Kabanata 20

8.2K 253 128
                                    

20 – Promise

"Ayos na ba ang puwesto na ito? Gusto mong palitan ko ang unan?"

"Hindi na, Carla. Maayos na ako."

Pilit akong ngumiti sa kaniya habang tinutulungan niya akong iangat ang paa ko sa kama. Aligaga niyang hinawi ang buhok niya at inayos ang kumot ko.

"Ano pa bang kailangan?" Tanong niya. "Ah, kukuha ako ng medyas para hindi malamigan ang paa mo."

I sighed. "Carla, umupo ka na.. Huwag kang mag-alala sa akin."

Hindi ko rin siya napigilan nang tumungo siya sa cabinet para kumuha ng medyas. Kalalabas ko lamang ng ospital at kauuwi lang ng bahay. Dalawang araw lang naman ang itinagal ko ro'n at nagpumilit na rin akong umuwi. Hindi ako makakatagal sa ospital.

Bumalik siyang may hawak na pares ng medyas. Marahan niya iyong isinuot sa paa ko. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. She looked at me and asked again.

"Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"

Marahan akong umiling at iniabot ang kamay niya. Bumuga siya ng hininga at ipinikit ang mga mata. Umupo siya sa tabi ko dahil sa dahan-dahan kong paghila. Sinamahan niya kami sa ospital, alam kong pagod na siya.

"Hindi ko lang mapigilan.." bulong niya.

I nodded and pulled her closer to me. Sumandal siya sa akin ngunit hindi iniasa ang bigat sa akin. I smiled again and combed her long hair. She needs to rest.

"Carla, hija! Kumain na muna rito!"

Tinapik ko siya nang sumigaw si lola mula sa kusina. Bumangon din naman siya agad at binitiwan ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. I laughed and pointed at the kitchen.

"Sige na, kumain ka na. Pupuntahan naman ako ni lola rito."

Tumango siya at tumalikod na sa akin. Bago pa siya makalabas ng kuwarto ay pumasok na si lola. Sandali niyang tinanggal ang salamin at marahang umupo sa tabi ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

I just smiled at her. Alam kong sobra ang pag-aalala niya. Umiyak siya at natakot nang dahil sa akin. Pero, nagagawa niya pang ngumiti ngayon sa harap ko.

"Mahal kita, lola." I said.

I touched her cheek after I kissed her hand. Nawala ang ngiti niya sa akin at umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ko nang tuluyan siyang tumayo.

"Huwag mong sabihin 'yan. Ayokong marinig, Agatha."

"Gusto ko lang malaman ninyong mahal ko kayo." Sagot ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Puno ng takot at pagod ang mga mata niya. She looked down and closed her eyes. Parang nabasag ang puso ko sa naging reaksiyon niya sa sinabi ko.

"Marami ka pang masasayang alaalang gagawin kaya kumapit ka.." aniya. "Huwag mong sabihin sa aking mahal mo ako na parang ito na ang huli."

Umiling ako sa kaniya. That's not what I meant. Gusto ko lang talagang malaman niyang mahal ko siya, makatulong man lang sa pagod na nararamdaman niya ngayon. Hindi ko man madalas sabihin ngunit mahal na mahal ko si lola. Kahit na sumusuway ako kung minsan.

Isang buong araw kinabukasan pa ang inilagi ko sa bahay para magpahinga. Pabugso-bugso lang naman ang paninikip ng dibdib ko kaya kinakaya ko namang tiisin. Masakit iyon kapag humihiga ako kaya naman tatlong unan na ang ginagamit ko para manatiling angat ang itaas na bahagi ng katawan ko. Paunti-unti na ring umiimpis ang pamamaga ng binti at paa ko. Ang sabi ng doktor ay may mga pagkain namang nakatutulong para mawala ito.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon