26 – Miss
I was crying myself to sleep that night. Hindi ako kumain o uminom man lang ng tubig. I didn't get out of bed when morning came. My eyes were swollen and my nose was runny. Makapal na jacket ang suot ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. My chest was hurting when I tried to move. Sa huli ay hindi ko na lamang pinilit.
I can hear lola cooking in the kitchen. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog na lang ulit. Masyado akong pagod para tumayo pa at kumilos. At isa pa, ayokong alalahanin ang nangyari kahapon.
Where is he by now? Did he leave? Did he come back to Manila? Naroon ba siya sa plantasyon? Sa golf course? Sa bahay ng mga pinsan niya? Nasaan siya ngayon?
I sadly smiled to myself. There's no use anymore. I asked him to leave. Wala nang magbabago ro'n at wala na siya ngayon gaya ng dapat na mangyari. I sent him away for the best.
"Wala ka nang ibang ginawa kung hindi magkulong dito. Hindi mo ba balak na pumunta sa isang gabi sa plantasyon?"
Malamig ang hangin nang isang umagang lumabas na ako. Inilabas ni nanay ang papag sa likod ng bahay namin para doon ako mahiga at makalanghap ng sariwang hangin. Maliwanag ang paligid, mabuti na lamang at malilim dahil sa ilalim ng puno ng Mangga kami nakasilong.
"Ano namang gagawin ko ro'n?"
Carla was knitting beside me. Inayos niya ang paldang suot saka ako nilingon. Sando pa ang suot niya, samantalang ako ay balot ng jacket at mayroon pang kumot.
"Birthday ni Mr. Aguilar. Lagi naman tayong naroon kasama nina Hans taon-taon." Sagot niya.
Tumango ako nang maalala ko iyon. Gabi gaganapin iyon at sa plantasyon ang venue gaya ng nakasanayan. Lagi kaming nakikisaya ro'n ngunit ayokong pumunta ngayon. Baka masaktan lang ako kapag nakita ko ulit ang plantasyon.
"Hindi ako pupunta."
She frowned. "Bakit? Dadalo si Lola Mercy."
She continued knitting while glancing at me. Umiling ako at itinuon ang pansin ko sa malayo. I sniffed and pressed my lips together.
"Naroon si Spencer, hindi ako pupunta."
Umiling siya. "Umalis na si Spencer. Bumalik na ng Maynila."
Agad akong napatingin sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti at hindi na ako tinignan. Nahigit ko ang hininga ko kasabay ng paghirap sa paglunok. I forced a smile and played with my fingers.
"K-kailan siya umalis?"
"Pagtapos ninyong mag-usap no'ng hapon. Umuwi rin siya ng Maynila nang magdilim.." sagot niya. "Iyon ang sabi ni Miss Eunice."
Umawang ang labi ko at napilitang tumango na lang. Para akong naluha ngunit hindi ko hinayaan ang sarili ko. This is what I want. This is what should happen.
I cleared my throat. "Nandiyan na pala si Eun."
"Oo. Umuwi rito para sa kaarawan ng papa niya."
Pilit ulit akong ngumiti at sumandal. Nang maramdamang kong nababasa ang gilid ng mata ko ay agad ko iyong pinunasan. I won't cry. I don't have the right to cry or to even feel sad. This is want I wanted. I asked him to leave.
"Pumunta na tayo, Agatha. Apat na araw ka nang nagkukulong dito, e. Saka personal na inimbita ni Mr. Aguilar si Lola Mercy."
She sat down the wooden bed and touched my arm gently. Nang masigurado kong wala na ang mga luhang pilit na tumutulo ay humarap na ako sa kaniya. She smiled at me and fixed my hair, trying to convince me.
![](https://img.wattpad.com/cover/254048185-288-k791633.jpg)
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...