24 – Reason
"Do you want a teddy bear again?"
Ngumuso ako at luminga sa loob ng amusement park. Madilim na kaya naman bukas na ang lahat ng ilaw para lumiwanag, lalo na sa mga rides. Noong nagalit si lola noon ay ganitong oras ako umuwi. Ngayon ay kararating pa lang namin at binigyan niya pa kami ng karagdagang kalahating oras.
Umiling ako at humarap sa kaniya. Nakasuot ang kamay niya sa bulsa habang nakahawak naman ako sa braso niya. Umangat ang kilay niya at inipit ang buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Tatlo na sila, e. Ayaw na nilang magkaroon ng isa pang kapatid."
He chuckled and nodded at me. Nagpatuloy kami sa paglalakad at naglibot sa amusement park upang maghanap ng ride. Bibitiw na sana ako sa braso niya nang biglang makapa ko ang isang malamig na metal sa palapulsuhan niya. Nang bumaba ang tingin ko at napangiti ako nang makitang suot niya ang bracelet na ibinigay ko. Nawala nga lang iyon nang makita kong namumula ang palapulsuhan niya.
"Spencer.."
Tuluyan akong bumitiw at tumigil sa paglalakad. He frowned and look back to me. Hinila ko ang kamay niya at tinignan iyon muli. It has rashes. Galing ba ito sa bracelet?
"Anong nangyari sa palapulsuhan mo?"
Agad niyang binawi ang kamay niya. "Ah.. Don't mind it. It's nothing."
He pulled the edge of my sleeve to keep me walking. Hindi ako nagpahila at pilit na siya ang hinila pabalik.
"Nagsusugat?"
Umiling siya. "Agatha, it doesn't matter–"
"Dahil ba ito sa bracelet?"
He pressed his lips and looked at his wrist. Hindi naman ito nangyayari sa tuwing ang suot niya ay iyong mga relos niya. Nahihiya akong napalunok at pilit na ngumiti.
"S-sorry.." ani ko. "Sandali. Tatanggalin ko."
Binawi niya iyong muli. "Don't remove it. It's fine."
"At bakit hindi?"
"Ibinigay mo iyan sa akin." Agad niyang sagot.
Natigilan ako sa kaniyang sagot. Parang sumabog na naman sa tiyan ko ang libo-libong mga paruparo. Pinigilan ko ang ngiti ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ano naman ngayon? Nagsusugat na ang palapulsuhan mo."
Hindi ako nagpapigil at tinanggal nga ang bracelet na iyon. His wrist was red and has rashes. Nakonsensya tuloy ay bigla. Kung alam ko lang sana na ganito ang magiging reaksiyon ng balat niya, hindi ko na ibibigay.
"A-akin na 'to. Itatapon ko na lang."
"Let me keep it.." kinuha niya iyon mula sa kamay ko. "Tinanggal mo na. Hayaan mo na lang iyan sa akin."
I looked at him with guilt. He just smiled at me and pulled the edge of my sleeve and made me clung onto his arm again. I sniffed and looked up to him while we walk.
"Pasensya na.. Hindi ko naman alam na magkakaganiyan ang balat mo. Kung alam ko lang, sana ay hindi ko na binigay sa'yo."
"It's okay with me. Don't worry about it."
Bumuntong-hininga ako at tumango. Nanatili ang kamay ko sa braso niya habang pasulyap-sulyap ko pa rin siyang tinitignan. He looks unbothered about it but I feel guilty. Mukha pa ngang masaya ang hitsura niya ngayon.
"Sana hindi mo na lang isinuot ngayon. Hindi mo naman 'yan suot kahapon." Mahina kong sabi.
"Hindi ko isinuot kahapon dahil pinagagaling ko pa ang palapulsuhan ko. Suot ko ito noong na sa Maynila ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/254048185-288-k791633.jpg)
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Novela JuvenilLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...