Kabanata 33

281 8 0
                                    

Meeting

I should have known. How stupid of me. Noon ko pa narinig ang tungkol sa Donahue Alcuesta but never did I ever thought that it is directly connected to the Alcuestas that I know.

Besides, I was too busy facing the wars inside my head. I have no time to even think of the simplest details like that.

"I'm off to the conference room, how about you? To your Dad's office?" Magaan na tingin ang iginawad sa akin ni Ellia.

Kaagad akong umiling sa tanong niya. Dad? Ni hindi ko nga alam kung alam niya nang nakauwi na ako. And if he really doesn't know, he will surely be surprised if I just appear in the meeting unexpectedly. Nakalimutan ko pa namang itanong kay Tita kung sakaling alam ba ni Dad ang tungkol sa pagdating ko.

"I'm off to the conference room too," I replied, feeling so embarrassed and reserved at the same time.

I wonder if Ellia knew about what happened four years ago? Ano na kaya ang tingin niya sa akin ngayon? Siguro may galit siya sa akin, nadamay ang pamangkin niya... But then he can't just react harshly, kaya siguro civil pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngayon.

"Oh, sabay na tayo," alok niya.

Magpo-protesta pa sana ako nang biglaang nag-ring ang phone niya. I heaved a sigh of relief. That'll keep him busy.

"Mauna na ako," mahina kong sinabi at kimi siyang nginitian bago naglakad papaalis sa parking lot.

Nang tuluyan na akong nakaalis doon ay 'saka ko pa lang napansin ang malakas na tahip ng dibdib pati ang panlalamig ng mga kamay ko. But despite the feeling, I tried to keep my poise and composure as employees greeted me.

"M-Miss Cara! Hindi po namin alam na nakauwi kayo? B-But welcome back, Miss!" Ang receptionist na dati pa man, ay dito na nagtatrabaho sa Herrera International, Inc.

Bakas sa mukha ng mga empleyado ang pagkakabigla sa pagdating ko. Nobody knew that I came back kaya lahat sila'y tila hindi makapaniwala na nandito ako. Almost all of the old office employees know me, iyon lang mga bagong mukha ang nagtataka sa presensya ko at sa tila komosyon na nangyayari sa may lobby.

"Hindi po talaga namin inakalang uuwi kayo. Ilang taon na rin po kasi simula nang umalis kayo," Dad's secretary followed.

Sinalubong niya ako kaagad at ng iilan pang empleyado na papasok pa lang din kagaya ko.

"Alam po ba ni Sir Oliver na nakauwi na kayo?" tanong ulit ng secretary ni Dad.

I slightly bit the inner side of my lower lip. Kung hindi lang ako napapalibutan ng mga empleyadong nakakakilala sa akin ay kanina pa ako napasapo sa mukha.

Maybe Tita Helen was right with what she said last night. Bago pa man niya ako maihatid sa kuwarto ko, pinayuhan niya na akong 'saka muna gumawa ng appearance sa company pagkatapos ng inihanda nilang welcome party para sa akin. But I was stubborn and insisted that I am ready for the meeting. Ni hindi ko na masyadong inisip pa ang magiging reaksyon ng mga tao sa kompanya.

"Excuse me, Cara is going to attend a meeting. Don't worry, we will surely answer all of your questions on the welcome party that we prepared for her. Sa ngayon, asikasuhin niyo na muna ang mga trabaho niyo."

Malaking buntong-hininga ang napakawalan ko nang marinig ang boses ni Tita Helen na sumingit sa gitna ng komosyong nangyayari. Mabuti na lang at nakarating na pala siya.

Dahil sa pagdating ni Tita, humupa ang komosyon at nagpatuloy na ang ibang empleyado. But Dad's secretary was persistent and stayed.

"Alam po ba ito ni Sir Oliver? Siguro po hindi muna dapat sumali sa meeting si Miss Cara nang hindi pa pinapayagan ni Sir."

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon