19 – Destined
Nauna akong magising kay Carla kinabukasan. Doon na rin kami nag-almusal dahil mayroon pa namang natira sa dinala niyang mga tinapay kagabi. Maliwanag na nang bumangon ako. Mabuti na lang at may dala rin siyang damit na ipinahiram niya sa akin. Pati mainit na tubig ay mayroon dahil kagabi ay nagdala siya ng takure.
Nang matapos kumain ay dumiretso na siya sa kabilang shop. Iniwan niya rito ang mga gamit kung sakaling maisipan kong hindi muna umuwi ulit. Mabigat ang pakiramdam ko simula nang magising kaya naman sa tingin ko ay kailangan kong umuwi. Hindi puwedeng kami lang ni Carla, magiging pabigat na naman ako sa kaniya.
I opened the shop with a smile on my face. Kahit na mabigat pa rin ang pakiramdam ko ay pinilit kong huwag intindihin iyon at magtrabaho na lamang nang maayos ngayon. Namamaga pa rin ang paa at binti ko. Inuubo na rin ako dahil na rin yata sa lamig.
Sinuklay ko ang buhok ko at isinuot ang jacket. Naglagay rin ako ng tint upang takpan ang pagkaputla ko. Inilabas ko na rin ang mga gamit na kakailanganin ko upang hindi ako mapagod pa. Hindi na lamang ako tatayo ngayon para hindi lalong sumama ang pakiramdam ko.
Sa tuwing nakakaramdam ako ng kaonting pagkahilo ay agad akong tumitingala upang hindi tuluyang mahimatay. Nang dumating ang dalawang naunang costumer ay magiliw ko silang dinaluhan pareho. Kapag naman walang costumer ay sinasamantala ko iyon para yumuko at magpahinga.
Agad akong napabangon nang tumunog ang telepono. Maingat akong tumayo at hinila ang upuan ko palapit doon at umupo ulit. I cleared my throat and picked it up.
"Good day! Flor Amore Flowers."
"Hey.."
Umawang ang labi ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Parang nagwala ang mga paruparo sa sikmura ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.
"Spencer?"
He didn't answered and just chuckled at me. I bit my lower lip and leaned onto the counter to support myself. Kinabahan ako kaya naman sinapo ko ang dibdib ko.
"B-bakit napatawag ka?"
"I'm just checking you out."
His deep yet husky voice sent shivers down my spine. What does that mean? Nangungumusta ba o gusto lang akong makausap? At sa ano namang dahilan? Does he need something? Babalik pa kaya siya rito?
I sighed. "Akala ko ay ngayong araw ka pa lang uuwi."
"Yeah, sorry about that. Something came up, I needed to go home."
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman."
Pumikit ako at tumingala nang makaramdam na naman ng pagkahilo. I coughed and covered my mouth. Sandaling ingay ang narinig ko sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.
"Is there something wrong?"
"Huh?" I asked. "Wala naman. Maayos ako rito."
I didn't mean to lie. Kung alam niya lang ang sitwasyon ko ay sasabihin ko naman kung anong nangyayari sa akin ngayon. Pero, wala namang dahilan pa para banggitin ko ito. Hindi naman importante.
"Nagalit ba ang lola mo?" Tanong niya.
Umiling ako na parang nakikita niya ako. Malungkot akong yumuko at bumuntong-hininga. Yes, she was. She got so mad. Ni hindi ako makauwi dahil sa takot at konsensya.
"Hindi, Spencer. Sinabi ko naman na pumunta lang tayo sa amusement park." Pagsisinungaling ko.
Para siyang nakahinga nang maluwag. "I thought she got mad at you."
![](https://img.wattpad.com/cover/254048185-288-k791633.jpg)
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...