Irritating
"Anong ginawa mo kahapon? Bakit umuwi ka kaagad?" si Kuya Eisen sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya papuntang school.
I am spacing out. An irritating scene is playing on a loop inside my head. I haven't had a proper sleep because of it! And it's now bothering me!
"Wala, napagod lang ako sa kakanood ng basketball kaya umuwi rin ako agad," malamyang sagot ko.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Ang mahinang music galing sa stereo ay in-off niya.
Tinantya ko ng tingin ang eskpresyon niya habang seryosong nagmamaneho.
Why does he feel like Kuya Ezra right now? Wala naman akong ginawa kahapon ah? Pero naaalala ko–
"May natapunan ka ng sauce ng street food." Bahagya siyang lumingon sa akin.
I got silenced. I got preoccupied by the thought of that moment that made me cringe instead of thinking about my mistake.
"Nakita mo 'yon?" sa maliit na boses na tanong ko.
Kuya Eisen shot me a glance, his eyes narrowed at me as he scoffed and swerved the car, entering the parking lot.
"Bakit hindi ka man lang nag-sorry?"
I was torn between getting off the car and sitting still to listen to Kuya Eisen's upcoming sermon. Sighing, I have no choice but to pick the latter.
"Uhmm..."
Bakit nga ba hindi ako nag-sorry? Dahil nairita ako. But that wasn't a valid reason! I know, but I just— I was irritated to the point that I just walked out without saying anything.
"Mag-sorry ka ro'n sa tao, Cara. May exam kami kahapon sa dalawang subjects tapos na-late pa siya dahil do'n. Nag-exam ng marumi ang uniform."
Hindi ko na makapa ang isasagot kay Kuya at kaagad na nilukob ng konsensiya. Of course I– I didn't know that!
"I-Intramurals naman ah? Bakit may exam kayo? Tapos hindi naman kita nakitang nag-uniform." Napanguso ako.
Kuya shook his head and looked so upset with what I said.
"Paano mo ako makikitang naka-uniform? Kay Ezra ka naman sumabay kahapon? At Cara, iba ang college sa inyo."
Yes, I know, college is still different from Senior Highschool but I really didn't know that they have an exam yesterday.
And it's not just my fault right? Nagkabungguan kami dahil sa pagmamadali niya, ang tanging mali ko lang, ay ang hindi pagso-sorry.
"Wala ka namang sinalihan ngayon sa intrams 'di ba? Sumama ka sa akin, mag-sorry ka sa kanya."
Wala akong nagawa kundi sumunod kay Kuya na nauna nang lumabas sa kotse.
Ang naiisip na magso-sorry ako sa lalaking 'yon ang dahilan kung bakit kinabahan ako at binagalan ang paglalakad dahil naaalala na naman ang lintik na slow motion.
Sana pala, may sinalihan na lang ako ngayong intrams.
"Oh, nando'n pala siya sa may shed."
Tinuro ni Kuya ang lalaking nakaupo ro'n ng mag-isa, sa shed na palaging tinatambayan nila malapit sa College Department.
Nakatalikod siya mula sa gawi namin at may kung anong itina-type sa laptop na nakalapag sa bilog na mesa roon sa gitna.
"Eisen? Nandito ka na pala!"
The girl who suddenly approached us looked at Kuya with flushed cheeks as she held the strap of her cross body bag tighter. My eyebrows raised at that.
"Hi Cara! Uhmm... puwede bang makausap ko ang Kuya Eisen mo?"
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
RomanceCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...