15 – Favorite
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang lumabas ako ng ospital. She said I will live the life I've always wanted when we get a new heart. Kapag nangyari iyon, ang lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa ay magagawa ko na. At iyon ang gusto ko. Iyon ang pangarap ko.
I closed my eyes and inhaled deeply. Naghihintay na roon ang inarkila ni lola na tricycle para ihatid at sunduin ako. Hindi siya sumama sa akin ngayon dahil mayroon siyang kailangang asikasuhing malaking kliyente. Mabuti na rin iyon dahil ayokong marinig niya ang mga posibleng mangyari sa akin.
Alam kong masama ang mag-isip ng negatibo, ngunit hindi ko talaga iyon mapigilan. Pilit na sumisiksik sa isip ko ang mga katotohanang ayaw sabihin ng doktor. Na maaaring hindi magtagumpay ang operasyon, o maaaring hindi na umabot ang puso na iyon.
All I need to do is to protect my heart. To keep it alive and beating until we find a new one. At kapag nangyari ang lahat ayon sa plano, mababawi ko na ang lahat ng nawala sa akin.
Bahala na ang Diyos. Kung para sa akin ang buhay, magiging masaya ako. Kung hindi, magpapasalamat pa rin ako sa sandaling panahong nahiram ko ito. Hindi ako magagalit o magtatanim ng sama ng loob. Dahil alam kong naranasan ko ang magmahal at mahalin.
Nagpasalamat ako sa driver ng tricycle na naghatid sa akin sa shop. Sarado iyon at mukhang umalis na si Hans para pumasok sa sarili niyang trabaho. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang pinto. Parang bahay ko na rin ito at minahal ko na rin ang pagtatrabaho. Sino na lang ang magbabantay kung mawawala ako?
I smiled and opened the door. There's nothing to be sad about. I should focus more on the positive side. Mas magiging madali ang buhay ko kung mananatili lamang akong masaya at puno ng pag-asa.
Mabilis na lumipas ang hapon na iyon. Wala naman akong naramdamang kahit anong masakit o hirap sa paghinga. Nadaluhan ko ang mga costumer nang walang iniinda. Mabuti na rin dahil sa tuwing tinitignan ko si Hope at Faith ay natutuwa ang puso ko. Sayang lamang at lanta na ang mga bouquet. Kung makakakuha pa ako ay sisiguraduhin kong ilagay na iyon sa vase.
Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili nang dumating ang oras ng pagsasara. Dumadaan naman si Hans dito tuwing gabi para magligpit kaya hindi ko na ginagawa iyon. Sarili ko na lang ang inaasikaso ko.
Nakaupo naman ako maghapon ngunit pakiramdam ko ay pagod na ako ngayon. I sighed when I opened the door. Napatigil nga lang ako nang makita ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa baitang ng hagdan.
Still, he was wearing his signature black shirt and cap. Ang hikaw niya ay kitang-kita ko sa anggulo ng mukha niya habang nakatagilid. He was playing his car keys with his fingers.
"A-anong ginagawa mo rito?"
He immediately glanced at me. Parang nahigit ko ang hininga ko nang tignan niya ako nang diretso. Marahan kong ini-lock ang pinto at humakbang patungo sa kaniya.
He looked away. "Napadaan lang ako."
Parang nadismaya ako sa sagot niya. Tumango na lamang ako. Napadaan lang? Bakit parang mayroon naman siyang hinihintay?
"Ah.. Sige, uuwi na ako."
Pilit akong ngumiti at humawak sa poste upang bumaba. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso ko kahit na tumalikod at lumayo na ako sa kaniya. Papalubog na ang araw at kailangan ko nang umuwi. Pupuntahan ko na lang si Carla dahil hindi niya pa ako dinadaanan.
"Hey, Agatha!"
Napalingon ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Wala na siya sa hagdan ngunit malayo pa rin sa akin. Para akong nakaramdam ng kiliti nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...