13 – Guess
"You're here.."
Napatigil ako sa paglalakad sa kahabaan ng plantasyon nang mayroong magsalita. Napa-angat ako ng tingin mula sa pagmamasid lamang sa mga paa kong may kaonting maga. I gulped hard when I recognized his voice.
"Why are you here?"
His hair was neat. Iba sa nakasanayan ko magulo niyang buhok. Itim pa rin ang suot niyang T-shirt at khaki shorts. He was standing against the sunset. Malamig ang hangin sa plantasyon kaya naman niyakap ko ang sarili ko gamit ang cardigan. Hindi ko siya sinagot at nilampasan na lamang siya habang hawak ang basket kong may laman na mga bulaklak.
"Ah, so we're working with silent treatment now.." he chuckled. "Nice."
Hindi ko iyon pinansin. Para akong walang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kailan ba ito uuwi? Siguro ay magulo pa sa Maynila kaya narito pa.
Ramdam ko ang kaba ko habang sumasabay siya sa paglalakad ko. Ang huling usap namin ay dito rin sa plantasyon. Tatlong araw na ang nakalipas mula no'n.
"What's the problem? Did I piss you off the last time?"
Umirap ako nang maalala ang pag-uusap na iyon. Agad akong tumigil sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin nang humarang siya sa daan ko. Hindi naman ako galit! At hindi rin ako naiinis. Gusto ko lang malaman kung kailan ba siya aalis dito sa Louisiana. Iyon lang.
Bumuntong-hininga ako saka umiling. Umangat lamang ang kilay niya at hindi tinanggap ang sagot ko. Akmang lalampasan ko siyang muli nang harangan niya ulit ako. Inginuso ko ang gilid para tumabi siya ngunit tinawanan niya lamang iyon.
"You want a kiss?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Bastos!"
Nag-init ang pisngi ko at hindi ko na napigilan ang magsalita. Marahas ko siyang tinulak palayo upang makadaan ako. Pakiramdam ko ay sasabog ang pisngi ko.
"You were pouting! I thought you wanted one!"
"Sa kasal ko pa ang first kiss ko kaya 'wag kang ano r'yan!" Inis kong sagot. "K-kung ikakasal man ako."
Nagmamadali akong lumakad palayo habang hawak pa rin ang basket kong may lamang mga bulaklak na napitas ko na. Humabol siya sa akin habang mahina pa ring tumatawa.
"Haven't been kissed.." he pointed. "Haven't been touched, I suppose."
Napaiwas ako ng tingin. Marahas kong hinila ang isang bulaklak at padarag na inilagay sa basket. Si Spencer ay nakatayo lamang sa gilid ko habang pinagmamasdan ako. There was a small smile on his lips. Parang pinipigilan niya pang huwag matawa.
"Ano ngayon? Kababaan ba iyon ng pagiging babae?"
Umiling siya. "No.."
Umismid ako at naglakad na muli palayo. Gusto kong makaalis mula sa kaniya ngunit talagang sinundan niya pa ako. Naiinis ko siyang tinignan at marahang tinulak ang braso. Namumula siya, pinipigilan yata ang pagtawa.
"Kapag walang experience, dapat nang pagtawanan?" Masungit kong tanong.
Muli siyang umiling. Huminga ako nang malalim at nilampasan na siya ulit. Ngumuso ako at tinignan ang mga bulaklak na kapipitas ko pa lang. Nalamog tuloy ang iba.
Napabagal ako sa paglalakad nang maramdamang hindi na siya sumusunod. I stopped and looked back. Nakita ko siyang nakatayo lamang habang nakasuot ang mga kamay sa bulsa. He squinted his eyes as I was standing against the light. He was seriously looking at me. Para ulit akong kinabahan kaya nag-iwas ako ng tingin
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...