Kabanata 36

321 8 0
                                    

Odd

Madilim na nang pabalik na kami sa beach resort. Ang mga kasamang sobrang hyper at ingay sa buong island hopping namin ay naging tahimik na. Napagod din siguro sa kakaharutan.

Malamig ang ihip ng hangin dahilan kung bakit napalingon ako sa katabi na kanina lang tahimik at walang imik.

Lucius Alcuesta is just sitting one meter apart from me. His bloodshot eyes are glued on the floor. Nakayuko siya, ang dalawang kamay ay nakasiklop malapit sa noo na tila pagod na pagod sa buong araw.

"You can have your shirt now. Hindi naman na ako nilalamig." Inilahad ko ang puting long-sleeved shirt niya.

After I almost drowned, he commanded the tour guide and the helmsman that we should go back to the beach resort. He held my wrist so tight while we boarded the yacht. Sobrang higpit na tingin ko hindi na ako makakawala pa, it was so tight to the point that it slightly hurt. But I let him be. I felt his anger and frustration and somehow, I felt his... fear and concern.

Nang umandar na ang yate ay basta na lang niyang hinubad ang suot na shirt at ipinulupot sa basa kong katawan. Kaya ngayon, siya na ang nalalamigan.

I wanted to call him out by his nickname just so I could get his attention and give back his shirt.

But inside my head, it felt so weird calling him by that... para bang wala na akong karapatan na tawagin pa siya ng gano'n. I felt like we are a stranger to each other- which we're always were.

"Mr. Alcuesta, thank you for lending me your shirt." Bahagya ko nang iwinagayway ang damit sa harap niya.

The moment he looked up at me, plastered in his expression was confusion. His lips are slightly parted in a fraction before he looked away from me.

"You can have that. It's cold."

"Malamig nga. You need to wear your shirt."

Dahil bukod sa nilalamig siya, nakakaasiwa ang pagiging topless niya. I could see the ripples of muscles on his back, his forearms... his body! Dagdagan pa ng mga babaeng kasama namin na kahit natahimik na ay panay pa rin ang sulyap sa kanya.

"Put it back, Cara. Huwag matigas ang ulo."

Napasinghap ako dahil sa naging sagot niya. Sino kaya ang matigas ang ulo sa aming dalawa? But anyway, wala naman akong karapatang pilitin siya kaya desisyon niya na 'yan.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at nagpasya na lamang na tumahimik. And then the whole time I was silent, exhaustion started to find its way to my body and so I slept.

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga yabag. Pero tila gusto ko pa ring manatiling nakapikit dahil sa init na nakapulupot sa balikat ko. It felt so warm that I leaned closer and snuggled more.

"Luci, okay lang kaya si Miss Cara? Baka kailangan niyang magpa-check sa doctor. Ang tagal ding nawala no'ng cramps niya." Boses na siyang tuluyang nakapagpagising sa akin.

I woke up only to find out that I slept on Lucius Alcuesta's chest. That's why it felt so warm... And his arms were draped around me just so I won't feel cold. Nasa akin na nga ang shirt niya...

Kaagad akong lumayo sa kanya dahilan ng paglingon niya sa akin. Napatikhim ako at piniling balingan na lamang ng tingin ang tour guide na siyang kumausap sa kanya kanina.

"Miss Cara, baka kailangan niyo pong magpatingin sa doctor? Para lang po masiguradong safe ang kalagayan niyo."

"Thanks for the concern pero okay lang naman po. I think it was just normal, nangyari nga lang sa unfortunate na panahon."

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon