Nasaktan ako sa pangyayari sa amin ni Matthew. Since then, hindi ko na siya pinapansin. Naiilang na ako pag nandiyan siya. Minsan nakikita ko siyang sumusulyap. Naisip ko na kung bakit niya ako tinitingnan dahil alam niyang may kasalanan siya sa akin. Wala namang may mangyayari sa akin kong palagi kong iisipin ang mga pangyayari. Kailangan kong i forgive si Matthew at patuloy pa rin ang buhay.
Palagi akong maagang pumapasok sa school. Syempre hindi naman ako katulad ng mga kaklase ko na may kotse at may driver. Pamasahe nga sa school wala eh. Kailangan kong mag tiyaga at magpasalamat kung ano mayroon ako. Psalamat ako at nandiyan pa rin ang parents ko na nag sasakripisyo sa akin at si Tita Ava na walang tigil ang pag suporta. Si Joel lang ang nakagaanan ko ng loob. Marahil pareho kami ng level sa buhay kaya sa kanya ako komportable.
"Class kailangan ko kayong i group para doon sa project niyo. Dapat next week ready na kayo for your presentation." Sabi ng science teacher namin.
Ano ba yan. Of all people si Matthew pa ang makakasama ko. Pati na si Carter at Lilly. Hindi ako komportable na kasama sila sa proyekto namin. Anyway, kailangan ko pa ring makisama. So, nandito kami ngayon in one corner at nag uusap sa gagawin na project. Tahimik lang ako at walang kibo. Hinayaan ko silang mag usap kung ano ang plano nila.
"Kailangan natin ng leader for our project." Sabi ni Lilly. "I would like to ask Matthew if it's OK with you to be our leader"
"OK na si Matthew na lang. Magaling siyang maging leader natin." Sabad ni Carter.
"OK lang ba sayo yun?" Tanong sa akin ni Matthew.
Tiningnan ko muna siya sa kanyang mga mata at sinagot ko "OK lang. OK naman sa kanila, kaya OK lang din sa akin."
"Bukas natin gawin ang project sa bahay kung OK lang sa inyo." Sabi ni Matthew.
Paano ba yan. Kailangan ng sagot nila ngayon. Kailangan kong mag paalam sa parents ko.
"Sige game ako diyan."Sabi naman ni Carter.
"OK lang din sa akin. Mga what time ba? Wala naman dito si Mom and Dad this Saturday." Sagot ni Lilly.
Tiningnan nila ako para kuhanin ang side ko. "Kailangan ko munang magpaalam sa amin. Hindi ako sure kung papayagan ako." Sabi kong nahihiya. Ayaw ng parents ko na kung saan saan ako pumupunta ng hindi nagpapaalam.
"O sige, ganito na lang. Bigay mo sa akin ang phone number mo para ma confirm natin kung makakapunta ka o hindi." Saad ni Matthew.
"Wala akong phone. Phone number mo na lang ibigay mo at i text or call kita." Parang nagulat silang tatlo na wala akong phone. Binigay ni Matthew ang phone number niya at makiki text na lang ako mamaya sa kapitbahay or makikitawag.
Nagligpit na ang mga estudyante at pasalamat ako para makapag pahinga na rin ako sa bahay.
Habang lumalakad narinig kong may tumawag. Kaunti na lang ang natitirang estudyante sa campus. "Zoey wait. Galit ka pa ba? Sorry Zoey sa mga nasabi ko sayo." Si Matthew pala ang kumakausap sa akin.
"Pinatawad na kita." Sagot ko. "Mauna na ako Matthew."
"Saan ba ang sa inyo? May maghahatid ba sayo?" Tanong niya.
"Walang may maghahatid. Nilalakad kong mag isa pauwi. Maaga pa naman eh" Sabi ko.
"Ihatid na kita. Sabay ka na sa amin ng driver ko." Offer ni Matthew.
"Huwag na. Ganito na ang ginagawa ko since nagsimula ang klase. OK lang ako. Huwag mo nang intindihin si Ate Sophia at yung favor niya na pinakiusap sayo dati." Explain ko.
"Gusto kong ihatid kita at baka ano pang mangyari sayo sa daan." Insist niya.
Bakit ba pinipilit niya ako? Hindi kami friends at for sure ayaw niya sa akin. "Pwede ba Matthew pabayaan mo ako?" Sagot ko na pataray. Hindi ako sasama sa kanya kahit anong mangyari.
"O sige. Basta mamaya tawagan mo ako kung makakapunta ka sa bahay tomorrow for our project." Sabi niya.
"OK. I'll call you." Paalam ko.
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...