30 - Friend
"Good morning.."
There was a hand holding mine when I woke up. A warm voice enveloped the cold I am feeling. Ang unang nahagip ng mga mata ko ay si lola na natutulog sa sofa. I automatically smiled when I glanced on my right side. Nakayuko pa siya sa sa kama ngunit nakabaling na sa akin. Singkit ang mga mata niya at mukhang kagigising lang.
"Good morning." Bati ko pabalik.
I frowned when he kissed my hand and stood up to prepare a coffee. Medyo gusot ang kaniyang damit ngunit hindi na iyon kaparehas ng kahapon. He opened the curtains to let the light come in. Napapikit ako bago nagsalita.
"Hindi ka ba umuwi sa inyo?"
Umiling siya at nagsalin ng mainit na tubig. Sandali niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago humikab. I secretly smiled and blushed. He looks cute.
"No. I slept here."
"Puwede ka namang umuwi. Magpahinga ka sa inyo." Ani ko.
Pinanliitan niya ako ng mata saka nagsalin ng kape. Nakangiting umangat ang kilay ko sa kaniya. I'm serious, though. Kailangan niya ring magpahinga sa kanila. Hindi sasapat na dito lang.
"You're asking me to leave after you accepted me into your life?" He asked and shook his head. "I'm staying here."
Pagak akong natawa. I pressed my lips together as he walked towards me with a cup of coffee on his hand. Inilapag niya iyon sa bedside table bago umupo muli sa tabi ko.
"Ano namang kinalaman no'n?"
"Nothing. Baka lang kapag wala na ako rito ay magbago ang isip mo."
He looked away and sipped on his coffee. Nawala ang ngiti ko. I gently brushed my weak fingers on his arm and sighed.
"Hindi na magbabago ang isip ko, Spencer.." paninigurado ko. "At talagang puwede kang umuwi. Matulog ka nang maayos sa inyo. Kung gusto mo ay gumala ka o magpahangin sa labas."
"I'm not leaving." Pagmamatigas niya.
Hindi na niya ako tinignan. Muli siyang tumayo para gumawa ng sandwich. Agad akong nakaramdam ng lungkot. And now he doesn't even want to go out and enjoy anymore.
Mahina akong nagsalita. "Wala namang mangyayari."
"Wala naman talaga. Gusto ko lang na narito ako." Malamig niyang tugon.
Hindi na ako sumagot pa. I forced a smile and nodded. Wala namang masamang narito siya. Ang gusto ko lang ay huwag maubos ang oras niya kababantay sa akin. Alam kong magkasama kami rito ngunit mayroon pa rin siyang buhay. May buhay siya bago kami magkakilala. Ano nang nangyayari ro'n? Mawawala na lang ba ang atensiyon niya ro'n dahil sa akin?
He went back to me with a sandwich. Mayroon akong sariling pagkain mula rito sa ospital kaya naman kumagat lang ako nang kaonti ro'n. Bumalik din naman sa dati ang mood niya nang hindi ko na binuksan ang pag-uwi niya sa kanila.
This is one thing that I was avoiding before. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong malaman niya at gusto kong lumayo siya. I don't want him to be stuck. I don't want to be his responsibility. Pero, nag-usap na kami. He's determined to do this together. At kahit mahirap na makita siyang nahihirapan dahil sa akin, pumapayag ako dahil ito ang hiling niya.
"Anong nararamdaman mo, apo?"
I wasn't feeling good the next day. Masikip at sumasakit ang dibdib ko. Malamig din at sobrang panghihina ang nararamdaman ko. Para akong binugbog. I am even wheezing repeatedly.
BINABASA MO ANG
Last A Lifetime (Louisiana Series #1)
Ficção AdolescenteLOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal faith is what kept her fighting to survive. Nothing is more important than her belief in the Heavens and...