#Zoey's POV#
🍀Please vote and comment if you like this story. Para ma inspired naman akong magsulat.🍀First time kong makarating ng Batangas. Hindi naman kami ng family ko nag a outing dahil kulang pa nga ang pera namin sa gastusin sa bahay. Ang ganda ng lugar, tahimik. Dagat lang ang maririnig. I love nature. Pag medyo tense ka sa buhay. They calm me, nature ease the loneliness in my life.
"Zoey, bilisan mo na diyan at doon tayo pumunta sa Cottage nila Mrs. Santander. maghahain tayo ng makakain nating lahat para sa dinner." Sabi ni Aling Martha.
Ipinusod ko ang buhok at naghilamos lang ako saglit. Linakad namin ni Aling Martha papunta doon sa Cottage ng amo namin. Nakakailang at makikita ko na naman si Matthew. Iniisip ko na lang na amo ko siya at wala akong karapatang humanga sa kanya.
Nandoon ang mag anak na Santander sa Veranda ng cottage. Kami naman busy sa paghahanda ng dinner. Dala dala ko ang lalagyan ng kanin ng kuhanin ni Roel sa akin.
"Zoey, ako na." Offer ni Roel sabay kuha ng lalagyan na hawak hawak ko.
"Eto naman, Oo. Kaya ko naman yan." Sagot ko at nagulat na nandiyan pala si Matthew na nakatayo.
"Kuya Roel. Huwag mo na siyang tulungan kaya niya yan." Sabi ni Matthew.
"Zoey, ang kubyertos para sa pagkain pala natin naiwan doon sa ating cottage." Sabi ni Aling Martha.
"Sige. Kukunin ko na po." Sabi ko na dali daling umalis para makaiwas kay Matthew.
"Talagang pinapainit mo ang ulo ko." Sabi ni Matthew na sumunod pala sa akin.
Hindi ko siya maintindihan. Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha?!" Ang tanging nasagot ko.
"Pati ba naman si Kuya Roel. Inaakit mo? Wala ka talagang delikadesa." Pagalit na sabi niya.
Nagpanting ang tenga ko. "Aba!sumosobra ka na. Dati ina accused mo ako na gusto kong makabingwit ng mayaman. Ngayon naman inaakit ko si Kuya Roel. Matthew, wala akong may ginagawa at kung si Kuya Roel man ang makatuluyan ko. Bagay lang kami dahil pareho kaming mahirap!" Sabi ko sa kanya.
"Umalis ka na nga. Bakit mo ba ako sinusundan?" Pasinghal ko sa kanya.
"Para mo maintindihan, responsibilidad ka pa rin namin. Kung may mangyari sayo dito, kami pa ang sisihin." Sabi niyang sumusunod sa likod ko.
Nakakainis na si Matthew. Paano ko siya maiwawala sa sistema ko kung sunod ng sunod naman eto sa akin. "Hindi mo ako responsibilidad. Kaya ko ang sarili ko."
Kinuha ko ang bag ng kubyertos at pilit na kinukuha ni Matthew sa mga kamay ko. "Ako na ang magdadala niyan." Agaw niya sa mga kamay ko ng bag ng kubyertos.
"Hayaan mong tulungan ka ni Matthew. Mabigat yan para sayo." Narinig kong sabi ng boses babae. Nong nilingon ko si Mrs. Santander pala.
I just don't get it. Anong mabigat doon sa bag ng kubyertos? Eto kasing si Matthew eh. Ano kaya ang kailangan ni Mrs. Santander. Bakit siya pumunta dito sa cottage namin?
"Zoey, may dala akong swimwear for you. Kailangan mo ng swimwear." Sabi ni Mrs. Santander dala dala ang maliit na paper bag.
"Mom, she doesn't need that." Protesta ni Matthew.
"Tayo tayo lang dito Zoey. This is a private resort. Sana you won't disappoint me. I want you to wear this." Insist ni Mrs. Santander.
Out of courtesy I just said. "Thank you po." Pasalamat ko kay Mrs. Santander. Na pepressure naman ako nito. I have never been able to wear a swimsuit in my entire life. Looking at the beach most females are wearing appropriate swimwear. Why not? Pero mamaya ko na lang supyin pag medyo madilim na.
"Matthew and Zach samahan niyo mamayang mag swimming si Zoey. Isama niyo na rin si Roel. Gusto kong mag enjoy ang mga young ones." Sabi ni Mrs. Santander. "We are here to have fun. Kami naman na mga oldies. Maglalaro kami ng cards dito." Dagdag pa niya.
Sarap ng niluto namin ni Aling Martha. Nagligpit kami at as usual nandiyan si Kuya Roel na tumutulong sa amin niAling Martha.
I need to go to the beach. Ngayon lang ako nakapag beach. Few years ago pa yung last ko. Noong nag celebrate si Tita Ava ng birthday niya. Sinuot ko ang binigay ni Mrs. Santander na red swimsuit. One piece siya, pero mukhang mayroong design na cut sa gilid kaya sexy pa rin ang dating.
Ang sarap ng hangin, fresh at ang tunog ng dagat na nakakarelax. Lubos lubosin ko na ito. Kailan na naman ako makakabalik sa beach. Kaya ang time ko mag enjoy ay ngayon na.
"Miss, I was just watching you. I'm Martin. Talent scout ng pinaka tanyag na modelling company dito sa Pilipinas." Sabi na Mark na malambot kung gumalaw at mukhang binabae.
Tumingin ako sa kanya. "I'm Zoey." Maikli kong pakilala.
Nakita ko si Matthew at Zach naghahabulan papunta sa akin na tumatawa.
"Hey! What's that?" Sita ni Matthew kay Mark na may pilit kinukuha sa bulsa.
"Mark si Matthew at Zach nga pala mga anak ng amo ko." Pakilala ko.
"Mark pala. Talent scout ako ng modelling company. Bigay ko lang itong calling card ko kay Zoey. In case she's interested to be a model. She's got the body, height and beauty to be a model" Sabi ni Mark.
"I don't think so she's interested Mark." Sabi ni Matthew.
"Bro, that's Zoey's business" Dugrong naman ni Zach.
"Zoey, kumuha ka nga ng T shirt doon at suotin mo. Hindi ka na nahiya." galit na asik sa akin ni Matthew.
"Easy bro. Don't worry Zoey. You look stunning tonight." Sabi naman ni Zach.
Lintek ka na Matthew ka. Ang sama mo. Kinuha ang mga gamit ko at padabog na umalis.
"Wait Zoey. maligo pa tayo." Yaya sa akin ni Kuya Roel na padating.
"Kayo na lang Kuya. pagod na ako eh." Sagot ko.
Ansama talaga ni Matthew. Ilang beses na ba niya akong sinaktan? Dapat naging manhid na ako sa mga masasakit na salita niya. Makatulog na rin lang at pagod na din ako. Pati na isip ko pagod na din.
🌺Please vote and comment🌷🌼🌾🌷🍀🌻Thanks!!!
BINABASA MO ANG
Marriage for Revenge(Completed)
RomanceSi Zoey ay maganda at dahil sa kahirapan hindi na nagkaroon ng chance na mag aral. Mahal siya ng Tita Ava niya at tinutulungan siya nito sa pag aaral noong high school siya. May lihim si Zoey na pagmamahal sa gwapo at mayaman niyang kaklase na si M...