Kabanata 22

7.6K 234 102
                                    

22 – Jealousy

Nang matapos kumain sa picnic na inihanda niya ay inayos na namin ang lahat ng iyon at inilagay sa loob ng picnic basket. Nauna siyang tumayo at hinawakan ang siko ko upang alalayan akong makatayo. Matapos iyon ay hinawakan niya naman ang dulo ng sleeve ko para tuluyan nang maglakad.

Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Ni hindi ko na nga alam kung saan ang tungo namin. Pamilyar lang sa akin ang parteng ito ng plantasyon ngunit ngayon pa lang ako nakarating dito. Wala na ang mga trabahador sa paligid at mukhang umuwi na. Tapos na yata ang pag-aani sa ibang halaman.

My lips parted when I saw a familiar gate. Kulay puti iyon at mayroong metal na hugis bulaklak sa tarangkahan. Agad akong natigilan nang mapagtanto kung saan niya ako dadalhin.

"Spencer.. Hindi ako puwede r'yan."

Hindi niya ako pinansin at ngumiti lang. This is the area of the Lily of the Valley! Bawal na ako rito dahil sa isang regulasyon galing sa mga Aguilar. Tanging mga nag-aalaga lang ang puwede rito.

"Hindi ako puwedeng pumasok.. Bawal ako, Spencer." Pigil ko.

"Shh! You're with me, okay?"

He looked at me intently before opening the gate. Napalunok ako sa kaba ngunit nangibabaw sa akin ang excitement. Pagbukas pa lamang ng gate ay marahan na niya agad akong hinila papasok.

Hindi ako agad nakapagsalita nang makita ko ang na sa likod ng malaking gate na iyon. Binitiwan ni Spencer ang sleeve ko at hinayaan akong lumibot sa loob.

"Ang ganda.."

The place was pure white and green. Puti ang maliliit na bulaklak habang matingkad na berde naman ang mga dahon no'n. Nagkalat iyon sa paligid kahit saan ako tumingin. My heart broke when I remembered my mother. This flower was on her bouquet when she married my father.

"B-bakit ang ganda-ganda nila?"

Marahan akong naglibot at nilapitan ang iba sa mga iyon. They look like bells. Natutuwa ako sa pagiging malinis ng bulaklak pati na sa kulay nito. I sniffed and pouted. Bakit parang naiiyak pa ako?

I wiped my eyes and looked around again. Mayroong isang maliit na kubo sa gilid at napapaligiran din iyon ng parehong bulaklak. They were everywhere. Malago sila at payapa kung titignan. Lalo lang gumanda ang lugar dahil sa papalubog na araw.

Spencer held my elbow and gently made me face him. Yumuko ako at pilit na pinunasan ang mga mata ko.

"Why are you crying?"

"Dahil ang ganda!" Sagot ko.

He chuckled and shook his head. Mahina ko siyang tinulak palayo at nagmasid ulit sa paligid. I feel overwhelmed. Bukod sa Baby's Breath ay paborito ko ito!

"Naiiyak ako sa ganda. Ang OA ko!"

Muli kong pinunasan ang mga mata ko. It looked truly magical. Spencer held my sleeve and we both walked to the bench. I sniffed again.

"Such a crybaby.."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nang makarating sa bench ay pinagpagan niya muna iyon bago ako hayaang umupo. Sa harap namin ay naroon ang pinakamalalagong bulaklak. Lalo ko tuloy naalala ang nanay ko.

"Don't cry. I didn't bring you here to make you cry."

He slid his hand into his pocket and took his handkerchief out. Marahan niya iyong idinampi sa pisngi ko para punasan ang luha ko. Para akong kinikiliti nang gawin niya iyon.

I smiled at him and looked down. Nang matapos ay muli niya iyong itinago. Ang basket kanina ay dala niya pa rin hanggang dito. Pati nga ang slig bag ko ay siya na ang may bitbit. I smiled again and glanced at him.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon