32 – Refuse
We were both silent the whole night. Hanggang sa dumating sina lola at Carla ay hindi na kami nag-usap pa. Pati yata sila ay napansin ang lamig ng atmospera sa paligid namin. They fell silent like us. Mapanuring tingin lamang ang ibinibigay sa akin ni lola habang tahimik kaming minamasdan.
Spencer was looking out the window when I fell asleep. Hindi ko alam kung nagkausap ba sila ni lola tungkol sa problema namin nang makatulog ako. It's not that I want him to leave me totally. I just want him to have his own time for himself. Hindi iyong bago pa lang naman kami pero lahat na ng oras niya ay napupunta sa akin.
We are not even a couple but he treats me like we are more than that. Inaalagaan niya ako at kahit na mahirap iyon ay wala siyang sinabi. He's here and he never complained. Kung alam niya lang ang magkahalong saya at sakit na nararamdaman ko tuwing narito siya.
I am happy he's here, but it hurts to see him suffering because of me. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang inulit ito pero iyon ang nararamdaman ko. I feel guilty. I am taking his life away from him and I don't want that.
He was gone when I woke up. Hindi gaanong maginhawa ang pakiramdam ko nang gumising ngunit mabuti na rin at hindi kumikirot ang dibdib ko. My feet and ankles were swelling but it's normal with my condition. Nanatili lamang akong nakahiga sa kama at nanghihina. I feel weak and it saddens me that I can't do anything about it.
Bukas ang kurtina kaya naman naging maliwanag sa kuwarto ko. Lola was on the sofa, reading a newspaper. I immediately looked at the door when someone knocked. It that Spencer?
Nang bumukas iyon ay hindi si Spencer ang nagpakita. It was Monique. Nakapuyod ang kaniyang buhok at nakasuot ng maternity dress na kulay berde. Nakangiti niyang isinara ang pinto habang nakatingin sa akin
"Napadalaw ka ulit.." bati ko.
She nodded and slowly walked to me. Napangiwi siya habang hawak ang tiyan. Mukhang sumasakit na naman. Napahawak pa siya sa kama ko bago umupo.
"Nakapili ka na ba ng pangalan?"
Umiling siya. "Hindi pa. May ilang araw pa ako para mag-isip ng pangalan niya."
I smiled at her and tried to extend my hand to touch her belly. Hinawakan niya naman ang kamay ko at inilapat iyon sa tiyan niya. She silently laughed and stopped when she notice lola. Marahan siyang yumuko at bumati.
"Magandang umaga po."
Lola smiled at her. "Magandang umaga, hija.."
Isinara niya ang diyaryong hawak at tumayo. Lola likes to see pregnant ladies. Kahit sa Louisiana ay ganoon siya.
"Si Monique, lola. Kaibigan ko po." Pakilala ko.
Tumango siya at lumapit sa akin. Monique giggled when lola touched her tummy. Maganda ang ngiti ni lola at nagtanong sa kaniya tungkol sa pagbubuntis niya. She seem pleased about it.
"Dito ba kayo nagkakilala?"
"Opo. Ilang araw na lang, manganganak na ako kaya narito na ako." Sagot niya.
"Ah, ganoon ba?" Aniya. "Maiwan ko muna kayong dalawa."
Magalang na tumango si Monique at nagpaalam kay lola bago siya lumabas. Nang maiwan kami ay sa akin agad tumuon ang atensyon niya. Iniusod niya ang upuan at bahagyang hinawakan ang braso ko.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
I inhaled deeply and smiled. Kung pumunta siya kahapon, sana ay nakita niyang maayos ang pakiramdam ko. I was pale but I was fine. Kung narito sana siya ay makakapagkuwentuhan kami nang matagal na hindi ako naghahabol ng hininga.
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Teen FictionLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...