10 – Lies
"Lola.."
Kinagat ko ang labi ko saka kinakabahang lumapit sa kaniya. Suot niya ang kaniyang salamin habang mayroong tinatahi. Napalunok ako saka pinaglaruan ang mga daliri ko.
Kailangan kong magpaalam sa kaniya, alam ko iyon. Kailangan kong sabihin kung saan ako pupunta, sinong kasama ko, at ano ang gagawin ko.
"Magpapaalam po sana ako."
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa telang ginagawa. "Tungkol saan?"
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Kinakabahan ako at gusto ko nang umatras pero hindi ko naman iyon puwedeng gawin. Kailangan kong magpaalam.
"A-ah.." I stuttered. "Ano po.. Kasi, si Carla."
"Anong mayroon kay Carla?"
I forced a smile when she looked at me. Muli kong kinagat ang labi ko saka yumuko nang parang lalo siyang naguluhan sa akin.
Napakamot ako ng ulo. "Kasi, lola.."
"Apo, ano ba iyon?"
Pumikit ako nang mariin saka umiling. Nakangiti akong tumingin sa kaniya at itinuro ang tinatahi. Palihim kong kinurot ang hita ko.
"Wala po, lola.." sagot ko. "Ang ganda ng bestidang iyan."
Nakangiwi akong tumalikod sa kaniya. Tahimik kong kinuha ang maliit kong bag at saka isinukbit iyon sa balikat ko bago magpaalam. Tanghali pa ang punta ni lola sa patahian kaya naman medyo mahuhuli siya ng uwi mamayang gabi. At ako naman ngayon ang mauunang pumasok.
Bumuntong-hininga ako saka niyakap ang sarili ko gamit ang cardigan na suot ko. Naiinis akong naghintay ng tricycle para ihatid ako sa shop. Ni hindi rin ako nakapagpaalam! Ang sabi ko pa naman ay magsasabi na ako sa pagkakataong ito!
Sikat na ang araw nang dumating ako para buksan ang shop. Anim na costumer ang dumating para sa bulaklak. Habang ginagawa ang mga iyon ay lumulutang ang isip ko kung hindi ba ako tutuloy o hahayaan ko na lamang na hindi alam ni lola ang gagawin ko.
Ayokong umalis nang walang paalam pero ayoko ring hindi makapunta sa amusement park! Minsan na nga lang ito, hindi pa matutuloy? Para sa akin ay dapat ko nang gawin ang mga makapagpapasaya sa akin bago ang operasyon, hindi ba? Dahil hindi naman tiyak na gigising ako matapos iyon. Ni hindi ko alam kung aabot pa ako ro'n.
Huminga ako nang malalim nang tumunog ang bell. Inilabas ko ang lunch box ko nang makita kong pumasok ang sumasayaw-sayaw na si Carla. Hinila niya ang isang bangko saka inilagay iyon sa tapat ko.
"Carla.. Hindi ko kayang gawin!"
Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"
I opened my lunch box and closed my eyes to pray and thank God for the food. Muli akong huminga nang malalim nang tumingin ako sa kaniya. Mabilis niyang sinimulan ang pagkain niya.
"Ang magsinungaling na sa'yo ako pupunta kahit na sa amusement park talaga."
Umangat ang kilay niya. "So, hindi tayo tuloy?"
Nagsimula rin akong kumain. Labag sa loob na bumuntong-hininga akong muli saka tinatamad na sumubo pa ng isa. Umiiling-iling si Carla habang nakain at nakatingin sa akin.
"Sasabihin ko na lang kay Spencer na sa susunod na lang." Sambit ko.
She shrugged. "Ikaw ang bahala."
I looked down. Pero, gusto ko talagang pumunta. Ayokong sabihing hindi na kami pupunta dahil hindi naman iyon ang gusto ko. Ang gusto ko ay magsaya sa lugar na iyon. Hindi ko na kayang magkulong na lang. Hindi na nga sigurado ang nalalabi kong oras, tapos sasayangin ko pa sa pagpapahinga na lang?

BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...