Kabanata 33

8K 255 120
                                    

33 – Selfish

Lola didn't come back that night. Ganoon na rin si Carla na sumunod sa kaniya. It was only me and Spencer. Nakaupo siya sa bangko sa tabi ng kama habang hawak ang kamay ko. He was leaning onto the bed, sleeping. Nang magising ako ay ganoon pa rin ang posisyon niya. He didn't let go of my hand and stayed throughout the night.

Habang pinagmamasdan siyang payapang natutulog ay hindi nawala sa isip ko ang pinag-usapan namin pati na ang sinabi ng doktor. Kahit na parang naubos na ang luha ko ay gusto ko na namang umiyak. Kung mawawala ba ako ay makakatulog pa rin siya nang payapa? Kung susuko ba ako at kakayanin niyang magpatuloy na parang hindi ako dumating sa buhay niya?

If I ever let go, will he do the same? Will he continue believing in the beauty of everything when I'm gone?

A lone tear fell from my eye as I stare at him sleeping soundly. He is fighting for me, so is my family. I don't want to disappoint. Kung kinakaya nila ay dapat kinakaya ko rin. Sana ay kayanin ko rin.

He was the only one in my room the next morning. Nang tumanghali ay si Carla ang pumalit sa pagbabantay sa akin ngunit hindi siya nagsalita at walang kahit na anong sinabi. She was just helping me silently. I felt uncomfortable but I don't want to bug her if she's not in the mood to talk.

Monique came to visit me after lunch. Nakangiti at tahimik na lumabas si Carla nang bisitahin niya ako. As usual, she was wearing her maternity dress. Ngayon ay nakaladlad na lang ang buhok niya. Mayroon siyang dala na libro at basket ng prutas.

We talked about the baby and her nearing due date. Ayon sa kaniya ay dinala na ng asawa niya ang lahat ng gamit nila ni baby rito sa ospital. She was laughing when she told that to me because her husband is overreacting about everything but I find it cute. Ganoon din si Spencer sa akin. Ang lahat ng bagay ay pinapansin.

Nang matapos niyang balatan at hatiin ang apple ay iniabot niya iyon sa akin. She reclined my bed so I can sit down. I thanked her as she bite the other half of the fruit. Ngumiti lamang siya at natahimik. Umangat ang kilay ko sa naging ekspresiyon niya.

She chuckled excitedly. Maging ako ay natawa at nahawa sa kaniya. Looks like she's about to spill something.

"I got myself registered to the organ donation program.."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. She shyly pursed her lips and inhaled deeply. I was taken back because of what she said. Tumingin siya sa akin nang nakangiti.

"Naisip ko na kapag dumating ang oras na mawawala na ako sa mundo, mas mabuting kahit sa huling sandali ay makatulong ako para madugtungan ang buhay ng iba."

Hindi ako nakapagsalita. Ang malambing niyang boses ang bumalot sa loob ng kuwarto. Pakiramdam ko ay maiiyak ako. I didn't expect this.

Ngumiti siya. "Makakatulong ako sa mga kagaya mo. Kapag namatay ako, sila naman ang mabubuhay."

I sniffed and nodded. Nag-init ang puso ko sa balitang sinabi niya. Gustong-gusto ko tuloy siyang yakapin ngayon. What she did is wonderful.

"Salamat, Monique.." maluha-luha kong sabi. "Ako rin. Kung sakaling magkaroon ng operasyon at mabubuhay pa ako nang matagal, ibibigay ko rin ang organs ko kapag namatay ako."

She nodded at me and smiled. Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang nakatanaw sa malaking bintana. She was sitting comfortably on the chair while eating apple. Hindi ko tuloy maialis ang tingin ko sa kaniya.

I want that too. Gusto kong makatulong sa mga kagaya ko. Gusto kong maranasan nila ang mabuhay nang normal. Kahit ngayon ko na gawin. Kung sakaling walang pusong dumating at sumuko ang katawan ko, gusto kong pakinabangan ng iba ang natitira sa akin para maipagpatuloy ang buhay nila.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon