Kabanata 8

8.9K 291 73
                                    

08 – Hope

Naging maganda ang gising ko kinabukasan. Wala akong naramdamang kahit anong paninikip ng dibdib kahit na medyo napagod ako nang gabing iyon. Ngumiti ako nang maalala ang mga ginawa ko. Sayang nga lang at natapos agad ang oras na iyon. Gusto ko pa ulit bumalik.

Wala na si lola kinabukasan at tumungo na ng patahian. Nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko kung saan ako nanggaling kagabi pero hindi ko naman magawang sabihin dahil alam kong magagalit siya. Gusto kong maulit ang pagsasaya ko. Ayokong manatili na lamang sa ganitong sitwasyon.

Bumangon ako na mayroong ngiti sa labi. I looked around the house and squinted my eyes when the ray of light from the sun hit me. Tuluyan akong tumayo para lumuhod sa gilid ng kama. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko saka pumikit.

I need to pray and talk to God. I need to ask for forgiveness. At kahit alam kong alam na Niya, gusto kong ipaliwanag ang nararamdaman ko. I know I will lie again. Magsisinungaling ulit ako para magsaya at lumabas. Alam kong mali pero gusto ko lang namang maranasan ang buhay. Gusto ko lang maging malaya.

"Magandang umaga po.."

Ngumiti ako sa matandang lalaking pumasok ng shop. Puti na ang kaniyang buhok ay mayroong suot na jacket. Dahan-dahan lamang siya kung maglakad at mayroong hawak na tungkod.

"Magandang umaga, hija. Bouquet para sa asawa ko.." aniya. "Ayos lang ba kung ikaw na lang ang mamili? Wala akong alam sa magagandang kombinasyon, e."

"Ah, opo!" Sagot ko. "Sa totoo lang po ay ako naman talaga ang namimili at gumagawa. Pero, naisip kong papiliin din ang mga costumer."

Tumango siya saka luminga sa paligid. Dinaluhan ko siya at inalalayan para umupo muna. I started checking out some flowers. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mahagip ng paningin ko ang dilaw na teddy bear na nakatago sa likod ng mga Sunflower. I gulped hard and looked away. Spencer immediately entered my mind.

Nang makapili na ako ng mga bulaklak ay inilagay ko iyon sa counter para simulan nang gawin. Ginupit ko ang dulo ng mga iyon saka tumingin sa matanda.

"Ano pong okasyon, tay?"

"Limampung taon na ng pagsasama namin ng asawa ko."

"Talaga po?"

Tumango siya nang bumaling ako sa kaniya. He looked proud. Well, he should be! Sa ganitong panahon ay mahirap nang makahanap ng taong mananatili. Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal.

Mangha akong ngumiti. "Ang tatag niyo naman. Talaga pong mahal na mahal ninyo ang isa't isa, 'no?"

"Oo naman.." sagot niya saka tinignan ang ginagawa ko. "Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya iyan?"

"Syempre po, tay. Kahit ano naman sigurong ibigay niyo ay magugustuhan niya."

He smiled at me. Parang nanunubig pa ang mga mata niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin saka ipinagpatuloy ang bouquet.

"Sana ay kaya niya pang sabihin sa aking nagustuhan niya nga." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko na siya tinignan. Nang matapos ang bouquet ay tinalian ko iyon ng pulang ribbon. Dahan-dahang tumayo ang matanda saka pinagmasdan ang gawa ko. Inilapag niya ang kaniyang pambayad sa counter saka tahimik na tumalikod.

Kulang ang bayad niya ngunit tinaggap ko na. Ako na lang muna ang mag-aabono. Ayoko na siyang singilin dahil para naman iyon sa asawa niya at fifty years na sila. It is a huge achievement.

Natigilan siya sa paglalakad saka muling tumingin sa akin. Lalo akong naguluhan nang makitang basa nga ang mata niya.

"Ano pala ang sasakyan ko para makapunta ng sementeryo, hija?"

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon