Matthew's POV
⛵️✈️🚂 Please vote and make comments. Thanks. 🍒🍋🍯
Despite sa pag iwan sa akin ni Zoey doon sa bahay nila Tita Ava ng walang paalam, hindi pa rin ako gi give up sa kanya. I will never ever give up on Zoey. Two months na lang at magtatapos na ako sa kurso ko. Sa awa ng Diyos, napapasa ko pa rin ang mga subjects ko. Makaka focus na din ako sa negosyo. Maganda ang pasok ng pera at napapalago ko ito habang nag aaral. Na realized ko na walang may mangyayari sa pagpapakalasing ko. Ayusin ko na lang ang buhay ko. Itatama ko ang mga nagawa kong pagkakamali sa buhay.
I was looking for Zoey since day 1 na nalaman kung umalis siya papuntang Singapore. Tinawagan ko si Ate Sophia ngunit wala naman akong impormasyon na makukuha. I called Tita Ava at wala din siyang alam tungkol kay Zoey. I went there sa modeling agency na pinagtatrabahuhan niya pero ganon din ang sagot. Bawal silang mag released ng information ng mga talents nila.
Pumunta ako ng Singapore stayed there for 3 days. Nagbaka sakaling may makapagbigay ng imporyasyon sa akin tungkol kay Zoey. Ngunit wala akong may nakuhang balita. Umuwi akong malungkot.
Nag ring ang phone ko at si Lilly ang tumatawag. "I saw from the news na nasa Singapore pala si Zoey. May press release sila sa Mandarin Hotel next week. Co model niya pala doon ang gwapong si Aldrin." Sabi ni Lilly on the other line. Parang biglang nagpanting ang tenga ko. Ang tagal ko siyang hinanap at kasama pa niya ngayon si Aldrin.
"Ganon ba. Thanks Lilly. I'll see you around." Sabi ko. Araw araw akong tinatawagan ni Lilly. Hindi ako natutuwa doon. I felt annoyed minsan.
I arranged for my flight to Singapore and stayed on the hotel na gagawin ang press release. Marami ng tao sa ballroom area kung saan gagawin ang press release.
Nakita ko si Zoey. Nagulat siya ng makita niya ako. Gusto ko siyang yakapin, pero sa dami ng tao. I tried to hold myself. "Hi! Finally natagpuan din kita. Ang tagal kitang hinanap. Pinuntahan kita dito sa Singapore at hinanap last month." Sabi kong sabik na sabik sa kanya. Gusto ko siyang halikan at yakapin. Pero marami ng tao at press sa paligid. Mas mainam na rin na pwede kong i control ang sarili ko.
"Bakit mo pa ako hinanap. Nag aaksaya ka lang ng oras mo." Sabi niya sa akin na umiiwas ng tingin.
"Kahit ubusin ko ang oras ko basta makita lang kita. Hindi mo ako dapat iniwanan ng ganon ganon na lang sa bahay nila Tita Ava. I miss you sweetie." Sabi ko sa kanya ng buong pagmamahal.
"Alis na ako Matthew." Biglang paalam niya. Ang ganda pa rin ng mahal ko. Parang walang may ipinagbago. Mas lalo pa nga siyang gumanda. I think nababaliw na nga ako sa kanya.
Naupo ako doon sa pinaka front ng stage. Nakita kong tinawag ang pangalan ni Zoey at ni Aldrin. Nagpalakpakan ang mga tao. Maraming iba't ibang press ang dumating galing ng Pinas.
They promoted the runway event that will take place next week. Andaming mga entertainment press at finally ang question and answer portion na nila ni Aldrin. Gusto kong suntukin ang walanghiya. Naalala ko na naman ang pambabastos niya kay Zoey.
Narinig ko ang interviewer.
INTERVIEWER: "Let's start with Aldrin. Kamusta naman ang stay mo dito sa Singapore?"ALDRIN: "Masaya ako dito lalo na kasama ko si Zoey ang babaeng inspirasyon ko at nagpapatibok ng puso ko." Narining kong nagtilihan ang mga tao.
INTERVIEWER: "Let's get with Zoey. You look beautiful and stunning as ever Zoey. Who's the lucky guy?" Tanong nito.
ZOEY: Tumingin muna siya sa akin. "I am more inspired now. Aldrin makes me happy." Nagtilihan at nagpalakpakan ang mga tao.
Hindi ko na pinatapos ang press conference nila. Umalis na ako doon sa venue. Galit ako sa sitwasyon namin ni Zoey ngayon. Umakyat ako ng elevator ng hotel at dali daling nag empake ng mga gamit ko. Sana mayroong flight pa na available. I can't stay longer in this place. Parang pinipiga ang bigo kong puso.
All I need to do is just accept the fact na hindi kami ni Zoey para sa isa't isa. Hindi niya ako mahal at hindi na niya ako mapatawad. Ipinagpalit pa niya ako doon sa manyakis na lalaking iyon. Ganon lang siya kabilis nakahanap ng pang palit sa akin. I don't want to see you anymore Zoey. I will never beg or see you anymore.
Napaisip tuloy ako at binalikan ang gabing magkaniig kami ni Zoey. Kaya hindi man lang siya nagpaalam ng gabing yun. Kaya nakaya niya akong iwanan after we made love. Ang masakit pa, iniwan din niya akong hindi nagpapaalam ng pumunta siya dito sa Singapore. Para akong tanga na hinahanap siya. Yun pala mayroon na siyang iba.
🍧🀄️✏️ Your vote and comment is highly appreciated. Thanks.😀😍💐🌸
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...