Wakas

16.2K 478 419
                                    

Wakas

"Spencer, a girl is shouting outside. She's looking for you."

I shut my eyes and continued throwing the ball against the wall. I removed my earphones and glanced at the window. My stepmother kept on knocking but I didn't open it for her.

"She might had the wrong address." I coldly answered.

I put my earphones back and threw myself on the bed. Kumunot ang noo ko at lalong nainis nang hindi siya tumigil sa pagkatok. Ano naman kung mayroong babaeng nahahanap sa akin sa labas? Aalis din naman iyon kapag napagod.

"Bakit may naghahanap na naman sa'yong babae?" Tanong niya mula sa labas.

"Hindi ko alam, tita. Baka nagkamali lang."

I tsked and closed my eyes. Kahit anong gawin ng babaeng iyon at hindi ako lalabas para kausapin siya. What does she want? Ibinigay ko na ang gusto niya at tinagalan ko siya nang isang linggo. Don't tell me she wants more from me?

I was grumpy when I woke up the next day. I hated going to school and study. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang mag-aral. Mabuti na lang at maraming babae ro'n. Kahit papaano ay nawiwili ako.

"Hey, bro!"

Isang lalaki ang umakbay sa akin. Tinanggal ko ang nakasalpak na earphone sa tainga ko at tinignan kung sino iyon. It was Mike. Tumatawa pa ang loko habang pinagmamasdan ang mga pulang lobo sa hallway. Valentines day sucks. Bakit ba naimbento pa ang mga ganito? Love don't last anyway.

"Have you checked your locker?"

Umiling ako. "Not yet. I'd check it now. Why?"

He cackled and left me to check the new girl. Kung marami na naman ang mga letra sa loob ng locker ko ay hindi na ako magugulat. I am used to this. Ni hindi ko naman kilala ang karamihan dito.

Napa-iling ako nang bumalandra ang tambak na sulat sa locker ko. Ang unang napansin ko ay ang isang pula at puno ng glitters na envelope. I frowned and checked the name. Ang tapang naman ng babaeng ito na ilagay ang pangalan niya sa love letter.

Amethyst Dizon? Who is this? Parang wala naman akong kilala o naririnig na ganitong pangalan.

I rolled my eyes and collected all of it. Nang makuha ko ang lahat ay itinapon ko iyon sa bin. I don't like reading love letters. They're cheesy and useless. Ang mga nakakitang kaibigan ko ay tinawanan lang ang ginawa ko. Pabiro kong sinuntok ang isa sa kanila bago luminga sa babaeng dumaan.

Her hair was curly and her skin was tan. Mas maiksi ang suot niyang palda kaysa sa ibang estudyanteng babae. She's with her friends, laughing with them. Her makeup was well done, especially her eyebrows and lashes.

"Nikki!" I called.

She immediately turned to me. "Yes, Spencer?"

The side of my lips rose to her response. Nagpatuloy sa pang-aasar ang mga kaibigan kong nanonood sa ginagawa ko.

"You free tonight?"

She chuckled seductively and walked towards me. Isinabit niya ang shoulder bag sa braso saka pinadulas ang daliri niya sa braso ko.

"Why? Will you take me out on a date?"

Nanliit ang mga mata ko. "You know I don't do dates."

She rolled her eyes and flipped her hair. Naririnig ko pa rin ang kantiyaw ng mga kaibigan ko. If she doesn't want it, then it's fine. I can always find someone else.

"Your place?" She asked.

"Yeah. I'll wait for you."

Nang talikuran niya ako ay naghiyawan ang tropa. Natawa na rin ako at pinatahimik silang lahat bago umalis. They act like they don't do this. Akala mo kung sinong mga santo na walang kababalaghang ginagawa. Wala naman silang maloloko rito.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon