Kabanata 38

8.4K 260 80
                                    

38 – Battle

I was left alone in the room after he walked out. Pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko matapos niyang sabihin iyon lahat sa akin. I didn't know what to say or do. Not until Spencer came into the room and sat beside me to hold my hand.

Lalo akong naiyak at hindi napigilan ang mga luha ko. Humagulgol ako sa lalong paghigpit ng hawak niya sa akin. He hushed me and hugged me. Kahit na nanghihina ay pilit ko siyang hinila para lalong lumapit. I don't think I can do this anymore. Am I strong enough to handle this for the last time?

Kakayanin ko bang harapin ang huling beses na ipipikit ko ang mga mata ko kahit na walang kasiguraduhan ang pagdilat ko? Kaya ko bang panoorin ang unti-unting paglabo ng lahat habang palayo sila nang palayo sa paningin ko? Kaya ko bang ulit maniwala sa paulit-ulit na pagkakataon? Kakayanin ko ba ulit na kumapit?

Spencer continued hugging me until my tears dried up. Kung lalaban ako ay wala na rin namang mawawala sa akin. I am pale and weak. Kung ito na ang huling beses, hindi na dapat ako magdalawang isip na sumubok. Wala naman nang mawawala sa akin. Binitiwan ko na ang lahat ng mayroon ako at mayroon pa akong pagkakataon para ipaglaban ang buhay ko. Lumabas man ako na walang buhay mula sa operating room na iyon, masasabi ko pa ring lumaban ako hanggang sa huling sandali.

"Hi, baby.."

Ngumiti ako sa nakangiting si Andrew habang karga ang anak nila ni Monique. Sofia was wide awake. Gumagalaw ang mga braso niya habang sinusubukang ilapit sa akin.

"Kumusta ka na?" Tanong ko.

I giggled when she smiled. Pumikit-pikit siya at tumama ang kamay sa mukha. She looks cute and peaceful. Parehas sila ng kapayapaan sa mukha ni Monique sa ICU.

"Ang cute mo naman. Kamukha mo ang mommy mo.." pansin ko. "Parehas kayong morena, oh. Mahaba rin ang pilik-mata mo gaya ng kaniya."

Bahagya kong iniangat ang braso ko para subukan siyang kargahin. My bed was reclined so I was sitting down partially. Kahit nanghihina ay kaya ko naman siyang kargahin. My eyes watered when I finally held her into my arms.

"Sofia, mapupunta sa akin ang puso ng mommy mo. A-ayos lang ba iyon sa'yo?"

Andrew cleared his throat and sat down on the side of the bed. Natuon kay Sofia ang mga mata niya habang nalulungkot na ngumiti. I forced myself to smile and gently touched her cheek. Muli siyang ngumiti kasabay ng pag-ayos ko ng telang nakatabon sa kaniya.

"Ang sabi ng mga doktor, hindi na gigising si Monique. Kaya naman tutulungan niya na lang kaming mabuhay."

She produced a sound. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa kaniya. She looks happy and giddy. Hindi siya umiiyak dahil hindi na daddy niya ang may karga sa kaniya. I pursed my lips and sniffed.

"Magagalit ka ba sa akin kung iyon nga ang gagawin ko?" Naluluha kong tanong. "Pag l-lumaki ka na, kamumuhian mo ba ako dahil napunta sa akin ang puso niya?"

A lone tear fell from my eye. Lalaki ang batang ito na gaya ko, walang ina. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, kaya ko ring tumayo bilang ina niya. Hindi man kami araw-araw na magkasama, kaya ko ring maging ina.

"Sana hindi.. Sana maintindihan mo." Bulong ko.

Andrew nodded at me and wiped Sofia's lips. Napabaling ako sa pintuan nang mayroong pumasok ng kuwarto. Spencer was pushing a wheelchair. Ngumiti siya sa akin at inilapit iyon sa tabi ng kama ko. Marahan kong hinalikan ang noo ni Sofia bago ibigay sa daddy niya.

"They're waiting.." Spencer said.

I nodded at him. "Okay."

Andrew stood up with the baby and walked out of my room. Ngumiti ako kay Spencer habang tinutulungan niya akong isakay sa wheelchair. Bahagya niya pang ibinaba ang hospital gown ko nang umangat iyon. He fixed my nasal cannula and gently kissed my forehead.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon