Kabanata 18

6.6K 202 33
                                    

18 - Leave

I was feeling cold when we reached home. Madilim na at alam kong late na ang ganitong uwi. Inaasahan ko na rin na narito na si lola. Sana lamang ay hindi siya magalit dahil ngayon lang ako. Masyadong mabilis na lumipas ang oras, hindi ko na napansin pa. Isang oras lang naman iyon pero madilim na ngayon at kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya.

Spencer stopped the car in front of our house. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumamig ang atmospera matapos naming pag-usapan ang pag-uwi niya. Siguro ay dahil alam kong mayroong problema at ayoko nang magtanong at makigulo pa. Wala naman ako sa posisyon para gawin iyon.

I silently smiled at him as he handed me my bag. Akmang dadalhin ko ang teddy bear nang mapabaling sa bintana. Lola was standing there, waiting for me. Kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa kotse. Kinakabahan akong tumingin kay Spencer at inilapag sa hita niya ang bear.

"Iwan mo na lang sa shop."

Tinanggap naman niya iyon. Lalo akong kinabahan nang buksan ko ang pinto. Nanlalamig ako nang iniapak ang paa ko sa lupa palabas ng kotse.

I looked at Spencer. "Si lola.."

Sandali niyang sinilip ang bintana at tumango sa akin. Inilapag niya ang bear sa backseat at binuksan ang pinto niya.

"Don't worry, I'll talk to her."

Umiling ako agad. "Huwag, Spencer. Ako na lang."

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi niya ako pakinggan. Dire-diretso siyang lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Iniharang niya pa ang palad niya sa itaas na bahagi ng pintuan para protektahan ang ulo ko.

"Spencer!" Pahiyaw kong bulong.

Hindi niya ako muling pinansin. Parang gusto ko na lamang tumakbo nang makita ko ang naging reaksiyon ni lola sa pagbubukas niya sa akin ng pinto. Nanliit ang mga mata niya habang mabagal na naglalakad patungo sa amin para sumalubong. Mayroon pa siyang balabal dahil malamig na. Nauna sa akin si Spencer habang na sa bandang gilid niya naman ako.

"Lola.."

Iniabot ko ang kamay niya at nagmano. Seryoso ang kaniyang mukha at halata ang pagkadisgustong mayroon akong kasamang lalaki sa ganitong oras.

"Saan ka galing?" Malamig niyang tanong.

Pilit akong ngumiti at sandaling bumaling kay Spencer. Madilim ang tingin ni lola ngunit akmang sasagot na ako nang bigla siyang magsalita.

He bowed a little. "We went to the amusement park, ma'am. I apologize I brought her home late."

"Makakaalis ka na."

My lips parted and tried to hold her hand to calm her down. Spencer cleared his throat and simply smiled at me. Ang tingin ni lola ay na sa akin lamang. Para bang ayaw niyang dapuan ng tingin ang kasama kong lalaki.

"She didn't really want to come with me. Kinulit ko lang po siyang sumama. Pasensya na, hindi ninyo kailangang magalit sa kaniya."

"Agatha, pumasok na tayo."

Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako papasok. Wala na akong nagawa kung hindi pilit na ngumiti na lang kay Spencer. He exhaled deeply as I finally turned my back to him. Wala na rin naman siyang magagawa kahit na magprotesta pa siya. Si lola pa rin ang masusunod.

Marahas niya akong binitiwan nang makapasok sa bahay. Isinara niya ang pinto at galit na tumingin sa akin. She removed her eye glasses and crossed her arms. Halos hindi ako makatingin sa kaniya sa kaba.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon