21 – Never
Hindi ko alam ang iisipin ng hapong iyon. Matapos niyang umalis ay lumutang na naman ang isip ko sa kuryosidad kung bakit ba ayaw niyang sabihin ang mga salitang iyon sa akin. Madali lang namang bitiwan iyon. Madali lang sabihin. Bakit ayaw niyang gawin? Gusto niya ba ako?
Hindi naman niya ako puwedeng magustuhan. Ang alam ko ay ayaw niya sa conservative? At siguradong marami namang nagkakagusto sa kaniya sa Maynila. Inaamin kong guwapo ang lalaking iyon kaya imposibleng wala. Tumatakas lang naman siya sa gulo kaya siya narito.
Bumuga ako ng marahas na hininga. Matapos ang oras ng trabaho ay dumating na si Carla para tulungan akong magligpit ng kaonti. Ang magkapatid na si Myrtle at Hans naman ay pumupunta rito tuwing gabi dahil may alam naman sila tungkol sa sakit ko kahit papaano. Hindi ang buong detalye ngunit may alam sila.
I pursed my lips when I reached our house. Kumunot ang noo ko nang makitang bukas ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Tahimik sa loob ngunit rinig ko ang pagluluto ni lola. Nanliit ang mga mata ko nang may makitang itim na slippers sa labas. Teka, pamilyar ang slipper na ito sa akin, ah?
Marahan kong itinulak ang pinto upang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad ang lalaking si Spencer sa akin. He was sitting down the rattan chair, wearing his casual black shirt. Wala siyang cap at maayos ang buhok, pati na ang hikaw niya ay wala. Nang makita ako ay umusbong pa ang ngiti sa labi niya.
"A-anong?"
Bumaling ako kay lola na nagluluto sa kusina. She was busy. Muli akong tumingin kay Spencer na umangat-angat pa ang kilay sa akin na parang nang-aasar. Mabilis na umusbong ang kaba ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong.
"Narito ka na pala.." ani lola. "Pumunta rito ang manliligaw mo."
"K-kaibigan!" Pagtatama ko.
Ibinaba ko ang bag ko sa sofa, hindi pa rin iniaalis ang tingin ko sa kaniya. I know he's laughing at me on the inside. Pinipigilan niya lamang. Nakakatawa pa ba sa kaniya ang reaksiyon ko?
"Itinatanggi mo pa? Nag-usap na kami. Hindi ba, hijo?"
Ngumiti nang magiliw si lola kay Spencer na lalong ikinagulo ng utak ko. Maayos sila? Hindi siya galit? Talagang nagpakilala si Spencer at tinanggap naman ni lola?
He formally nodded. "Ah, opo.."
Sinapo ko ang noo ko at tahimik na umupo sa tabi ng inuupuan niya. Gulat pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko malaman kung paanong hindi siya natatakot at nanonood pa ng balita. Gaano na siya katagal dito? At bakit ba talagang ipinilit niya pang pumunta?
Hindi ko napigilan ang inis ko at kinurot ang braso niya. Ngumuso lang siya at tumingin sa akin, ni hindi man lang naapektuhan. Mabuti na lang busy si lola sa kusina.
"Anong ginawa mo?" Bulong ko.
"Ano sa tingin mo ang ginawa ko?"
I rolled my eyes at him. He chuckled silently and leaned his back on the chair. Hindi naalis ang tingin niya sa akin. Mukhang tuwang-tuwa pang narito na nga siya sa loob.
"Puwede ba, Spencer? Kahit ngayon lang, sumagot ka naman nang maayos!" Pabulong kong sigaw.
"You told me she wanted to meet me so I went here."
Bumalik ang tingin niya sa T.V. Palihim akong sumilip kay lola na hindi naman kami iniintindi. Nakuha niya ba ang loob ni lola? Nang ganoon kabilis? Ganoon kadali? Suplada ang lola ko kaya imposible iyon! Gaano katagal na ba siyang narito?
Hindi ako nakuntento sa sagot niya at hinila ang laylayan ng damit niya. He frowned but he didn't look at me. Nanatili ang tingin niya sa pinapanood na balita.

BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...