Special Chapter

16.9K 516 304
                                    

Note: I do not usually write special chapters for my works, but many of you requested one for this story. So, here is your special chapter for Agatha and Spencer! This is also a little thank you gift to those who supported this story.

P.S. Spencer's birthday is on July 6 so I am late. We did celebrate it on Twitter, though! Enjoy reading!


Last A Lifetime – Special Chapter

I loosen my neck tie up to breathe properly and calm myself. Hinilot ko ang sentido ko at patuloy na binasa ang nakalagay sa papel. Mayroon pa ring proyektong hindi natatapos ang kompaniya. I need the reports. Lalo na't sensitibo ang pagmimina na siyang negosyo.

Bumuntong-hininga ako at isinara ang folder na hawak. Bahagya akong sumandal sa swivel chair at inilibot ang paningin sa loob ng opisina. The view was good but it didn't made my mood better. Alanganin akong bumaling sa laptop. Gusto ko sanang tignan ang sitwasyon ng marketing sa Maynila nang tumunog ang cellphone ko.

I frowned and glanced at it. Napaayos ako ng upo nang makita kung sino ang tumatawag. Isinara ko ang laptop kasabay ng pamumuo ng ngiti ko. I immediately answered the call.

"Hi.."

Kinagat ko ang ibaba ng labi ko. Parang nanindig ang balahibo ko sa malambing niyang boses. Ang kaninang pagka-irita ko ay nawala. Huminga ako nang malalim at kampanteng sumandal.

"Why did my wife call?"

"Wala lang.." sagot niya. "Anong ginagawa mo?"

"Just scanning some papers. I went to the mining area earlier with Zach. Kababalik ko lang ngayon."

Sandali siyang natahimik sa kabilang linya. I even heard background noises. Agatha seemed like she's in the kitchen. I frowned. Isn't she in school? Bakit may ibang mga tunog?

"Iyon ang mga ginawa mo?"

"Yes. Why?"

"Anong oras ka uuwi?"  tanong niya.

I sighed. Ngayon pa nga lang ay gusto ko nang umuwi. I want to be with her but she's at work. Noon kapag pumupunta ako sa school habang nagtuturo siya ay na sa labas lamang ako at naghihintay. She doesn't want that.

"Gusto mo bang umuwi na ako ngayon?"

"May trabaho ka pa, e. Tapusin mo muna."

"Do you want me to come home now? Bukas ko na lang gagawin ito." ani ko.

"Shh! Work hard, Spencer. I'll see you later."

I chuckled and squinted my eyes. Pina-ikot ko ang swivel chair at pinigilan ang matawa pa lalo. There's some noises in the background. I know she's doing something. At mukha ngang wala siya sa school ngayon. Is this for my day?

"You're not planning something, are you?" I teased.

"Wala, ah? Ano namang gagawin ko?"

I laughed. Halata sa malambing niyang boses ang hindi pagsasabi ng totoo. Natutok ang mga mata ko sa picture frame sa lamesa ko. It was us at the plantation. Nakakaloko akong ngumiti at bumuntong-hininga.

"I might be busy later. Baka hindi na ako makauwi."

"Huh?" she sounded confused.

"An email just arrived. There's an urgent meeting tonight. Paano kapag hindi na ako umuwi?"

A playful smile was plastered on my lips. Gusto kong matawa sa pagsisinungaling ko ngunit pinigil ko dahil malalaman niya. Natahimik siya sa kabilang linya na ikina-angat ng kilay ko.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon