16 – Flirt
Maingat kong inilagay ang bawat bulaklak sa isang clear na vase. Ang ribbon na nakatali ro'n ay hindi ko itinapon at itinali lamang din sa maliit na bahagi. Pati ang sticky note ay idinikit ko ngunit sa bandang likod na upang hindi makita ng kahit sino.
Nakangiti akong nag-ayos ng buhok habang nakaharap sa salamin. Itinali ko ang kalahati no'n saka marahang sinuklay ang dulo. Ikinabit ko rin ang apron sa aking baywang bago muling binuksan ang pinto para ibaligtad ang signage.
Naging masigla ang umaga ko. Kahit na ang ilang costumer ay hindi maganda ang mood, hindi nasira no'n ang kasiyahan ko. May pabugso-bugsong pagsakit ng dibdib at hirap sa paghinga ngunit sandali lang naman iyon at hindi ko na inintindi pa. Pumipikit na lamang ako sa tuwing nangyayari iyon at nagdarasal na sana ay hindi muna ngayon. Na sana ay kung may pagkakataon, makuha ko ang bagong puso.
"Masaya ako."
Nakangiti kong inilapag ang lunch ko sa counter. Ngumuso si Carla at hinila ang bangko sa harap ko. Mabuti at makakasabay ulit siya sa akin ngayon.
"Talaga?"
I nodded. "Oo. Masaya ako ngayong araw."
Kumunot ang noo niya. Nagsimula siyang isalin ang ulam sa lalagyan at kumuha ng tubig mula sa galon. She pursed her lips and stared at me. Mukhang napansin niya yata ang pag-iiba ng awra ko.
"Puwedeng malaman ang rason kung bakit?"
I giggled. "Basta't masaya lang ako. Maganda ang mood ko."
Nagkibit-balikat na lamang siya at nagsimulang kumain. Mahina akong tumawa at nagdasal na. Nang dumilat ako kay nakita ko siyang mayroong tinitignan sa gilid. I frowned and looked at it.
"Ang ganda mga bulaklak sa vase na iyan, ah? Dinala ni Hans dito?" Tanong niya. "Hindi naman siya nagdala sa shop na binabantayan ko."
Umawang ang labi ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Hindi ko sinagot ang tanong niya at hindi na rin naman niya hinintay ang sagot ko. Pagak akong ngumiti at nagpatuloy na lang sa pagkain.
I was expecting her to ask more but she didn't. Nanatili lamang siyang tahimik na kumakain. I sighed and looked down. Pakiramdam ko sa hindi ko pagsasabi sa kaniya ay nagsisinungaling ako. Hindi ako sanay na naglilihim kay Carla. Lalo na sa ganitong mga bagay dahil alam niya ang lahat tungkol sa akin.
Nang matapos ay bumalik naman na siya sa sarili niyang shop. I felt so guilty when she left. Gusto ko siyang tawagin at sabihin ang nangyayari pero tuwing naiisip ko ang magiging reaksyon ay pang-aasar niya sa akin ay napapa-atras na lamang ako.
Pumangalumbaba ako matapos ligpitin ang mga gamit sa counter. I smiled when I looked at the vase again. Iniabot ko sina Hope at Faith at doon iyon inilagay sa tabi ng mga bulaklak na bago. All of these came from Spencer.
"Hey, boyfriend!"
Agad akong tumingin sa nagsalita. Lumawak ang ngiti ko nang makita ang pagpasok ni Eunice sa shop kasabay ng pagtunog ng pinto.
"Miss Eun! Narito ka na pala!"
She nodded and smiled. Umupo siya sa kaninang iniwan ni Carla at luminga sa loob. Bumuga siya ng malalim na hininga bago nagpunas ng noo. Kumunot ang noo ko nang mapansing mas lalong naging tan ang balat niya. Saan kaya siya galing?
"I just came back this morning. I'm exhausted!"
"Saan ka ba galing? Ang sabi ay nagtatago ka raw."
She frowned. "Sino namang nagsabi niyan?"
Nawala ang ngiti ko at napatigil. Kinagat ko ang labi ko at umiling na lang. Isa pa siya, ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya?
"Uhm.." I cleared my throat. "Saan ka galing?"
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Roman pour AdolescentsLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...