Chapter 13 Zoey's Living Hell

14.3K 299 4
                                    

Zoey's POV

Nag decide akong pumunta doon sa bahay nila Matthew. Nakapag empake na ako ng mga gamit ko. Bahala na kung anong sabihin ni Matthew. I miss him so much. Bago ko iiwan ang bahay namin. Inilibot ko ang aking paningin. Puro magagandang alaala ng parents ko ang bumabalik sa aking isipan. Sana kung nandito lang ang parents ko. Naiiyak ako at humagagulgol sa sitwasyon ng buhay ko. Nagulat ako ng may marinig akong katok sa pintuan.

"Sandali..." Sagot kong humihikbi.

"Mag prepare ka na at kailangan mong sumama sa akin. Doon ka na titira sa bahay." Utos sa akin ni Matthew.

"Kailangan pa rin namin ng isa pang katulong at alam kong mapagkatiwalaan ka." Sabi ni Matthew na walang emosyon.

"Thank you at binalikan mo ako. Natatakot ako ditong mag isa. Wala na kaming ibang kamag anak except kay Tita Ava. Nahihiya din akong tumira doon at wala ng trabaho si Tito June. Kaya OK lang sa akin na maging katulong ninyo Matthew." Sabi ko kay Matthew.

Di bale na na maging katulong ako. Ang importante makapiling ko ang asawa ko. Gusto ko siyang i hug. Siya na lang ang natitira sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat mahalin lang ako ni Matthew. Na miss ko tuloy ang Matthew na nakasama ko sa hotel ang mga magaganda naming alaala. Ang first kiss ko. Kahit na ngayon nakakunot ang noo niya at mukhang suplado siya, Napaka gwapo pa rin niya.

Dumating kami sa bahay nila at nandoon na ang parents ni Matthew sa sala. Parang galit ang mukha ni Mrs. Santander. "Matthew bakit kailangan mo pang sunduin si Zoey. Ok lang na si Aling Martha ang kasama natin dito. Isang buwan na lang babalik na si Ana." Sabi ni Mrs. Santander.

"Son, you just can't do things without consulting us. Hindi mo na kailangan si Zoey dito." Sabi ni Mr. Santander.

"Mom, kailangan natin ng isa pang katulong. Kahit na nandito si Ana, kailangan mong may mag assist sayo. Busy na rin ako sa pagbukas ng klase at si Kuya Zach hindi natin alam kong ilang taon pa makatapos sa pag aaral niya sa US." Sabi ko kay Mommy.

"Matthew, hindi mo ba sasabihin sa Mommy mo ang relasyon natin?" Tanong ko kay Matthew. Ayaw kong mag sinungaling sa kanila.

"Zoey, kung kasal man tayo. Kasal tayo sa papel lang. Nandito ka para maging katulong namin at hindi maging asawa ko!" Singhal ni Matthew sa akin na nakapag pabigla sa parents niya.

"Matthew, this is not right! I raised you so well son..." Sabi ng Dad ni Matthew na nagtitimpi.

Galit na galit si Mrs. Santander "Napaka ambisyosa mo. Kung nagka shotgun wedding kayo ni Matthew. For sure nagpa gamit ka na kay Matthew. Para ano? Para mapabilang ka sa pamilya namin?"

"Shut up Mom! You don't know what's going on. She will stay here as planned. Doon sa maid's quarter." Sabi ni Matthew. Hinablot ang kamay ko at giniya ako palabas ng pintuan nila papunta sa backyard.

Feeling ko sa ginawa ni Matthew, parang dinurog niya ang puso at pagkatao ko. I just go through with my parents death at ngayon eto na naman. Kailan ba ako sasaya? Kailan mo ba ako matutunang mahalin Matthew?

Naging busy ako sa mga gawaing bahay at yun na lang ang naging therapy ko. Magluluto ako ng breakfast at dadalhin ko na lang sa kanyang kwarto ang pagkain. Dala dala ko ang pagkain at kinatok ang kwarto ni Matthew. Kalalabas lang ni Matthew ng bathroom at naka boxer lang. "What do you want?" Pagalit niyang tanong sa akin.

"Naiisip ko lang na dalhan kita ng pagkain. Baka gutom ka na." Sabi ko sa kanya.

"Pwede ba Zoey ang aga aga. Huwag mo nga akong bwisitin! Ibalik mo yang mga pagkain na yan sa kitchen." Galit na sabi ni Matthew.

Nandoon pala sa kabilang kwarto si Mrs. Santander na nanood lang sa usapan namin ni Matthew. "Zoey bigay mo na lang sa akin ang tray at ipapakain ko kay Mr. Santander. Magbihis ka pala at mag shopping ako ngayong araw. Samahan mo ako." Sabi ng Mom ni Matthew.

Marriage for Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon