Kabanata 12

8K 227 17
                                    

12 – Escape

Mabigat ang pakiramdam ko nang umalis na si Carla. Sa buong hapon ay wala akong ibang inisip kung hindi ang sinabi niya sa akin. Ang iba ang mayroong ganoong klaseng pagmamahal. Na kakaibang inspirasyon at pag-asa ang naidudulot no'n.

Sino bang nagsabing hindi ko gustong maranasan iyon? Kung wala lang ang sakit ko, matagal ko nang pinagbigyan ang sarili kong magmahal. Pero dahil sa kalagayan ko, pinipigilan ko ang lahat. Dahil hindi ko kailangan ng dagdag na taong iiwan. Hindi ko kailangang mas lalong masaktan at matakot na baka isang araw ay bigla ko na lamang siyang bitiwan.

Ayokong makasakit. Hangga't maaari ay ayokong magmahal. Ayokong may maiwan at ayokong umalis. Pero kung ang mawala sa mundo ang tadhana ko, tinatanggap ko iyon. At tatanggapin ko iyon nang paulit-ulit kung iyon ang isinisigaw ng mahina kong puso.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para tumungo ng shop. Suot ko ang pula kong cardigan at puting pantalon habang sukbit ang maliit kong sling bag. I forced a smile when I faced the mirror. Nilagyan ko ng tint ang labi ko at sinuklay ang tuwid kong buhok na hanggang balikat na.

Si lola ay nauna na sa patahian. Nang makababa sa tricycle ay ipinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin. Ang ganda ng araw, ang sayang mabuhay.

Tumawid ako sa lupang daanan para buksan na ang shop. Kumunot ang noo ko nang pihitin ko ang door knob. Bukas na iyon pati na ang mga bintana. I opened it and saw Hans sitting beside the counter.

"Hans? Bakit narito ka?"

Muli kong ibinalik ang susi sa sling bag ko. Marahan niyang iniangat ang kapeng iniinom saka sumagot.

"Wala akong trabaho ngayon. Pahinga kaya narito ako."

"Ah.." I nodded. "Ikaw pa pala ang nagbukas nito. Nakakahiya, trabaho ko iyon."

I pursed my lips and gently touched the red roses. Ngumiti ako kay Hans at napansin ang pag-iiba ng puwesto ng mga teddy bear ko. Ginalaw niya ba ang mga 'yon?

"No, I don't mind. This is your free day, Agatha. Binibigyan kita ng extra day off."

Agad na bumalik ang nga mata ko sa kaniya. "Talaga?"

Mahina siyang tumawa saka sumimsim sa kape niya. He inhaled deeply and comfortably sat on my chair. Tumango siya.

"Ako nang bahala rito. Pahinga mo ngayong araw."

I happily nodded. "Okay. Salamat, Hans!"

"Enjoy your day. Ingat sa labas."

Akmang tatalikod na ako nang maalala ko si Hope at Faith. Muli kong tinignan ang mga iyon. Na sa tabi pa rin naman sila ng vase ngunit parang mahuhulog na yata si Hope.

"Hans?"

He frowned. "Ano 'yon?"

"Huwag mo sanang alisin ang mga teddy bear ko, ah?"

He smiled and looked at them. Hinawakan niya iyon at inayos ang pagkakalagay sa tabi. Tumango siya saka inayos pa ang ribbon sa leeg no'n.

"Sabi ko na nga ba at iyo ang mga 'to.." aniya. "Sige, dito lang sila."

I giggled and waved my hand goodbye. Nang makalabas ako ng shop ay malawak ang ngiti ko. I am free today. Kung pumunta kaya ako sa amusement park? Pero, siguradong hindi pa bukas iyon. Kung sa plantasyon na lang?

I sighed and decided to go to Carla's shop. Naglakad lamang ako dahil malapit lang naman iyon. Bukas na agad ang shop at mayroon nang costumer na lumabas dala ang isang bouquet.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon