's POV

💐🌾🍀 Please vote and comment please.🌰🍁🌳

Nagkaanyayahan kaming magkabarkada nina Joel, Carter and Art na mag bar tonight. As usual tinawagan na naman nila si Lilly.

"Hey man mukhang haggard na haggard ka ah. Huwag puro trabaho." Sabi ni Carter sa akin.

"Kaya ako more play less work. Tingnan niyo." Sabi ni Art na sabay flex ng arm niya.

"Hahaha! Ang yayabang niyo. Tayong mga lalaki we only need somebody to get laid! Solve na ang problema." Sabad naman ni Joel. Bihira lang magsalita ang isang ito. Maloko din pala.

Naramdaman ko na naman ang mga kamay ni Lilly na pumupulupot sa akin. "We are always here for each other love." Sabi ni Lilly na hinihimas ang mga kamay ko.

Naalibadbaran ako kay Lilly. Dikit ng dikit sa akin na hindi mo maiintindihan. Pag si Zoey ito, siguradong kinilig na ako ng husto.

Masaya ang usapan namin ng may namukhaan akong lalaki. Nakaakbay sa babae at hinahalikan ito. Si Aldrin pala. Nandito pala ang walanghiyang ito. Di ba may relasyon sila ni Zoey? Bakit iba ang kasama at kahalikan nito.

Bakit ba ako mangingialam sa kanila? It doesn't make sense. It's her own business. Sarap suntukin ulit ng lalaking ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng marinig kong nag ring ang cell phone ko. It is my Dad calling me. Alam kong emergency ito dahil bihira lang kung tumawag si Daddy.

Lumabas ako ng bar habang kausap si Daddy. "OK Dad. I will be there at the hospital right away." Sabi ko kay Daddy.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at sinabi ko ang dahilan sa kanila. Ayaw magpaiwan ni Lilly at sumama na rin ito sa akin.

Dumiretso kami sa ER ng hospital at nakita ko agad si Mommy na nakahiga sa stretcher. Mayroong gamot na binibigay sa kanya IV. "Mabuti at nadala namin kaagad si Mommy mo dito. She's having a stroke son. Pero dahil maaga siyang nadala sa hospital. Ma re reverse naman ang symptoms niya."

I kissed my Mom on the cheek at si Lilly nagmano naman sa kanya. Hindi naman inisnab ni Mommy si Lilly pero cold palagi ang treatment ni Mom sa kanya. Noong kami pa ni Lilly at palagi siya sa bahay, palaging pinaalala ni Mommy sa akin na bawal akong makabuntis. Pero, since nagsama kami ni Zoey. Never niya akong pinaaalalahan na bawal akong makabuntis. Feeling ko ready na nga si Mommy na magkaapo kung ito'y galing kay Zoey.

Nakatingin si Mommy sa akin at kay Lilly. "Thank you son for coming. I was told by my Doctor to stay at home for awhile and take some rest." Explain ni Mommy.

Mula noon vocal na si Mommy at Daddy na ayaw nila kay Lilly. "Alright Mom. I'll be back. Ihahatid ko lang pauwi si Lilly." Paalam ko kay Mommy.

Hinatid ko na pauwi si Lilly. Gusto pa niyang matulog doon sa bahay. Eversince na nakasama ko Zoey, ewan ko ba. Wala na akong hilig sa ibang babae. Si Zoey lang ang naging laman ng isip ko.

"Son, I need somebody to help me while I'm recovering." Sabi ni Mommy na naglalambing.

"I will help you out Mom. Then, we can also hire a nurse to stay with you 24/7." Sabi ko kay Mommy.

"I can take a leave anytime. So don't you worry honey." Sabi naman ni Daddy.

Nag deep breath muna si Mommy. "Gusto ko sana si Zoey ang mag alaga sa akin. Pwede naman natin siya sigurong pakiusapan." Sabi ni Mommy.

I know na mahirap din minsan si Mommy na kausap. "Mom, hindi pwede si Zoey at busy siya. Hindi mo ba nakikita na kaliwa't kanan ang mga projects niya?" Sabi ko kay Mommy.

"Who knows, available naman pala siya. I will call her tomorrow." Sabi ni Mommy na nakangiti.

Halos mag 12 midnight na kaming nakauwi. Ok na ang pakiramdam ni Mommy. Kailangan lang maging normal ang blood pressure niya. Sumabay na ako sa kanila umuwi at doon na rin natulog.

Bakit ba na of all people na mag aalaga kay Mommy. Si Zoey pa ang naisipan niyang mag alaga sa kanya. Marami namang mababayaran na pwedeng mag alaga sa kanya. Anyway, bakit ba ako nai stressed sa mga plans ni Mommy. Hayaan ko na nga siya. For sure hindi din naman papayag si Zoey. Ayaw nga akong makita non. Nakikita ko lang si Zoey, kung hindi sa TV, Sa magazine or di kaya sa mga billboards.

I need to sleep here tonight. Pagod ako sa mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Mabuti ng mag leave na rin sa kompanya para makapag pahinga.

Marriage for Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon