06 – Coincidence
"Wala po akong pasok ngayon, lola. Si Hans ang magbabantay sa shop."
Hinila ko ang kumot ko para tabunan ang katawan ko. Malamig ang umaga kinabukasan kaya naman halos bumaluktot ako para lang mabawasan ang lamig. Humikab ako saka tumingin kay lola na isinukbit na sa balikat niya ang lumang bag.
"Kung ganoon, dito ka lang sa bahay?" Tanong niya.
"Baka po pumunta ako kina Carla mamaya. Maglalakad-lakad lang sa plantasyon."
"O, sige. Huwag kang magpapagod."
Tumango ako saka pumikit nang muli. Naramdaman ko pa ang halik niya sa noo ko bago umalis at sumara ang pinto. Idinilat ko ang mga mata ko nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Agad akong bumangon at umupo para habulin ang hininga ko.
Hinilot ko ang sentido ko habang awang ang labing humihingal. Blangko ang isip ko habang nangyayari iyon. Kahit ano ay walang laman ang utak ko. Ni hindi ako nag-alala o ano man. Siguro ay dahil naman sanay na ako sa ganitong sistema. Hindi na ito iba sa akin.
Wala rin naman akong ginawa nang makaalis si lola. Naupo at nanood lamang ako ng T.V. sa buong umaga, kumain ng tanghalian, at dumiretso na rin sa flower shop kung saan florist si Carla. Half day lamang siya ngayon at nagyaya siya kahapon na pumunta ulit kami sa plantasyon. Noong una ay ayoko ngunit naisip kong hindi na rin naman masamang ideya ang bumalik do'n. Hindi ba't ang sabi ni Spencer ay uuwi na siya ng Maynila? Baka wala na siya ro'n at wala nang kahit sinong mang-aasar pa. Tsinelas lang naman pala ang ipinunta niya rito.
"Tagal mo. Inugat na ang binti ko."
Natatawa kong hinawakan ang braso ni Carla para kumuha ng pag-alalay. Nakaladlad pa rin gaya noon ang buhok niyang hanggang baywang. Ibang-iba sa akin na halos hanggang balikat lamang.
Sabay kaming naglakad patungo sa plantasyon. Hawak niya ang payong habang papunta, at ako naman ay nakahawak sa braso niya. Hinahangin ang dilaw kong palda kaya naman agad ko iyong hinawakan. Tumatawa-tawang ikinuwento sa akin ni Carla ang naging araw niya sa flower shop.
Nang makarating sa likod ng mansiyon ng mga Aguilar ay inaya ako ni Carla na manood sa mga naghahakot ng basket ng mga bulaklak. Pumayag na rin naman ako dahil kampante na ako at kumportable. Hawak ko rin ang basket kung sakaling maisipan naming mamitas.
Carla tsked as we sat down the bench. Kumunot ang noo ko sa kaniya habang inaayos ang palda ko. Maaraw ngunit hindi mainit ang panahon. Gaya no'ng nakaraan ay may mga naghahakot ng basket patungo sa truck. Saan naman kaya ang tungo nito ngayon? Sa Maynila na kaya?
"Spencer.." bulong ni Carla. "Spencer Aristizabal."
Nagsimula akong kabahan nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka bumaling siya sa akin. I continued watching those men until she spoke again.
"Anong tingin mo sa kaniya?"
Hindi ako sumagot at ini-ekis ang hita ko. Umawang ang labi ko nang kalabitin ako ni Carla habang inginu-nguso ang lalaking nanggaling sa loob ng truck. Kumindat siya sa akin saka humalakhak.
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko nga ang itinuturo niya. Napalunok ako nang mapansing itim na naman ang suot niya at walang manggas ang damit. Nangingintab ang braso niya dahil na rin siguro sa pawis dahil hindi man mainit ay na sa gitna sila ng arawan.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Okay lang.."
"Paanong okay lang?"
Pinadausdos niya ang daliri niya sa buhok saka binuhat at ipinatong ang basket ng Chrysanthemum sa balikat. Dinama ko ang dibdib kong malakas ang kabog. Ano ba naman itong kaba ko?
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Novela JuvenilLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...