Chapter 17 Shaken Matthew

13.6K 299 5
                                    

Matthew POV

Argh! Ang sakit ng ulo ko. Walang may naidudulot na maganda itong pag iinom ko. Eto lang ang paraan para mawala sa isip ko si Zoey. I just feel so hopeless and helpless lalo na sa treatment sa akin ni Zoey lately. Hindi ako sanay na binabalewala niya ako. She occupied my mind, consumed me and she's everything to me. Walang may naidulot na maganda ang revenge na naipangako ko kay Mommy. Maski si Mommy nakita kung gaano kaganda ng ugali ni Zoey. Nagsisisi kung bakit naiplano naming ibunton lahat ng hinanakit namin kay Tita Ava doon kay Zoey. Meron palang babae na almost perpekto at nakita ko iyon kay Zoey. Beautiful inside and out. Paano pag totohanin na niya akong iiwan? Hindi ko kakayanin. Si Zoey lang ang nakikita kong nagmamahal sa akin ng totoo. Wala ng ibang nagparamdam sa akin ng pagmamahal. Yung pinakitang mahal niya pa rin ako despite sa kagaguhan ko. Sinong matinong babae na alam mong kasal siya sa akin, pero pinatira ko siya doon sa maid's quarter. Gayunpaman pinanindigan ni Zoey na kaya niya akong tiisin. Kinaya niya ang treatment at kasamaan ko. Wait, kailangan kong tingnan kung nasaan si Zoey. Hopefully di niya ako iniwan. Di ko kaya...

Dali dali akong bumaba at pumunta ng kitchen at napadaan sa dining area. Naabutan kong nag aalmusal sila Mommy and Daddy. Hinanap kaagad ng mata ko si Zoey. Wala siya sa kitchen.

"Good morning son. Have a seat. Join us for breakfast. Tamang tama nandito ka. May kailangan kang malaman." Sabi ni Mommy.

Mukhang importante ang sasabihin at pinag uusapan nila ni Dad. Kaya kahit sandali, makikinig ako sa kanila.

"Son, sorry about the confusion as well as your Mom's wrong assumption about your Tita Ava. Matagal na kaming tapos and she is happily married. Nagkataon lang na nawalan ng trabaho ang husband niya at kung pwede kung ipasok sa kompanya kaya siya nakipagkita sa akin. Obligasyon ko rin siyang tulungan dahil na rin sa half sister mo na si Sophia." Explain ni Dad.

All along ang plano naming paghihiganti kay Zoey ay mga bagay na sana hindi ko ginawa. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ang sama kong tao. Ngayon galit ako sa sarili ko, sa sitwasyon.

"Matthew, patawarin mo ako. Hindi pa naman huli ang lahat anak. Ligawan, suyuin at amuhin mo si Zoey. Anak, anlaki ng kasalanan ko sayo. Sa kay Zoey. Gagawin ko ang lahat para maging maayos kayo. Matthew kailangan mong maging tapat kay Zoey. Sabihin mo sa kanya na fake lang ang kasal niyo." Sabi ni Mommy na umiiyak.

Aaminin kay Zoey na fake ang kasal namin? "No Mom! This is not the right time. Medyo nag iba na ang pakikitungo ni Zoey sa akin, malayo na siya. She's planning to leave us. To leave me. Huwag ngayon!" Sabi kong naguguluhan at nagpa panic na.

"I'll let you deal with your personal problem son but if you need me. I'm always here for you. Fight for Zoey, halos lahat na yata ng katangian sa babae nasa kanya na. Palagi ngang tinatanong ni Ate mo Sophia si Zoey. Hangang hanga siya sa kasipagan ni Zoey. Samantalang yung ibang kabataan nagpa party. Gimik dito, gimik doon. Si Zoey napaka homebody at masipag. She's worth the fight son!" Sabi ni Dad as he pat me at the back.

"Mom, Dad, I can't afford to loose her. I will make her stay." Sabi ko.

"Matthew, hayaan mong mag decide si Zoey sa gusto niya. Bakit hindi mo palipatin si Zoey sa guest room? Ang sikip ng maid's quarter at ang dalawa nating driver nandiyan lang din malapit sa quarter niya nakatira. I think may gusto si Roel sa kanya. Malapit ng maging engineer yun. anytime aalis na rin sa atin si Roel." Sabi ni Mommy.

Bigla akong kinabahan. Bakit ba hinayaan ko si Zoey na doon tumira. Alam kong may gusto si Roel sa kanya. Halos lahat naman yata ng lalaki may gusto sa kanya eh. Bakit hindi ko inisip yung safety ni Zoey. Napuno lang ako ng galit sa kanya at hindi ko siya naisip. this is bullshit!

"I got to go Mom, Dad. I need to find Zoey." Paalam ko.

Lumabas ako ng bahay at wala akong may mahagilap na Zoey. Kinatok ko na siya sa quarter niya at walang may sumasagot. Shit! Saan na kaya ang babaing yun?

Nakita ko si Aling Martha at papunta siya sa akin. "Sir, may kailangan ho ba kayo?" Tanong niya.

"May sasabihin lang ako kay Zoey. Nakita mo ba siya?" Tanong ko.

"Nandon siya sa frontyard Sir. Tinutulungan si Roel sa pag gagarden." Sabi ni Aling Martha.

Naglakad ako papunta sa harap ng bahay. Nakita kong nagbubungkal ng lupa si Zoey habang ngumingiti.

"Alam mo Roel. Maganda yung paningin mo sa buhay. Ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo. Kailan ka na ba mag board exam at ipag pray kita." Sabi ni Zoey kay Roel.

"Malapit na. Sa susunod na buwan na. Sana makapasa ako." Sabi naman ni Roel.

Nag seselos na naman ako. Bakit kasi na hindi ko magawang kausapin ng mabuti si Zoey katulad ng ginagawa ni Roel? Napuno kasi ako ng galit at hindi ko man lang naiparamdam ang importansiya niya.

"Zoey may sasabihin sana ako sandali." Sabi ko kay Zoey.

"OK lang Zoey. Ako na ang tatapos diyan." Sabi ni Roel sa kanya.

Nakita ko siyang naghugas ng kamay at sumunod sa akin. pinagpapawisan siya pero maganda pa rin para sa akin si Zoey.

"Hindi ka dapat nag tatrabaho ng mabibigat." Sabi ko sa kanya ng nakarating kami sa ilalim ng puno malapit sa swimming pool.

"Nobody cares about me. Why care now? Hindi kita maintindihan. Di ba yun naman ang ipinamumukha mo sa akin. Kasambahay ako dito? Kaya ginagampanan ko lang ang responsibilidad ko." Sabi niya na may galit sa mga mata.

"Zoey, I'm sorry kaya nga nandito ako ngayon. Tinatama ang mga pagkakamali. Simula sa araw na ito. Doon ka na lumipat sa room ko. Zoey, hindi ka maid dito. Asawa kita!" Sabi ko sa kanya na nag mamakaawa.

"Hindi ko nararamdaman ang mga sinasabi mo na asawa mo ako. I'm comfortable at the maid's qaurter. Natiis ko nga dito ng halos mag dakawang taon na. Ilang araw na lang ako dito Matthew. Hindi ko pa nasabi sayo ng pormal bilang amo ko. Aalis na ako dito, Sa Tuesday ang last day ko." Sabi niya na nakatingin sa malayo.

"Zoey, sabihin mo na nagbibiro ka lang. Hindi totoo ang mga plina plano mo." Sabay hawak ko sa mga kamay ni Zoey.

"Matthew, dapat matagal na akong umalis dito. Sa tingin mo ba, sa treatment mo sa akin kung hindi kita totoong mahal mag stay ako sayo ng ganito? Matthew hinintay din kitang magbago. Pero, wala akong may nakita na konting pagmamahal sayo. Just let me go. You can start filing for our annulment." Nakita kong may namumuo na luha sa mga mata niya.

I think Dad is just right. To let her go and give her space. Hindi naging madali ang sakit na naibigay ko sa kanya. Pati na ang ksalanan ko. one thing I can promise. I'll take her back.

"OK. Basta alam ko kung saan ka pupunta at maging maayos ang buhay mo at safe ka. Yun lang ang gusto kong malaman." Sabi ko sa kaya.

"Natanggap ako sa isang modelling company. Maki share ako doon sa condo ng isang co model ko. I'm scared and nervous at the same time. Sa bahay, school at dito lang sa inyo ang alam kong mundo. Sana maka survive ako." Sabi niya while nervously playing with her fingers.

Kailangan ko siyang samahan sa mga lakad niya. Kung hindi ako, pwede si Mang Carlos ang mag drive sa kanya. Mang Carlos is my personal driver. While Roel is the driver of my parents. Ako na lang ang mag drive sa sarili kung sakali.

"Sasamahan kita sa mga lakad mo. kung di ako available, nandiyan si Mang Carlos na mag drive sayo. Ako na ang bahalang magsabi kila Mommy sa plan mo. Sa Tuesday ihatid kita doon sa condo na titirhan mo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo naman na ako responsibilidad. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ni Zoey na nakatingin sa aking mga mata.

"Hayaan mo naman akong ipadama sayo kung gaano ka kaimportante sa akin this time." Sabi ko habang hinahawakan ang mga kamay niya.

Ngayon lang kami nagkasundo ni Zoey. although mahirap sa akin to let her go. Pero ito na rin ang umpisa ng pagsuyo ko sa kanya.

Marriage for Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon