01 - Name
Natataranta kong isinuot ang tanging tsinelas na nakita kong naroon. Malaki iyon sa paa ko ngunit hindi ko na inintindi dahil kailangan ko nang makaalis dito. Tinakpan ko ang mukha ko saka tumakbo palabas. Sa hitsura kong magulo ang buhok at mala-bestida ang suot na T-shirt, ano na lamang ang iisipin ng iba? Lalo na't galing pa ako sa kuwarto ng lalaking iyon!
Nang makarating sa damuhan kung saan ipinarada ang truck kagabi ay agad kong nakita si Carla. Humihikab niyang tinutulungan ang mga kargador na ibalik ang mga basket sa truck.
Nanlisik ang mga mata ko saka inayos ang sukbit ng bag ko. Muli kong pinunasan ang gilid ng labi ko para masigurong walang natuyong laway.
"Carla!"
Nanlaki ang mga mata niya at bumaling sa akin nang marinig ang boses ko. Kumunot ang noo niya saka itinuro ako.
"Ikaw babae ka! Saan ka nagsuot? Bakit wala ka na pagbalik ko?"
"Hindi mo naman ako binalikan!"
Bahagya niyang hinila ang buhok ko. "Bumalik ako ng alas diyes, wala ka na ro'n!"
Umirap ako saka sumampa sa truck katabi ng driver. Sumunod din si Carla at tumabi sa akin. Sikat na ang araw at nadaanan ko pa kanina ang ibang mga bisita.
Bumuntong-hininga ako nang pumasok na naman sa isip ko ang lalaking iyon. Sino ba siya? Alam kong nakilala ko siya kagabi ngunit bakit ako naroon sa kuwarto niya? O bakit naroon siya sa kuwarto ko?
Nang maisakay na ang lahat ay sumampa na ang driver. Sinapo ko ang noo ko saka yumuko. Ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko'y masusuka ako.
"Umuwi na tayo! Bilis! Andar na!"
"Teka naman, bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Carla. "Aandar naman, Agatha. Aandar naman!"
I tsked and shook my head. "Bilis na! Umuwi na tayo!"
Agad na tumango ang driver saka binuksan ang makina. Huminga ako nang malalim saka tinignan muli ang pinto ng kuwarto kung saan ako galing. Mula iyon sa second floor kaya kitang-kita ko. Ano bang nangyari sa kuwarto na iyon? Bakit naroon ako at anong ginawa ko?
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha nang makalayo na kami. Kumunot ang noo ni Carla saka kinalabit ako.
"Anong mayroon? Bakit aligaga ka kanina?"
Umiling ako. "Wala naman. Gusto ko lang na umuwi na."
Marahan siyang tumango saka nanatili ang tingin sa bintana. Hindi rin nagtagal ay muli siyang bumaling sa akin.
"May nangyari ba?"
Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"
Lalo siyang naguluhan sa reaksyon ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko saka umiling para bawiin iyon. Anong nangyayari sa akin? Bakit narito pa rin ang kaba ko?
"Bakit ka galit? Tinatanong ko lang kung may nangyari ba kagabi at wala ka sa mood ngayon."
"Walang nangyari. Wala naman.." mabilis kong sagot. "Wala."
Walang nangyari. Sigurado ako roon. Paanong mayroon kung lasing ako? Hindi man mukhang mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon ngunit hindi ko siya huhusgahan. Hindi ako puwedeng basta mang-akusa ng rape. Ni hindi ko nga alam ang nangyari.
Carla looked puzzled at me. Kahit na ganoon ay tumango pa rin siya. Pilit akong ngumiti saka tumitig sa daan. Sana naman ay bumilis ang andar para makauwi na kami ng Louisiana.
"Okay.. Saan ka ba natulog?"
Nawala ang ngiti ko at napalitan ng kaba. "Anong tanong 'yan?!"
"Teka nga! Bakit ka ba nagagalit?" Inis niyang tanong. "Simpleng tanong lang, saan ka natulog?"
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...