Pinaka iwas iwasan ko si Zoey. Talagang sadya ko na iwasan siya at parang kung may anong spell na hindi ko siya maalis alis sa aking sistema. kung ilang taon din na todo iwas siya sa akin at ganon din ako sa kanya. Kaya napilitan akong ligawan si Lilly at baka sakaling makalimutan ko si Zoey. Hindi ako dapat makaramdam ng paghanga kay Zoey. Pero sa bawat araw na kasama ko siya sa school, mas lalo akong humahanga ng patago. Parang sasabog ang puso ko pag hindi ko nasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Kasama ko nga si Lilly, pero si Zoey naman ang laman ng isip ko. pasalamat ako at finally graduate na ako ng high school. Sisikapin kong kalimutan na si Zoey. I promised myself thst I will just turn the page. Pero laking gulat ko ng makita si Zoey doon sa sala with my parents and Aling Martha. Si Zoey na hinahangaan ko, ganon pa rin ang itsura. Magandang mukha at lalo na itong sumisexy. Kung ano na ngayon ang pumapasok sa isip ko. Parang naging baliw na ako. Nababaliw kay Zoey.
Habang nag mumuni muni narinig kong may kumakatok sa pintuan. "Come in." Sabi ko.
"Sir Matthew. Pinapakita ko lang ang buong bahay kay Zoey. Zoey eto pala ang room ni Sir Matthew. Ayaw niyang nililinis ang room niya kung nandiyan siya sa loob. Linisin mo na lang pagka gising na siya." Paliwanag ni Aling Martha.
Nakita kong tumingin sa kabuuan ng room ko si Zoey. Napako ang tingin niya sa picture namin ni Lilly na nakalagay sa photo frame sa bedside table ko.
Tama, si Lilly ang pagtuunan ko ng pansin at siya ang girlfriend ko. matawagan mamaya si Lilly para pumunta ng bahay. Only Lilly can fulfill my sexual needs. Dapat si Lilly lang ang iniisip ko. naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganon na lang ang epekto ni Zoey sa akin. Basa ang kanyang buhok at naka t shirt naman siya ng maluwag. pero hindi ko mapigilang tumingin sa dibdib ni Zoey. Tamang tama lang ang laki at siguradong kasyang kasya lang sa aking kamay. Gusto kong hawakan ang mapuputi niyang balat.
"Manang paki lock na lang ng pinto." Pa suplado kong sabi. Dahil na rin siguro sa frustration ko sa sarili ko. I dont want to be with Zoey and her effects on me is driving me crazy.
Noong nag lunch time, ang ganda ng pagkaka arrange ng dining table. completo kaming apat ngayon at nandito rin si Kuya Zach.
"I got approve with my student visa to US. I have to be there as soon as possible para makapasok ako this school opening. Marami pang mga requirements ang kakailanganin ko. I also have to find my place." Sabi ni Kuya Zach.
"Good luck bro. We will miss you here." Sabi ko.
"We have to go for a beach outing before you leave son" Sabi ni Dad.
"Oh I Love that. Antagal na rin nating hindi nakapag beach" Sabi ni Mommy.
Dumating si Lilly ng gabing yun. Wala namang pakialam ang parents ko sa mga activities ko. For sure alam na nila na mayroon na din kaming sexual relationship ni Lilly. Pero kahit na anong pilit ko na maging masaya sa piling ni Lilly. Parang palaging may kulang. Ngayon na nandito si Zoey sa loob ng bahay. Mas lalong na occupy niya ang mind ko. Instead na si Lilly ang kaniig ko. Ang isip ko naman ay si Zoey lang. Umaga na ng magising ako at narinig kong malakas ang boses ni Lilly.
"Anong ginagawa mo dito. Walanghiya ka pati dito sinusundan mo pa rin si Matthew." Sigaw ni Lilly.
Pinakalma ko si Lilly. I hugged her from behind, para kumalma. "Relax sweetheart. Pansamantala lang si Zoey dito habang nakabakasyon si Ana."
"Sige Sir Matthew and Mam Lilly. Marami pa kasi akong gagawin eh." Narinig kong sabi ni Zoey. Sabay talikod.
"Huwag ka na ulit na magalit kasi." Pakalma kong lambing kay Lilly.
"Shit lang Matthew. Siguraduhin lang ng babae na yan na huwag ka niyang lalandiin." Pagbabanta ni Lilly.
"I have to go early Matthew. may appointment ako. Nasira pa tuloy ang araw ko." Padabog niyang sabi.
Excited na ako sa pagpunta sa beach this weekend with my family. That means makakasama ko si Zoey.
Nakagayak na ang lahat for our trip to Batangas. Si Roel ang nag maneho sa isang sasakyan, doon sumakay sila Mom, Dad and Kuya Zach at sa kabila naman si Mang Carlos. napagpasyahan ko na kay Mang Carlos sumabay.
"Aling Martha, Doon na po kayo sa front seat." Sabi ko kay Aling Martha.
Napasulyap ako kay Zoey na katabi kong nakaupo sa likod ng sasakyan. "Are you okay Zoey?" Tanong ko sa kanya.
"Ok lang ho ako Sir. Huwag niyo akong intindihin." Malambing na sagot niya.
Even Zoey's voice brought a tingling sensation in my system. Ganon ang effect niya sa akin. Pero hindi dapat etong naramdaman ko. Kailangan kong i divert ang attention ko.
"Mang Carlos di po ba taga Batangas kayo?" Tanong ko.
"Oho Sir. Sa katunayan malapit lang ang bahay namin doon sa resort na pupuntahan natin." Sagot nito.
"Ah ganon ba. eh di bisitahin mo ang pamilya mo. Habang nandoon tayo sa resort." Sagot ko.
"Oo nga ho Sir. mabuti at summer vacation ngayon. Nandoon ang anak ko na nag aaral ng abogasya. Matanda lang sa inyo ng limang taon. Walang girlfriend sa ngayon at ipakilala ko sana kay Zoey." Proud na sabi ni Mang Carlos.
Hindi maaaring ipakilala niya si Zoey doon. Hindi pwede!
"Mang Carlos, hindi pwedeng umalis si Zoey. Responsibilidad pa rin namin siya." Sagot ko.
"Sayang ano. Di bale sa susunod. Ako kasi bilang ama. Mainam nang kilala ko ang magiging girlfriend ng anak ko. Nandiyan na kay Zoey ang hinahanap ng isang lalaki. Masipag at mabait. Napaka ganda pa!" Sabi ni Mang Carlos.
"Naku si Mang Carlos, binobola na naman ako." Nahihiyang sabi ni Zoey.
"Naku kung alam niyo lang. Kahit saan yan pumunta hinahangaan ng mga lalaki. Kahit doon sa lugar namin. andaming gustong manligaw diyan. Kaso lang takot sila kay Dan, Tatay ni Zoey. Kaya nga parang ayaw ko na yang dalhin pag namamalengke.
Mapapaaway ako sa kanya. Yung mga lalaki pag makatingin, tingin na parang mga manyakis. Naku!" Nangigigil na sabi ni Aling Martha.Nang nalaman kong maraming may gusto kay Zoey. Bigla akong nag selos. Dapat nandito lang si Zoey sa bahay. ang isipin na pinagkakainterisan siya ng ibang lalaki. Ibang usapan na. Hindi ko mawala sa sarili ko ang patagong pagseselos.
"Aling Martha, nandiyan naman si Roel ah. Siya na lang ang isama niyo pag namamalengke ho kayo." Sabi ko kay Aling Martha.
"Mabuti pa nga Sir! Biruin mo. Sinusundan pa ako ng mga lalaki na yan at pilit na nakikipagkilala diyan kay Zoey. Kaya pinapagalitan ko sila. Kailangan ko yang alagaan dahil ako ang pinagkatiwalian ng parents niyan." Sabi ni Aling Martha.
"Eh syempre lalaki din tayo. Natural lang na may humahanga diyan kay Zoey. Kung ako nga binata liligawan ko yan at aalagaan. Gagawin ko siyang prinsesa. Kaya nga sa anak ko na lang sana ipakikilala. Kesa ibang babae ang inaatupag niya ng anak." Sabad naman ni Mang Carlos.
Bakit hindi ko pala naisip na maraming magkakagusto kay Zoey. Mas lalong gumanda siya, maputi, matangkad. Minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko sa selos.
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...