14 – Live
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa sinabi niya. Pilit kong pinigilan ang sarili kong ngumiti sa kadahilanang hindi ko alam kung dapat bang gawin ko iyon. Dapat bang maging masaya na para sa akin ang mga bulaklak na iyon? At bakit ako magiging masaya? Gusto ko ba siya?
Sa huli ay hindi ko rin naman napigilan ang sarili ko lalo na nang tumalikod siya at naglakad palayo. Pakiramdam ko ay ayoko nang umalis ng plantasyon. Kinagat ko ang labi ko saka yumuko. I closed my eyes tightly and tried to calm my heart.
Para sa akin ang bulaklak! Ang mga iniiwan at ipinapagawa niyang bouquet ay para sa akin! Akala ko ba ay wala siyang pagbibigyan at random lang? Para sa akin naman pala iyon.
Nakangiti akong naglakad pabalik ng shop. Marahan lamang ang bawat lakad ko habang dinadama ang pakiramdam na parang lumulutang ako. I giggled and held my burning cheeks. He gave me flowers!
Nang makarating sa shop ay isinara ko agad ang pinto. Masaya kong tinignan sina Hope at Faith. Binigyan niya ako ng bulaklak! Pati na teddy bears!
Hindi ko alam kung bakit ngunit parang gusto kong tumalon sa tuwa. Pilit kong iniayos ang sarili ko sa salamin bago buksan ang shop. Maputla ang labi ko ngunit namumula naman ang pisngi ko. Lalo lang akong namula nang balingan ko ang dalawang bouquet na iniwan niya pa noong nakaraan. Kung alam ko lang na para sa akin ang mga ito, sana naalagaan ko nang maayos at inilagay sa vase.
I inhaled deeply and smiled. Masaya kong ibinaligtad ang signage sa labas at pumuwesto na sa counter. Ang anim na pumasok ay magiliw kong pinagsilbihan, mas maayos kumpara noong mga nakaraan. Hindi nawala ang ngiti ko at halos hindi na rin lubayan ng tingin ko ang bouquets kahit nalalanta na.
Spencer really gave me flowers. He took me to the amusement park and won teddy bears for me. What does that supposed to mean? Wala akong kahit akong experience sa ganitong bagay kaya naman paano ko malalaman kung anong ibig sabihin nito? Does he like me? O gusto niya lang na makipag-kaibigan sa akin? Iyon ba ang ibig sabihin no'n?
Kahit na nalilito, hindi pa rin inialis no'n ang saya ko. Nang dumating ang oras ng tanghalian ay muli kong ibinaligtad ang signage sa pinto upang wala munang pumasok. Kung walang lakad si Carla, sasabay iyon sa akin.
Yumuko ako sa drawer upang kunin na ang lunch ko. I smiled when the bell chimed. Mabuti na lang at sasabay na si Carla sa akin ngayon.
"Wala kang lakad ngayon, huh?"
Hindi niya ako sinagot. Hinawi ko ang buhok ko saka pinuno ng tubig ang baso. Ipinatong ko iyon sa counter nang hindi tumatayo. Nang maisalin sa plato ang kanin at ulam ay saka na ako tumayo para ipatong din iyon.
Parang nagkarera ang puso ko nang makita kung ano nang nakapatong sa counters. There were blue Tulips and Baby's Breath. Nang tignan ko ang lalaking nakasandal sa wooden post ay umiwas iyon ng tingin.
Isinuot niya ang pareho niyang kamay sa bulsa at sandali akong binalingan bago muling umiwas. Parang nahigit ko ang hininga ko nang ayusin niya ang buhok niya gamit ang kamay. Kinakabahan akong tumingin sa mga bulaklak.
"Iiwan mo ba ulit ang mga iyan?"
He glanced at me. "Bakit mo itinatanong?"
"Kung iiwan mo lang din, huwag mo nang ipagawa.."
Pilit kong tinatagan ang loob ko upang huwag manginig ang boses ko. Mabilis kong niyakap ang mga bulaklak at kinakabahang napalunok. I forced myself to act casual as possible. Pero, sa hitsura niya ay parang nanginginig ang tuhod ko.
Pilit akong ngumiti. "Akin na 'to. Salamat sa bulaklak."
"Nice.." he smirked. "See you later."
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...