Pagod ako ng dumating sa bahay. Paano medyo mahaba haba din ang nilakad ko. Di bale na ganon talaga kailangang mag sacrifice. Kinumusta ako ng parents ko tungkol sa school at sinabi ko na ok lang ako.
The next day, inagahan ko na ang pagpunta sa school ng sa gayon ay hindi ako ma late. Ako ang pinaka unang dumating. Sa isip ko mabuti nga at ng hindi matulad kahapon na na late ako. Noong nagsi datingan na ang mga estudyante una kong nakita si Joel. Doon naman siya agad lumapit sa tabi ko. Nakita ko rin agad si Kristine na sinusundan ng tingin ni Joel. Nakita kong tumingin din ito sa kanya. Laking gulat ko ng makita ko Matthew na dire diretso sa kabilang upuan na vacant next sa seat ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Tahimik lang ako. Narinig ko na lang na nagsalita si Joel. "Kamusta?" Tanong niya."Ok lang. Uma adjust pa sa school. Kung nasa National public school sana ako, nandon lahat ng friends ko." Sagot ko. I tried to take a quick glance on Matthew. Nakasimangot at matalim ang tingin sa akin. Ano na naman ba ang nagawa ko?
"Matt, I reserved a chair for you. halika dito." Sabi ng matangkad na mestisa sa kanya.
"Thanks Lilly. makaalis na nga dito." Sabi niya ng padabog.
Napaisip ako at iniintindi ko lang na ganon siguro ang mayayaman. Mga walang modo. I just ignore him. Marami pang mga bagay na pag tuunan ko ng pansin. Naisip ko tuloy ang cousin ko na si Sophia. She's older than me for 2 years. Sana makita ko si Ate Sophia mamaya. Para hindi ako gaanong out of place dito. Ng masulyapan ko ko si Matthew at Lilly napaka sweet nila. Ano ba yan, nakakailang. Vacant yung seat sa tabi ko kaya doon na si Carter umupo na sinundan naman ni Art.
Dumating yung Math teacher namin at nag announce na dalawa ang naka perfect ng Math Quiz. Si Joel at Matthew lang."Paanong hindi ma perfect ni Matthew eh. Valedectorian yan namin ng elementary." Ang proud na wika ni Carter.
"Congratulations!" Bati ko kay Joel.
"Si Joel din Carter. Valedectorian sa school na pinanggalingan niya."
"Congratulations Pare!" Wika ni Carter. Nang matapos ang klase pinauna ko na silang lahat na lumabas. Hintayin kong makalabas ang lahat at tsaka ako uuwi. Ayokong makihalobilo sa mga kaklase ko pauwi. Nakita ko na nandiyan pa rin pala si Matthew. Tinitingnan ako ng may galit sa mata. Ano ba ang problema nito? Natatakot na ako sa kanya.
"Ano pa ang hinihintay mo? Uwian na." Pasinghal na sabi niya. Ano bang problema nito sa akin? Hindi ko naman siya inaano. Narinig ko na lang si Sophia sa labas.
"Hey Zoey. How's your first few days in school? O, nandito pala si Matthew. Matt, cousin ko to. Take care of her brother." Sabi ni Ate Sophia.
"I knew her." Sagot ni Matthew.
"Zoey mabuti at classmate pala kayo ng brother ko. He's my long lost brother. Magkapatid kami sa ama. We have another brother Zach. He's in senior high. Nakita mo ba si Kuya Zach, Matt?" Tanong ni Ate Sophia.
"I did not see him." Tipid na sagot ni Matthew.
"Sana Zoey sabay ka na sa kotse ko. Kaso lang nagmamadali ako." Sabi ni Ate Sophia.
"Naku Ate, ok lang. Nilalakad ko lang to. Pakisabi na lang kay Tita Ava, thank you sa lahat. Pagbutihin ko ang pag aaral ko." Sabi ko kay Ate Sophia.
"Matt, favor naman oh. Pwede mong isabay na si Zoey. May driver ka naman."Hiling ni Ate sa kanya.
"Naku ok lang ako Ate, sanay na akong maglakad." Sabi ko.
"Sige, isabay ko na siya Ate Sophia." Sabi naman ni Matthew. Nagpaalam na si Ate Sophia at nagmamadaling umalis.
Tiningnan ko si Matthew at nakatingin lang din siya sa akin.
"Matthew, nakaalis na si Ate Sophia. Salamat sa alok mo na ihatid ako. Ok lang ako, maglalakad na lang ako." Sabi ko na hindi tumitingin."Kung hindi ko pa alam kong bakit ka dito nag aaral sa school na to. Huwag ka na ngang umarte." Galit na sabi niya.
"Hindi kita maintindihan. Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Alam ko kung bakit ka nandito. Para makabingwit ng mayaman." Galit na sagot niya.
Walang may lumabas sa bibig ko. Bigla na lang akong tumalikod at dali daling umalis. Gusto kong magalit, pero hindi ako ganon. Mas mabuti pang iiyak ko na lang ito mamaya. Narinig ko na sinusundan ako ni Matthew at bigla niyang hinablot ang kamay ko.
"Di ba sabi ko sayo ihahatid kita?" Pagalit na sabi niya.
Naiiyak na talaga ako. "Pwede ba, huwag mo akong sundan?" Ang sama ng iniisip niya sa akin. Nandito ako para mag aral, hindi para makabingwit ng mayamang lalaki. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya. Ang sama ng mga mayayamang bata na to. Kala nila, sila lang ang may karapatan. Akala nila sila ang may ari ng mundo.
"Huwag mo na akong sundan. Nagsasayang ka lang ng oras. Himdi ako sasama sayo." Napaluha kong sabi.
"Fine!" Sabi niya.
Mabuti at hindi na siya sumunod sa akin. Mas mainam at nang wala na kaming kumunikasyon na dalawa.
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...