Name
Pagkatapos ng pasaring ni Luci kay Theo ay parang walang nangyari lang siyang bumalik ulit sa pag-aayos ng sasakyan.
Si Elise naman ay iniwan siya saglit at may kung anong kinuha doon sa vacation house nila.
Nanatili ang tingin ko sa kanya na patuloy ang pagkukumpuni sa jeep wrangler. Hindi niya makita ang titig ko dahil nakatalikod naman siya sa gawi ko.
He can fix cars. This reminds me of our company. Magpaturo kaya ako sa kanya kung paano magkumpuni ng sasakyan? Tita and Tito never lets me do it. Maging sina Kuya Ezra at Kuya Eisen ay hindi ako hinahayaan.
Maglalakad na sana ako para sumunod na kay Theo pero tila napako na lang ako sa kinakatayuan, namamangha sa pagpulot ni Luci ng iba't-ibang tools para ayusin ang iilang bahagi malapit sa nguso ng sasakyan.
And when he moved to turn the screwdriver, the muscles on his topless back got defined into ripples. His sweat even made his tanned skin glisten.
Akmang mag-iiwas na ako ng tingin nang siyang paglingon niya sa akin. His brows quirked up upon noticing me just foolishly standing.
"You need anything?" marahan niyang tanong.
Ngayon ay tuluyan na siyang tumayo at pinagpagan ang kamay. And it's not good that he's now standing even three meters away from where I am.
His sweaty chest and abs is on display. And his faded jeans hang low on his hips that I can clearly see the deep v dipping beneath it.
Napatikhim ako.
"Ah wala, sige, susunod na ako kay Theo."
His eyes fell on my dress with knitted brows. 'Saka siya nag-angat ng tingin sa akin, ganoon pa rin ang ekspresyon.
Bahagya akong nanliit dahil sa tingin niya.
His lips parted in a fraction for a second, tila may sasabihin siya pero tumango na lang siya sa akin.
"Come on, Cara!" tawag sa akin ni Theo sa may kalayuan doon sa dalampasigan.
"Uhmm... sige, alis na 'ko."
I turned around and went towards Theo without even waiting for Luci's response. It's not like we have something more to talk about anyway.
Nang makalapit na ako sa dalampasigan ay ngiting-ngiti na si Theo. Topless na rin siya at nasa mababaw na parte na ng dagat. Hindi pa naman siya naliligo dahil hanggang tuhod niya lang ang tubig.
I seriously stared at him. Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Luci kanina. Totoo kaya? I don't want to judge him pero base kasi sa kinikilos niya noong pagkarating ko pa lang, parang may iba.
I tried to shut off those thoughts and gave him the benefit of the doubt. Hindi ko naman kasi alam kung paano ang pakikipag-date.
I admit it, I'm an inexperienced fool.
I read romance novels, yes, pero ibang-iba ito sa katotohanan.
Theo's smile suddenly faded when he noticed me seriously staring at him. Ilang segundo lang ay naglakad na siya patungo sa akin, may pag-iingat ang ekspresyon.
Naupo siya roon sa asul na beach blanket na dala. Tiningnan niya ako ng marahan, tila minumuwestra na maupo rin ako sa tabi niya.
I slowly sat beside him one meter apart. Hindi ko alam ang sasabihin ngayong pinagdududahan ko na ang intensyon niya. Masama tuloy ang pakiramdam ko dahil sa iniisip.
"Tungkol sa sinabi ni Kuya Luci... sorry," mahinang usal niya at napayuko.
I tilted my head towards him and kept silent, letting him explain himself. It might be a misunderstanding, I can't just react crassly.
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
Любовные романыCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...