Kabanata 17

7.2K 219 28
                                    

17 - Good

Bago ko buksan ang shop ay inilagay ko muna ang bagong mga bulaklak sa clear na vase. Kumuha ako ng foam mula sa likod ng shop at itinusok doon ang mga bulaklak. Inayos ko ang mga iyon sa pinakamagandang kaya ko. I smiled and stared at them. Binigyan na naman niya ako ng bulaklak. Paano kung pumunta rito si Eunice at kulitin ako tungkol dito?

I sighed and forced myself not to think about it. Pumangalumbaba ako sa mga bulaklak bago tuluyang binuksan ang shop para sa mga customers. Itinali ko ang apron sa aking baywang at sinuklay ang buhok ko sa harap ng salamin. Sa tuwing napapatingin ako sa mga bulaklak ay bumabalik ang ngiti ko. Mahilig ako sa bulaklak pero hindi gaya ng ganito. Ano kayang problema ko at sayang-saya na ako sa mga bulaklak ngayon?

Naging maayos ang takbo ng umaga. Kahit na naging masaya naman ako ay hindi nawala sa isip ko si lola. Alam kong galit pa rin siya sa nakita niyang paghatid sa akin ni Spencer. Klaro sa akin na ayaw niya akong magkaroon ng nobyo pero wala naman kaming relasyon. She was really offended last night. Noon lamang ako sumagot sa kaniya sa buong buhay ko.

Alam kong tama ang sinabi ko. Hindi dahil ipinanalangin niya ay matutupad na. Hindi lahat ng dasal ay pinahihintulutan ng Diyos. Siya pa rin ang masusunod kahit na ano ang mangyari. Hindi dapat maging matigas si lola. Kung talagang nagtitiwala siya, bakit hindi niya hayaan ang problemang ito at tanggapin nang buong puso kung ano man ang maging resulta?

Hindi pupuwedeng pangunahan ng kahit sino ang Diyos. Iba ang pagtitiwala sa pagpupumilit. Kung ano man ang mangyari, wala na kaming kontrol doon.

I exhaled deeply and waited for some costumers. Nang mayroong dumating ay masaya ko silang dinaluhan. Iba't iba ang request kaya naman bawat bouquet at pinag-isipan ko talaga kung paanong disenyo ang gagawin ko. Nitong mga nakaraang araw ay napagtanto kong dapat ay mas galingan ko pa sa trabaho. I should do my best. Ang mga bouquet na gagawin ko ay deklarasyon ng isang tao sa pagmamahal niya. Dapat talagang pinakamaganda iyon.

"May bagong mga bulaklak na naman?"

Napangiti ako sa tanong ni Carla nang pumasok siya sa shop. Binaligtad na niya ang signage sa labas at umupo na. She placed our foods on the counter before washing her hands. Mabuti na lang at nagdala nga siya ng para sa akin.

"Nagdadala ng bulaklak dito si Hans, pero sa akin ay hindi?"

Ngumuso ako. "Marami namang bulaklak sa shop mo. Kumuha ka at maglagay ka sa vase."

"Ayoko, gusto ko ay ibibigay mismo sa akin!" Reklamo niya.

Mahina akong natawa at pumikit na para magdasal. Sandaling tumahimik si Carla saka sumabay sa akin. I smiled at her as she prepared our food. Tumayo ako at umalis sa counter.

"Kukuha lang ako ng panibagong baso." Ani ko.

Tumango siya at isinalin na ang ulam sa mangkok. Tumalikod ako at naghanap ng baso sa cabinet. Ang alam ko ay mayroong iniwan si Hans dito para magamit ko. Nasaan na kaya iyon?

"Agatha?"

"Hmm?"

Kumunot ang noo ko nang marinig na parang mayroong kinakalikot si Carla ro'n. Nagpatuloy ako sa paghahanap at tumungtong sa maliit na bangko upang abutin iyon.

"Ano itong mga note sa likod?" Tanong niya.

Lalo akong naguluhan. Nang makuha ang baso ay bumaba na ako at isinara ang cabinet. I turned to her and my eyes immediately widened. Naroon siya sa likod ng vase at hawak ang dalawang sticky note sa magkabilang kamay. Pinanliitan niya ako ng mata at idinikit muli iyon.

"Kay Spencer ito galing." Sigurado niyang sabi.

I swallowed hard. "C-carla."

"Kay Papa Spencer ito galing at wala ka man lang sinabi sa akin?" She hysterically asked. "Grabe ka naman! Walang tiwala, Agatha?'

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon