Zoey's POV
💝🎈🎁Please vote and comments. Thanks!📝🎼🍧
Alam kong may kasalanan ako kay Matthew. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya. Umalis na lang ako habang natutulog siya after we made love. By now, siguro ma realized na niya na wala siyang puwang sa puso ko. Parang ako din ang nasasaktan sa mga pinanggagawa ko sa amin ni Matthew.
Nag ring ang cellphone ko. Si Tita Ava pala sa kabilang linya. "Zoey, hinahanap ka ni Matthew. Parang baliw na ang lalaking yun sa kakahanap sayo." Sabi niya sa kabilang linya.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Tita, huwag niyo pong ibigay ang cell number ko sa kanya. Nandito ako sa Singapore para mag move on." Sabi ko kay Tita Ava.
"Zoey, payo ko lang to sayo. Lahat tayo nagkakamali, pero si Matthew nakita kong mahal ka niya. Why not bigyan mo ng chance ang inyong relationship." Advice ni Tita Ava at nagpaalam na.
What a lonely life I have here in Singapore. I've been here for more than a month now. I thought na nandito ako para mag move on pero nadagdagan lang ang loneliness ko. Apat kaming nandito pero si Aldrin lang ang naging ka close ko at kaming dalawa ang magkasama palagi. "Zoey, sorry pala dun sa nangyari sa birthday ni Sophia. Lasing ako that time at parang nawala ako sa sarili ko." Sincere niyang sabi.
Naalala ko ang pagsuntukan nila ni Matthew. "Lahat nagkakamali. Huwag mo na lang gawin ulit yun." Sabi ko sa kanya.
"Talagang hindi ko na gagawin yun. Sa takot kong mabugbog ulit. Napaka seloso naman kasi ng boyfriend mo." Sabi niyang humahalakhak.
"Hindi ko boyfriend yun. Ganon lang yun sa mga babae." Sabi ko ka Aldrin. Lahat naman siguro na babae ipaglalaban ni Matthew pag nagkataon.
Napaisip muna si Aldrin. "Hindi ah. Ako gagawin ko lang yun kung nagseselos ako at sa babaeng mahal ko." Sabay halakhak ulit ni Aldrin. "Hindi ako makipag bubugan kung walang halaga ang babaeng ipinaglalaban ko." Sabi niya.
Cool din itong kasama si Aldrin. Akala ko mayabang at antipatiko. Lasing nga lang talaga siguro ang lokong ito noong birthday ni Ate Sophia at kung ano ano ang pinanggagawa ng gabing iyon.
Nandito kami ngayon kasama ng publisher. Kaming tatlo lang ng publisher kasama si Aldrin. "Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. Are you both in a relationship right now?" Tanong niya. Both me and Aldrin said no. "Since you both are not in a relationship, in this kind of business dapat visible pa rin kayo sa mga social news circles sa atin. Palabasin natin na in a relationship kayo. Magpapa press release tayo next week." Sabi niyang parang hindi man lang hiningi ang opinyon ko.
Naiwan kaming dalawa ni Aldrin doon sa restaurant. "O, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang namatayan?" Tanong niyang pa bungisngis.
"Ikaw talaga. Naiisip ko lang na parang ano ba itong gimik na ito? Lolokohin natin ang mga tao?" Sabi ko sa kanya.
"I know hindi ka pa sanay sa kalakalan ng showbiz. Ganon talaga palagi, palaging pinapabango ang pangalan to keep your name popular. O, baka may mambubugbog naman sa akin ha?" Ngumingisi niyang sabi.
Natawa din ako sa sinabi niya."Puro ka talaga kalokohan Aldrin." Sabi kong nakangiti.
🍎🍭🍒 Please vote and comments. Thanks.🏡🏫🏰
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...