Zoey's POV
💝☎️✏️Please vote and make comments. Thanks.📚🎼🎾
Mag almost two weeks ng natapos ang press conference sa Singapore at until now hindi ko pa rin makalimutan ang reaction sa mukha ni Matthew. Ang galit sa kanyang mga mata ang pagkainis sa sitwasyon. Ramdam na ramdam ko iyon. Gusto ko man siyang habulin ngunit hindi ko nagawa. I am in the middle of press conference. Hindi ako pwedeng umalis while all the cameras are on me. How can I say that I'm with Aldrin and then run after another man. Gosh! I'm screwed! I tried to look for him at the hotel's reception after the event but I was told he had already checked out.
I can't wait to be in the Philippines. I want to settle all this mess with Matthew. I need to talk to him. Tell him the truth and go from there. Ayaw kong iisipin ni Matthew na madali lang akong nakahanap ng ibang lalaki. Hindi ako ganon. Kung alam lang niya na siya lang ang laman ng puso ko.
It's good to be back dito sa Pinas. Lalo na pag may tao kang na miss at gusto mo siyang makita. Parang yung panahon na naistay ko Singapore, it seems like forever. Saan ko ba hahanapin si Matthew? I really need to talk to him.
Puntahan ko na lang siguro sa bahay niya. I am so lost and confused. It is still Matthew I have wanted all along. Sigurado Saturday ngayon, nandito siya sa bahay niya. It's 5:30 pm maaga pa naman. Kung wala si Matthew mamasyal na lang muna ako sa mall.
Nag buzzer ako at padabog na may nagbukas ng gate. "What?!" Lasing na Matthew ang nagbukas. Nagulat siya ng makita niya ako.
Parang wala siya sa mood. Nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata at amoy alak pa. "Matthew, babalik na lang ako. Pasensiya na di kita natawagan na pupunta ako ngayon dito at wala akong number mo." Nakayuko kong sabi. Bigla na lang sana akong tatalikod. Ng hinablot niya ang kamay ko.
Napasubsob ako sa dibdib niya. "Pagkatapos mo akong bulabugin ngayon aalis ka na? Ganyan ka naman. Mahilig kang mambitin. You let me fall into your trap and then you run with another man." Hila hila niya akong pinasok sa loob ng bahay.
"Matthew you're wrong. There's no truth-" Hindi niya ako pinatapos at bigla niya akong sinigawan.
Pasalampak niya akong pinaupo sa sofa. "Cut that crap. You won't let me fall into that trap again." Sabi niyang nakakuyom ang mga palad.
"Matthew ang lakas ng boses mo. Baka marinig ka ni Aling Martha at ni Mang Carlos." Sabi kong mahinahon kay Matthew.
"Day off nila at wala sila rito." Sabi niyang puno ng galit ang ekspresyon ng mukha. "Bakit hindi ka nahiya na ipagsigawan si Aldrin sa buong mundo while all along it's me you fuck. Or is he fucking you as well?" Sabi niyang pinagdiinan ang bawat salita.
Tumayo ako sa sofa at sa galit ko. Bigla kong nasampal si Matthew. "Kulang pa yan sa sakit ng mga salitang binitawan mo!" Ngunit hinawakan niya ang kamay na pinangsampal ko sa kanya. Hinila niya ako papunta sa dibdib niya. Napaiyak ako sa sama ng loob sa kanya.
Ramdam ko ang mga yakap ni Matthew. Puno ng proteksiyon, it feels good. Tiningnan ko ang sala puno ng bote ng alak ang nakakalat. Ano bang nangyayari kay Matthew. Malamang hindi pa ito kumakain.
Pero dahan dahan na lumuwag ang pagkakayapos niya. "You can go now. Just leave me alone here." Sabi niya at binitawan ako. "I'm good and I don't need you here." Habang yumuko at nagdampot na naman ng isang bote ng beer.
Inagaw ko ang bote ng beer sa kamay niya. "Matthew tama na yan. Ano bang nangyayari sayo ha? Nagpapakamatay ka na ba? Hindi ako aalis dito. Lilinisin ko lang ang mga kalat mo at ipagluluto kita ng pagkain." I tried to push him sa sofa. Ngunit hinila niya rin ako kaya sabay kami na bumagsak. Nagpupumiglas akong umalis sa mga yakap niya at pilit na tumayo. Narinig ko na lang ang mga malulutong na halakhak ni Matthew.
Hay naku. Lintek na lalaking to. Hindi inaayos ang buhay. Kinuhaan ko siya ng t-shirt at pajama sa bedroom niya. Walang may nabago. Ganon pa rin ang itsura. Pati mga damit ko, nandoon pa rin sa closet. I missed this room. I missed the times when we're still together. Punasan ko muna si Matthew para tamang tama pagkaluto ko makakain na siya at mawala ang kalasingan niya.
"Matthew mainam na punasan muna kita ng maligamgam na tubig at mawala ang kalasingan mo." Sabi ko sa kanya. Nang tapos ko siyang mapunasan. Tinititigan lang niya ako ng malungkot. Wala na yung galit na nakita ko kanina. Parang naluha na naman ang aking mga mata. "Thank you." Sabi niya.
"Eto o. T-shirt mo at pajama. Magpalit ka para presko kang makatulog mamaya pagkatapos mong kumain. Magluluto lang ako." Sabi ko.
Tamang tama may sangkap ng pang sinigang na karne. Yun ang nailuto ko sa kanya. Habang nagluluto, sinabayan ko na rin ng pagliligpit ang mga nakakalat na bote ng alak. Habang ginagawa ko yun, tinitingnan lang ako ni Matthew. Pinaghain ko si Matthew sa mesa. Nakaupo siya sa sofa tahimik na nakatitig sa akin. "Ready na yung pagkain mo. Aalis na rin ako at gabi na." Sabi kong humahalukipkip.
"Gabi na. Hindi ka aalis dito. Sabayan mo akong kumain." Sabi niya na parang naiinis.
Alam kong ayaw niyang nandito ako. What's the point of staying over? "Matthew I'm okay. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo. Paano pag may mangyari sayo sa daan ha? Hindi ko yan kakainin kung hindi mo ako sasabayang kumain." Sabi ni Matthew na nagpupumilit.
Kumain kami ng sabay at napakatahimik naming dalawa sa hapag kainan. Ayoko ng makipag usap sa kanya. Ayoko na ring sabihin ang dahilan ng pagpunta ko.
Sarap na kumakain si Matthew. "Thanks for the dinner. Na miss ko to our happy times together."
"I'm glad you like it." Nahihiya kong sagot.
"Doon ka na matulog sa bedroom natin at nandon pa rin ang mga gamit mo. I will sleep in the guestroom." Sabi niya ng pautos.
Tinulungan niya akong magligpit ng kinainan namin at naghugas kami ng plato. Napaka awkward ng situation namin. Tahimik lang kaming dalawa. Minsan nasasagi ko yung kamay niya. "Sorry Matthew." At tinapunan ko siya ng tingin.
Si Matthew din napako ang tingin sa aking mga mata. Mga tinging ayaw umalis, nakatitig lang at ayaw kumurap. "You are so beautiful. You are melting my heart."
🍹🍵🍟 Please vote and make comments. Thanks.🎪⛽️🚲
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
عاطفيةSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...