Kabanata 4

9.7K 298 25
                                    

04 – Blessing

Hindi ko na siya sinundan pa nang tuluyan siyang lumayo. Ngumiti ako nang malungkot nang mapagtanto ang sinabi niya. Why does he think that God wouldn't bless him? Of course, He does and He would. Hindi ko alam ang ginawa niya noon pero, hindi iyon magiging dahilan para lumayo ang Diyos sa kaniya. There is no condemnation in God's love.

I went back to the shop to leave his slipper there. Hindi ko iyon puwedeng iuwi dahil hindi ko alam ang isasagot kung magtanong man si lola. Nang makauwi naman ay wala pa siya. Nagpahinga lamang ako habang naghihintay sa kaniya dahil sa panghihina. Sinigurado ko pa ang paglalagay ng tint para hindi mapansin ang putla ko.

Nagising ako kinabukasan na sumisikat na ang araw. Ang liwanag no'n ay tumatama sa aking mukha kaya naman agad akong bumangon. Ang naiwan lamang sa bahay ay ang almusal ko, ngunit si lola ay wala na.

I don't know why but I feel fine when I stood up. Unti-unti nang nawala ang pamamaga ng paa ko at hindi masikip ang dibdib ko nang simulan ko ang paglalakad. This is good. This is God's blessing, I believe. Kaya sino mang nag-iisip na hindi sila kayang pagpalain ng Diyos ay nagkakamali.

Nakangiti akong lumingon sa pinto nang tumunog ang bell. Hans smiled at me when he entered. Bumati lamang ako saka ipinagpatuloy na ang pagtitig sa dilaw na mga bulaklak na hawak ko. Ipinagawa ito ng isang costumer na babalikan na lamang.

Tinignan ko siya habang namimili ng mga bulaklak. Pati kraft paper ay siya na ang pumili ng kulay. He smiled again and placed it on the counter. Binitiwan ko ang bulaklak na hawak ko saka sinimulang gawin iyon.

"Hans, bakit mo sinimulan ang flower shop business?" Kuryoso kong tanong.

"Mahilig ang girlfriend ko sa mga bulaklak."

Umangat ang kilay ko. Noon nga ay laging narito ang girlfriend niya, pero ngayon ay hindi na pumupunta. Tingin yata ni Hans ay hindi ko alam.

Ngumuso ako. "Pero, break na kayo."

Gulat siyang tumingin sa akin. Mahina akong natawa saka ipinagpatuloy ang paggawa sa bouquet niya.

He sighed. "Oo.."

"Pinapaalala ba siya ng shop na ito sa'yo?"

"Hindi naman. Syempre, mga bulaklak ang pinaaalala sa akin ng shop, hindi ang ex ko."

Lumapit siya para guluhin ang buhok ko. I laughed and shook my head. Nang matapos ko ang bouquet niya ay agad ko iyong iniabot. Ngumiti ako nang mayroon ulit pumasok. Ngumiti rin siya at bumati sa amin. Si Hans ang nag-asikaso sa kaniya para mamili ng mga bulaklak.

Nang matapos siyang mamili ay inilapag na iyon ni Hans sa counter. He left after that. Naiwan ang babae habang hinihintay ang paggawa ko. She chose black colored flowers. Kakaiba dahil madalas na walang kumukuha ng itim na mga bulaklak.

"First time ko lang gumawa ng bouquet na itim. Sino nga pala ang pagbibigyan mo?"

She smiled. "Boyfriend ko. Mahilig sa itim."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I smiled back and nodded. I know someone who likes black too. Hindi man niya sinabi sa akin, pero napansin ko iyon sa kaniya.

"Alam mo, ngayon lang din ako nagkaroon ng costumer na babaeng nagpapagawa ng bouquet para sa boyfriend.." ani ko. "Ang ganda ng ideya mo, ah?"

Mahina siyang natawa. "Lagi niya kasi akong binibigyan ng bulaklak. Kaya naisip ko, maganda rin kung bibigyan ko siya."

Tumango ako. Tama rin naman. Hindi naman dahil lalaki ay wala nang karapatang makatanggap ng bulaklak. Hindi lang babae ang dapat tumatanggap, 'no. It should be equal.

Last A Lifetime (Louisiana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon